PARANG agad na walan ng kulay ang mukha ni Tala sa sinabi ng dalaga.Gusto niyang isiping nagsisinugaling lamang ang dalaga ngunit nababakas sa mukha ang pagkaseryuso na halos walang bahid ng katuwaan.
"Heneral Tanez...."tawag pansin ng dalaga sa heneral habang papalapit kay Tala ".....maari ko bang malaman kung anong alahas naman ngayon ang nawawala?"
"Ang singsing na gawa sa ginto"agarang sagot naman ng heneral.Hindi na siya nagulat pa. Alam niyang may bagong alahas na nawawala sa Moon Chamber.Bago pa siya nakita ni Laila ay narinig niya na ang mga bulong-bulungan na nawawala ang isa sa mga singsing ng reyna.
"Maari ko bang makita ang laman ng iyong bulsa"mapaglarong sabi ng dalaga.
"Are you accusing her!"hindi niya pinansin ang sinabi ng reyna dahil mariin lamang siyang nakatitig kay Tala.
"Pinagbibintangan mo ba ako,na ako ang nagnakaw sa singsing ng reyna!?"
"Bakit may sinabi ba ako?"
"Iyon ang iyong pinahihigwatig"
Tumigil siya sa harap ni Tala "Ikaw ang nagsabi niyan,ngayon maari ko bang makita"
Napangisi ang dalaga.Kitang-kita niya kung paano nagbago ang alipin.Kitang-kita niya kung paano nawalan ng kulay ang mukha nito.
"Ano pa ang hinihintay mo? Maari ba?"
"Wala kang karapatang pagbintangan mo ako!!"
"Hindi kita pinagbibintangan ang sabi ko,maari ko bang makita ang bulsa ng saya mo"
Tumingin si Tala sa inang reyna na para bang humihingi ng tulong ngunit nakita niya kung paano naghihintay ang inang reyna sa susunod niyang pagkilos.Nilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng bulwagan at lahat ay nasa kanya ang mga mata.Puno ng pagkairita niyang tinitigan ang babaeng nasa harap niya ngayon.Maraming tanong na umiikot sa isip niya.Sino ba ang babaeng ito? Ang lakas niyang pumasok sa loob ng bulwagan?
"Tala?"
Napalunok muna siya bagong dahan-dahan ipinasok ang kanyang kamay sa bulsa.At halos hindi niya nais huminga ng may nakapa siya.Ngunit ang takot unti-unting napalitan ng pagkangisi.Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang nakakuyom na kamao sa harap ng dalaga na nakatitig sa kamay niya.Hindi niya lubos maisip kung ano ang kanyang nararamdaman nang dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang palad nahawak-hawak niya ang isang barya.
"Ano? Kampanti kana?"nakataas kilay niyang bigkas.Barya? Iyon ang nasa kanyang palad.Isang bilog na barya.
Napangisi si Ada habang tinitigan ang palad.Bawat kasambahay ay nakasuot ng gwantes sa kanilang palad na kulay puti.Isa ito sa mga tradisyon ng kanilang imperyo.Hindi ang isang barya ang kaniyang tinitigan kundi ang gwantes nito.May nakaumbok sa loob ng gwates at hindi siya nagkakamali na isa itong singsing.
"Now,did you know to accuse someone else can bring you in the dungeon"maslalong napangisi si Tala sa sinabi ng reyna.Malamig na binalingan ng tingin ni Ada ang reyna.
"Hindi ko wari kung ano ang iyong sinasabi.Ngunit batid ko na ipapakulong mo ako dahil sa masama kung kongklusyon"mapaglarong bigkas ng dalaga "Ipalakulong mo rin ba ako sa oras na tama ang aking sinasabi!"malakas niyang bigkas sabay pagtanggal ng gwantes at bumungad sa lahat ang singsing na suot-suot ni Tala.
Agad yumukod si Tala "Mahal na reyna,maniwala po kayo sa akin.Hindi ko alam po ang tungkol sa singsing na ito"
Napataas ang kilay ni Ada at may mapaglarong ngisi sa mga labi "Hindi mo alam? Paano mo maipapaliwanag sa akin kung paano iyan napunta sa mga daliri mo? Ano iyon,mahika? Nagpapatawa kayata! Pinagbibintangan mo ang aking Itay na magnanakaw na alam mong ikaw! Ang galing morin nohh!"
YOU ARE READING
The Emperor's Possession (On-Hold)
Random"Even you are not living this days but I promise I will do everything to be all your side everytime.Even my life was become hell" -Methuhael Khan Asufre