Charlie's POV
Bwahahahaha. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagkagulat at pagkainis. Sabi ko nman kasi babawi ako.
Yung nsa harapan ako, di ko talaga alam ang sasabihin ko. Wala naman kasi kaming napagplanuhan ni Ranz. Hanggang sa nagsalita na si Sir na para bang pinagmamadali nya ko.
"Charlie, mag-share ka na."
Agad akong tumingin kay Ranz nun at bigla ko na lang nasabi na " .. about people" .. Nakita ko yung itsura nya, gulat na gulat. At nang tanungin na ni Sir kung sino ang nagplano " By the way, sino nga pala ang nagplano nyan?"
Hindi ko alam ang sasabihin ko, wala naman kasi talagang napagplanuhan eh. Hanggang sa magising ang diwa ko at nakaisip ng bright idea "Syempre po si Ranz." bigla kong nasabi at binigyan ko si Ranz ng isang evil smile. Nang naghiyawan ang mga kaklase ko sa kanya, parang na-feel ko na nakaganti na rin ako sa wakas.
Ayaw niya nun, binigyan ko siya ng dahilan para purihin siya ng mga classmate namin.
I smell my victory.
Paulit-ulit na tumatakbo yan sa isipan ko. Victory? Of course. Sa akin pa din ang bagsak mo.
Pumapalakpak-palakpak pa ko dito sa hallway ng biglang may humila sa ID ko at dinala ako sa madilim na room.
Rape!
Isisigaw ko na sana yan ng biglang maaninag ko kung sino siya.
Pfffftt!! Rape?
"O anong set up 'to?" tanong ko.
Inalis niya yung kamay niyang nakapulupot sa ID ko.
"Palagi na lang bang may kabayaran?" malagom na pagkakasabi nito.
Napakunot noo ako. Nakadrugs ba 'to?
Nagulat na lang ako ng biglang lumiwanag at nakita ko siyang kaharap ko habang ang isang kamay nito ay nakapindot sa switch.
Umirap ako,"Tinatakot mo ba ako? Huhu takot ako." umarte pa ko na parang takot na takot talaga. Tinakpan ko pa ang mga mata ko gamit ang kamay ko para bigay todo sa pag-arte.
Ilang minuto na rin kaming nandito. Relax na relax na siya dun sa upuan na para bang may malalim na iniisip.
Teka...
Bakit nakatayo lang ako dito? Hindi ko man lang namalayan umalis na pala si Ranz sa harapan ko na ngayon ay nirerelax ang boring niyang buhay.
"Ano bang ginagawa natin dito?" basag ko sa katahimikan.
"Ako nag-iisip.." tumingin ito sa direksyon ko, "Ikaw? Ano bang ginagawa mo pa dito? Lumabas ka na."
"Aba! Hinila-hila mo ko dito tapos paaalisin mo 'ko. Mqy pasabi sabi ka pang Palagi na lang ba may kabayaran?" ginaya ko rin yung paraan ng pagsabi niya nito.
Iniinis talaga ako nitong Ranz na 'to. Husay ka talaga sakin.
"Hinila lang kita, di ko naman sinabing magstay ka dito."
Tumayo siya at pinagpagan ang uniform nito sabay turo sa gilid ko kaya napatingin naman ako.
"Yan yung pintuan, makakalabas ka na."
Napapadyak ako sa inis. Bago ako lumabas ay inirapan ko siya ng bongga.
Nakakainis ka talaga. Nasayang ang mga minuto ko sa kwartong yun. At ano bang nangyari sakin? Nag-hang?
RK's POV
Yung totoo, ano bang nangyayari dito? Nakaupo na ako lahat lahat pero siya parang napatigil lang dun sa tabi. Nakadrugs ba 'to?
Tinitingnan-tingnan ko lang siya mula rito sa kinauupuan ko. Nag-iisip kung paano ba magigising ang diwa niya. Talaga bang pinagkaisip-isip niya yung sinabi ko.
Saka lang ako umiwas ng tingin ng kumurap siya. Ayun! Welcome to your world Charlie.
BINABASA MO ANG
Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]
De TodoBubble Gum. Groupings. Gummy Worms. Dito nagsimula ang lahat. Ano nga ba ang koneksyon nito sa not-so-mushy love story nila?