Ully's POV
"He-he-he-he-he" sabay naming sabi ni Owy pagkarating ni Ranz sa tambayan.
Nagkatinginan kaming lima at palihim na ngumingiti.
"Ano ba!" saway ni Ranz.
"May problema ba doon? Sa tingin ko naman wala eh. Di ba guys?" sabi ni Oliver.
"Oo nga wala namang problema dun eh." sabi ni Biboy.
"Problema? Wala akong nakikita doon?" wika ni Cav.
"Wala naman talagang problema dun eh." singit ni Owy.
"Oo nga tol. Walang problema dun."
Palihim kaming ngumiti sa reaksyon ni Ranz ng tingnan niya kami isa-isa.
"Ang gulo niyo."
Charlie's POV
Bakit?
Hanggang ngayon di pa rin magsink in sa utak ko ang nangyaring bunutan. Siguro dinaya ni Sir yun. Imposible naman kasi yun eh. Sa dami ng lalake dito sa room, siya pa ang nabunot? Imposible talaga. Isang malaking imposible.
"How's the feeling?" biglang tanong ni Heidi.
Nandito kami ng mga bestfriends ko sa canteen. At kahit gaano pa kaingay dito, hindi pa rin matalo-talo ang ingay sa isip ko kung bakit siya pa.
"Unexplainable."
"Ano ka ba. Baka yun na yung daan para magkabati kayo." wika ni Ana.
Napqtingin ako sa kanya, "Bati? Ayoko noh!"
"Paano kayo magkaka-igi sa performance task natin kung yang isip niyo puro kabalbalan?" sabi naman ni Girlie.
"Baka pagkatapos ng task na yan, bangas bangas na kayo dahil sa kakabawi niyo sa isa't isa."
Siya naman kasi talaga ang nauna eh. Hay. Pero hindi. Alam kong excited yun ngayon at pinaghahandaan na kung anong ipantitrip sakin. Well, kung siya maghahanda...dapat ako din. At hindi ako papayag na matalo niya ko ngayon pa't nasa labas na ng school.
Hahaha. Matalino ka talaga Charlie.
BINABASA MO ANG
Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]
OverigBubble Gum. Groupings. Gummy Worms. Dito nagsimula ang lahat. Ano nga ba ang koneksyon nito sa not-so-mushy love story nila?