♥ 13

4.4K 80 0
                                    

Charlie's POV

"Okay pumunta na kayo sa partner nyo." sabi ni Mr. Andal

Hindi ko alam kung sinong pupunta, ako ba o siya? Kaya hanggang ngayon nakaupo pa rin ako dito. Parang may pumipigil saking pumunta dun. Nakayuko lang ako ngayon ng biglang.

"Ms. Charlie, who's your partner?" tanong ni Sir.

Magsasalita na sana ako ng bigla siyang nagsalita ng "Ako po Sir"

"Okay mag-meeting na kayo." sabi ni Sir

Narinig ko pa ang pagpadausdos niya ng upuan palapit sakin.

RK's POV

Nag-move na ko ng chair sa harapan nya, para makaupo ako. Kala ko isang oras kaming magiging poste dito, pero di pala. Pagkaupo ko, nag-suggest agad siya ng gagawin namin.

"Kelangan mag-isip muna tayo ng theme bago tayo mag-take ng mga pictures, ano sa palagay mo?" sabi nya sakin.

Grabe ang weird nya ha. Ang bilis niyang magsalita ngayon.

"Bingi ka ba? o sadyang nananadya ka lang?!" sabi nya sakin habang nakataas ang isa nyang kilay.

"Ikaw na bahala, wala naman akong alam jan eh!" sabi ko sa kanya.

"Paaano tayo magkakaigi dito kung mi isang idea wala kang mai-share?!" sabi na nman nya sakin.

"Basta kung anong gusto mo, dun na rin ako ....sabi na kasing wala akong kaalam alam jan eh! ...." inis na sabi ko.

Hindi ba niya maintindihan yung mga sinabi ko na wala akong alam dyan. Kailangan pa bang ulit-ulitin yun?

"Eh pano kung sabihin ko sayong wala din ak--"

Naputol ang sasabihin nya ng biglang nagsalita si Sir.

"Class, time is up. Tatawag ako ng isang student sa bawat partner at magsha-share samin ng plano nyo" sabi ni Mr. Andal

Napatingin naman ako kay Charlie na ngayon ay hindi mapakali. Nagjo-jot down ata. Hay sarap ng buhay ko. Responsibiladad ng babae yan.

Nagsimula na agad ang sharing. Ang iba about daw sa animals. Ang isa naman about sa nature.

"Ikaw nman Charlie, anong napag-usapan nyo? " tanong ni Sir.

"Ah hehe--" mahinang sabi ni Charlie sabay tingin sakin ng masama.

Tumayo na siya at agad na pumunta sa unahan. Nung humarap na siya samin bigla akong may naramdamang kaba sa dibdib ko, na para bang may ibang mangyayari.

Ang tagal nya bago magsalita at halata sa mukha nya ang kaba. Napafocus na agad ako nang bigla siyang tumingin sakin na para bang nagtatanong na "Anong sasabihin ko?"

"Kahit ano..wala akong idea." sabi ko sa pamamagitan ng titig.

Nakita kong kumunot ang noo niya at malalim na tumingin sakin na parang sinasabi na "Bahala ka sa buhay mo."

"Charlie, mag share ka na." sabi ulit ni Sir na parang pinapamadali siya.

Sa sobrang tahimik ng room, rinig na rinig ko ang ingay sa labas na parang naghuhudyat na lunch time na.

Nawala lahat ang pagkainip ng mga kaklase ko ng bigla siyang nagsalita.

"Ang na-napagplanuhan po namin n-ni Ranz ay about p-people. Yun bang iba't ibang expression ng tao sa isang bagay kung masaya ba, malungkot or whatsoever" sabi nya habang nangingiti sa unahan.

" Well, that's good! Kakaiba ang plano nyo. Hope na magawa niyo yun ng ayos. By the way, sino nga pala ang nagplano nyan? " tanong ni Mr. Andal

"N-nagplano? Ah ..haha.. Syempre po si Ranz!" sabi nya habang naka evil smile sakin.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kinindatan pa niya ko na parang naggu-good job sa akin.

Sinusubukan na naman nya ko!!

Nang makaupo siya narinig ko na lang ang mga kaklase ko na naghihiwayan na para bang ang galing galing ko. Di ko tuloy alam kung titingin ba ko o hindi. Sa mga oras na 'to parang gusto kong ipagsigawan na wala yun sa plano at wlang napagplanuhan.

Nakakainis ka talaga CHARLIE!

Nakatingin siya sakin ngayon na para bang nang-aasar pa. At di pa nakuntento, dinilaan pa ko. Bago pa ako mapuno, ako na ang unang umiwas ng tingin sa kanya.

Huh! Nagkakasubukan ata tayo ah.

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon