♥ 9

4.7K 73 5
                                    

Charlie's POV

Parami na ng parami ang tao sa room. Pati mga di ko kakilala, nakichismis na din.

May ibang naaawa sa akin at mayroon din namang kung makapagsalita akala alam ang lahat.

"Ang clumsy naman. Makikita naman agad yun kung may bubble gum o wala sa upuan."

Tiningnan ko lang ng masama yung babaeng nakikisilip. Nakikisilip ka lang ate.

Hiyang hiya na talaga ako dito sa kinatatayuan ko. Yung mga bestfriends ko nakaupo sila para linisin yung palda ko. Ilang bubble gum? Anim lang naman. Saya di ba?

Maya-maya lang rin, umalis na ko.

"Charlie di pa tapos." di ko na sila pinansin at nagdire-diretso lang sa banyo.

Pagkarating sa banyo, tumingin ako sa salamin. Naiiyak ako. Pakiramdam ko kasi nabully ako. First time 'tong mangyari sakin.

Alam kong mali ang mambintang pero malakas ang kutob kong siya yun eh.

Owy's POV

Papunta kaming anim sa mini park. Fresh kasi ang air dun eh, tapos ang lawak pa ng field. Naeenjoy tuloy nmin ni Biboy ang moments nmin. Hahaha :D de joke lang! Di ako bakla noh ..

Alam nyo na nman siguro ang nangyari sa room kanina di ba? Grabe pati ako nagulat. Sino ba namang student ang maglalagay nun doon? Naawa naman ako kay Charlie. Yung itsura niya kasi down na down.

"Tara dun na lang tayo magrest." sabi ni Cav na mukhang naiinip na.

"Oo nga pati ako napapagod na rin kakahanap ng pwesto." sabi nman ni Oliver.

"E ba't nga ba tayo naghahanap pa ng pwesto, e tayo lang nman ang tao dto ....para lang tayong batang kanina pa paikot ikot dto ah." sabi ko nman medyo inip na din ako eh ...

Lahat kami ay umupo na sa green grass ng mini park.

"Di ata tayo kumpleto wala si Ranz." sabi ni Biboy habang inaayos ang buhok.

"Guys, look! sino yun? tawa ng tawa dun sa may puno" Ully

Tiningnan naman namin yung direksyong itinuro ni Ully. At ... aba! utas nga ang lalaking yun kakatawa.

"Guys wait! Hindi ba yun si Ranz?" sabi ni Cav habang ngumunguya-nguya pa.

"Aba! Oo nga noh, si Ranz nga. " Biboy said.

Si Ranz pala yung tawa ng tawa dun sa may puno. Ano nman kayang kababalaghan ang ginawa nito?

Finally, tumingin na din si Ranz sa direksyon namin pagkatapos ng ilang beses na pagtawag ni Ully sa pangalan nya..

RK's POV

Natatawa talaga ako sa reaksyon nya kanina buti na lang umalis na agad kami sa room. Nakaganti din sa wakas (evil laugh) ..

Papunta na ko ngayon sa kinauupuan ng mga kaibigan ko. Grabe di ko talaga mapigilan tong tawa ko.

"O andito pala kayo." sabi ko sa kanila

"Ay wala Ranz. Nasa room kami wala kami dito." sabi ni Owy sabay tawa.

"Ranz kanina ka pa tawa ng tawa dun sa may puno. Teka.....wag mong sabihing ikaw ang may pakana nung kay Charlie. Naku! patay ka na naman dun.." sabi naman ni Biboy.

"Well gantihan lang yan. Trip ko 'to eh." lakas loob pa niyang sinabi.

"Goodluck na lang sayo RANZ KYLE VINIEL EVIDENTE ONGSEE." sabi nman ni Oliver.

Tapos nagtawanan kaming lahat.

Oliver's POV

Laughtrip kami ngayon dito sa mini forest. Nagkukwentuhan kasi kami about sa elementry life namin .. Habang utas ako ng kakatawa, napatingin naman ako sa may bandang kanan. Sa di kalayuan, may nakita akong isang babae na parang papalapit samin. Kinusot ko ang mga mata ko para makita ko agad ang itsura at..

"Guys, si Charlie yun di ba?" sabi ko.

"Oo nga noh. Hala patay ka Ranz. Patay ka! Patay ka!" sabi ni Cav sabay tawa.

5 steps na lang bago siya makapunta sa pwesto namin ng bigla siyang sumigaw ng

"RANZ!!"

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon