KABANATA 6

548 28 3
                                    

HINDI mapigilang sumigaw ni Ada nang bigla siyang itinapon sa malambot na kama.Parang alam na niya ang mangyayari kaya bahagya siyang kinabahan.Matalim na titig niya ang binigay kay Methuhael.


"Ano bang problema mo!!?"


Umalingaw-ngaw ang boses niya sa bawat sulok ng kwarto.Hindi niya alam kung ano ang nangyayari.Hindi niya alam kung bakit siya napunta dito.Hindi niya alam kung bakit siya binihisan at inayusan.


Ngunit parang walang narinig ang binatang emperador....mariin lamang siyang tinitigan na ikinailang niya.Gusto niya nang tumakbo ngunit alam niyang maliit ang tansyang makatakas siya dito.


Napabuntong hininga siya at mariing pumikit.Kung hindi niya madadaan sa maayos na usapan kaya gagamit siya ng dahas.Unti-unti niyang ibinuka ang kanyang mga mata.Nang-aakit niyang kinagat ang kanyang pang-ibabang labi sabay dila nito.


Agad siyang humakbang pababa sa kama....sinigurado niyang plansyado ang bawat galaw niya.Agad niyang hinablot ang malaking bewang ng binata sabay pagdikit ng katawan nila.Napangisi siya ng nakita niyang lumunok ito.


Nagkatinginan sila.Kitang-kita niya kung gaano kaganda ang mata ng binata.Sa mala-asul nitong mga mata ay parang nakatingin siya sa malawak na karagatan ngunit kung sa oras na titigan ka sa mga mata na ito ay ramdam mo ang lamig.Saglit siyang natulala sa angking kagwapohan nito kaya napailing siya sa kanyang isip kailangan niyang mapatumba ang emperador na ito.


Agad niyang pinalibot ang malilikot niyang kamay sa pang-upo nito at bahagyang pinisil.Dinilaan niya ang leeg ng lalaki na ikinatingala ng binata.


"Anong gagawin mo sa akin,mahal na kamahalan"mahina niyang bulong sa kaliwang tenga nito.....kanya muna itong dinilaan bago niya tignan ang binata na nakatingala at nakaawang ang bibig nito.


Shit! Siya na mismo ang napalunok ngayon.Parang biglang umusbong ang init sa kanyang katawan ng makita niya ang reaksyon ng binata.Hindi niya mawari na mas lalo itong gumagwapo.


Mariin niyang kinagat ang kanyang labi.Dapat hindi siya magpalinlang sa karisma ng kgwapohan nito kung gusto niyang umalis dito.Hindi siya nag-atubiling binalibag ang braso ng binata.Ngunit laking gulat niya ng hindi niya man ito nagalaw.Nagtataka niyang tinitigan ang emperador pero agad siyang napasinghap ng malamig na itong nakatingin sa kanya.


Hindi niya inakalang ganito pala kalakas ang emperador dahil hindi niya man ito napagalaw sa kanyang kinatatayuan.Uulitin niya sana ang pagbalibag sa binata ngunit laking gulat niya na agad siyang binuhat at walang kahirap-hirap na itinapon sa kama.Biglang kumabog ng malakas ang kanyang puso ng agad siya nitong dinaganan.Gusto niya itong itulak ngunit agad niyang naramdaman ang labi nito.


He groaned when he taste the lips of the girl.Saglit siyang nabaliw sa mga labi nito dahil hindi mawari ng binata anong klaseng labi ito dahil para itong unan sa lambot at parang matatamis na pagkain sa tamis.Hindi niya ito hinahalikan kundi ay literal niya itong kinakaiin.Ramdam niyang tinutulak siya sa dalaga ngunit hinawakan niya lang ito at inilagay sa ulo.


Alam niya kung ano ang plano ng dalaga.Alam niyang ano ang nasa utak nito.Sa galaw palamang ng babae ay alam niya na.Hindi siya magiging magaling na pinuno kung hindi niya mababasa ang nasa utak ng kanyang sinakukupan at kaaway.

The Emperor's Possession (On-Hold)Where stories live. Discover now