Chapter 14 [2]
--
Ranz POV
" .. tol, kanina ka pa tawa ng tawa dyan ah .." sabi sakin ni Cav.
" .. kaya nga, nababaliw na nman yan .. kulang ata sa gummy worms .." pabirong sabi ni Owy.
Sa tuwing naaalala ko kasi yung mga sinabi ni Kenneth sakin, natatawa na lang ako bigla.
Hindi ko na lang pinansin ang lahat ng sinasabi nila at mga napapansin nila. Ang mahalaga may sarili akong mundo na puro tawa lang ang gagawin ko:)
" .. pahiram nman ng lapis .." rinig kong sabi ng katabi ko.
Sino pa ba? .. e di si Charlie.
Agad ko nmang ibinigay sa kanya yung lapis ko at nakita ko nman na ginagamit na niya ito.
Maya-maya ay nilingon niya ko at tiningnan ng masama.
" .. alam mo nakakaloko ka na .. kanina ka pa natatawang ewan dyan .. ano bang meron? ha? .." inis na sabi niya sakin.
" .. masama bang tumawa? ... masaya lang nman ako .." pang-asar ko sa kanya.
Hindi na siya umimik pa at nagbuntong hininga na lang.
Nawala na lang ang tawa ko ng biglang pumasok ang Head ng Seniors.
" .. Bukas na magaganap ang retreat ng lahat ng Seniors .. ito pala yung mga papel para sa iba pang details .." sabi nito at ibinigay isa-isa ang mga papel.
Kita ko nman na naghiyawan ang mga kaklase ko na halatang excited. Samantalang itong katabi ko, parang walang narinig. Nagtatransform na ulit siya sa pagiging bato niya.
Maya-maya pa'y bigla na lang nag-bell na naghuhudyat na uwian na.
" .. uy, tara na! .." yaya ko sa kanya.
Dahan dahan nya lang akong tiningnan at sinabing ..
" .. anong tara na?! .. di nman tayo magkasabay .. saka lakad kaya ako .." sabi nito.
" .. maglalakad na din ako.. kaya nga tara na e .." pagmamadali ko sa kanya.
" .. maglalakad? ikaw? .. bakit ka nman maglalakad? . ano nmang pumasok sa kokote mo at naisipan mo yan? .." sabi niya habang nililigpit ang lahat ng gamit.
" .. para makapag-exercise na din ako .." sabi ko.
" .. hapon na hapon mag-eexercise ka .. ano to? lokohan? .." sabi niya.
" .. ang dami mo nmang tanong e, tara na kasi.. maglalakad lang nman, pinoproblema pa .." sabi ko. at lumabas na ko ng room.
Kita ko nman na humabol siya at sumunod sa akin.
" .. akin na nga yan, ako na ang magdadala .." sabi ko at kinuha ko ang filecase nyang color pink.
" .. wow ang gentleman niya o .. anong nakain? .." hindi ko lang siya pinansin at dumiretso na ako sa paglalakad.
Hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan ang salitang bukambibig. Kaya umuna-una ako sa paglalakad para hindi nya makita na nakatawa na nman ako.
" .. hoy saglit lang! .. kung nagmamadali ka, sabihin mo lang baka madala mo pa yang filecase ko .." sigaw niya sakin.
Tumigil muna ako at hinintay siya. Grabe lang, para siyang naglalakad sa buwan sa sobrang kabagalan. Kaya pala di siya makahabol agad.
Dahil puro tigil ako sa kakahintay sa kanya at sa loob loob ko ay inip na inip na talaga ako sa kabagalan niya.
" .. tara na nga! ..." sabi ko sabay hila sa kamay niya.
" .. araay nman!. dahan dahan kasi .." reklamo niya.
" .. ang bagal mo kasi e .." sagot ko.
" .. bakit ka ba kasi naglalakad? .. ikaw lang ang mahihirapan ng paghila sakin .. ako, sanay ng maglakad at ganito talaga ako kabagal .." sabi niya.
Sa sobrang reklamador niya, binitawan ko siya at hinarap.
" .. OKAY LANG KAHIT MAHIRAPAN AKO, SUMAMA KA LANG .." sigaw ko.
Napatigil kaming dalawa sa nasabi ko. Ano ba 'tong nasabi ko?
" .. ha? so-sorry.." tanong niya.
" .. a-ayos lang. tara na kasi .. " sabi ko at hinila ko na ulit siya.
This time di na siya nagreklamo at sumunod na lang kung saan ko siya dadalhin.
--
Pagkatapos ng paglalakad nmin, nakarating na din kami sa isang place na pinagplanuhan ko.
" .. wow! .." rinig kong sabi niya.
Nakita niya kasi yung mga puno na may iba't ibang kulay at mga halamanan na may kanya kanyang hugis.
" .. ang ganda nman dito .. " sabi pa niya.
" .. nung unang punta ko dito, nagustuhan ko rin ito.. Kaso bilang na bilang na lang ang araw ng gubat na 'to, aalisin na rin ito sa makalawa. Kaya nga kita dinala dito e para habang hindi pa nawawala, makikita mo pa kung gaano kaganda ang gubat na ito.." sabi ko habang pinupunasan ang pawis ko.
" .. first time ko talaga pumunta dito, salamat ha .." sabi niya at ipinagpatuloy na ang pagmamasid sa paligid.
Siya ang unang dinala ko dito. Tama nga sabi nila, once na pumunta ka sa lugar na 'to, gagaan ang pakiramdam mo ng hindi mo namamalayan.
Charlie's POV
Buti na lang di nagalit si Mama kasi quarter to 6 na ako dumating.
Hanggang ngayon di pa rin mawala sa isip ko yung lahat ng nakita ko sa gubat na iyon. Biglang napagaan ng lugar na yun ang kalooban ko. Parang may something na dun mo lang makikita at tatatak sa isip mo.
Bukas na pala ang retreat nmin, bale 3 days kami sa lugar na pupuntahan nmin.
Nakakaexcite pero nakakalungkot din kasi matatapos na ang highschool nmin.
»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»
to be continued ...
BINABASA MO ANG
Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]
RandomBubble Gum. Groupings. Gummy Worms. Dito nagsimula ang lahat. Ano nga ba ang koneksyon nito sa not-so-mushy love story nila?