AGAD hinila papasok ni Ada ang kumakatok na si Ella.Hindi wari ng dalaga kung bakit parang nagmamadali ito.
"Ano ang iyong kailangan,binibini dahil parang sisirain muna ang pinto namin"nagtitimping inis niyang bigkas.
Ngunit agad nagulat si Ada nang binigyan siya ng isang mahigpit na yakap na ikinangiwi nito "Andito ang emperador ng kanluran at alam mo,ang gwapo niya!"
Ramdam sa boses nito ang pagkamangha at kilig.Wala sa sarili siyang napatingin sa kanyang magulang at hindi parin nawawala ang bakas ng pagkabahala sa kanilang mukha.Kahit mismo si Ada ay hindi parin napapakalma ang kalabog ng kanyang dibdib ng malaman niyang andito ang emperador.
Humiwalay siya sa yakap sa dalaga "Bakit siya napaparito?"
Maslalong lumaki ang mga ngiti ng kasama "Hindi ko ito wari,ngunit sa pagkakaalam ko may hinahanap siyang babae!"tumigil ito saglit at yinakap siya muli "Sana ako ang babaeng iyon!"masigla niyang bigkas na sinabayan pa ng giling.
Maslalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.Alam niyang siya ang babaeng hinahanap ni Methuhael at hindi siya papayag na mahanap siya nito.Hindi alam ng buong tribu ang paghahanap at dahilan ng pagtakas niya sa palasyo,ang sinabi nila ay hindi nila gusto ang pamamalakad sa buong imperyo kaya lumipat sila sa itim na leon.
Napalunok ito bago humiwalay muli sa yakap "Ella?"tumigil siya at maririin tinitigan ang mata ng kaharap.Hindi niya wari kung papaano niya sasabihin na aalis siya dito na hindi maiisip ni Ella na siya ang babaeng hinahanap ni Methuhael "Ka...kailangan muna naming umalis nina Inay at Itay"
Nakunot ang noo ni Ella "Bakit?Hindi niyo ba nais dito sa tribu natin?"
Mabilis umiling ang dalaga "Hindi,masarap ngang tumira dito pe-pero may naiwan kasi kaming gamit sa bahay namin at kukunin namin iyon"hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Ella "Wag kang mag-aalala,babalik naman kami"
"Pe..pero hindi pa kayo nagpaalam kay ama"
"Hindi naman kami magtatagal"
Walang nagawa si Ella kundi ang payagan sila.Tinulungan niyang mag-impake sina Ada sa kanilang mga damit at dahil kunti lang ito ay dalawag bayong lamang ang kailangan.Pilit kinumbensi ni Ella na huwag silang umalis ngunit hindi niya na talaga mababago ang desisyon ng tatlo.
Parang nakahinga ng maluwag si Ada nang nagpaalam si Ella papunta sa kanyang ama at sabihin ang kanilang pag-alis.Bago lumabas sila Ada ay nilingon niya ang paligid upang siguraduhing walang kawal at nang makumpirma na wala ay nagpatuloy sila sa paglalakad patungong likod bahagi ng tribu.Pinag-aralan lahat ni Ada ang pasukan at labasan dito upang sa ganitong pangyayari ay makakaalis sila ng maayos.
Habang naglalakad ay hindi mawawala ang mga taong bumabati sa kanila pero isang simpleng ngiti lamang ang kanyang maibigay.Nanlaki ang mata niya nang mapansin niyang may kawal ng palasyo ang papatungo sa dereksyon nila kaya agad niya hinila ang kanyang mga magulang at magtago sa malapit na kubo.Isa.Dalawa.Walong kawal ang naglalakad patungo sa bulwagan.Kinalma niya ang kanyang dibdib.Hindi ito ang oras upang maging balisa,kailangan niyang kumalma! Mga ilang minuto silang nagtago doon at nagmamadaling lumisan sa tribu.
SINABI na lahat ang nais ni Methuhael sa pinuno ng Itim na Leon.Andito siya upang makamit ang kaayusan ng buong imperyo,mga ilang oras sila nag-uusap hanggang marating ang kanilang pag-uusap sa nawawalang babae ng palasyo.Hindi niya sinabi kung sino ito at ano ang dahilan basta ang gusto niya ay nais niyang makita isa-isa ang mga babae dito.
"May bago kaming kasamahan dito sa tribu"ani ng pinuno.
"Maari ko bang malaman kung sino ito,Leon"
Magsasalita sana ang pinuno ng biglang may lumapit sa kaniyang isang dalaga.Pakuwari niya ay isa ito na anak na babae ni Leon,maganda ito.Ngunit malaki ang kanyang pagtataka ng maamoy niya ang amoy ni Ada.Tinitigan niya ang dalaga,nang magtagpo ang kanilang mata ay bigla itong pinamulahan ng pisngi na ikinaiwas ng dalaga at nagpatuloy sa pakikiusap sa kanyang ama.Nakita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ng pinuno,napapakunot ito.
"Bakit daw?"
"Sabi niya may kukunin sila sa dati nilang tahanan"
Nilingon ng pinuno si Methuhael "Patawad kamahalan,ngunit nakaalis na ang aming bagong kasamahan at nakakasigurado akong hindi siya ang babaeng nawawala sa palasyo"
"Ama umalis sina Ada!"sigaw ng bagong dating na binata.
Ada?
"Alam ko Alfonso,sinabi na sa akin ng iyong kapatid"
"Ngunit ama,hindi siya nagpaalam sa akin"
"Wag kang mag-aalala,babalik naman sila"
"Ngunit ama"
"Wag kang mag-aalala,Alfonso ltuloy parin ang kasal sa inyo ni Ada"
Wala sa sariling napahampas ang kamay sa mesa ng kamahalan sa narinig.Ada?Magpalakasal? The heck!! Nagulat ang lahat,kahit sina Ella ay napapatalon dahil sa gulat.Nakita niya ang pagpula ng pisngi ng emperador dahil sa galit,ang mga mata nito ay galit na pinukol sa kanyang kapatid nasi Alfonso.
"Maari ko bang makita ang tinitirhan ng kasamahan niyong si Ada"malamig na tugon ng kamahalan na ikinasinghap ng lahat.
Hindi nagdadalawang isip na payagang makita ng emperador ang tirahan nila Ada,pagkapasok nila ay tama nga ang kanyang mga anak dahil wala nang tao dito.Wala nang nakatira dito,ang mga kagamitan ay andito pa pero ang mga damit nila ay wala na.Nakita niya ang nagmamadaling pumasok ang emperador,tinitigan niya ang dalawang kwarto at tumigil ito sa kwarto ni Ada dahil natatabunan ito ng isang tela ay hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng emperador sa loob ng kwarto.Mga ilang minuto itong nasa loob bago itong nagmamadaling lumabas habang hawak-hawak ang isang makulay na damit na hindi niya nakitang suot-suot ng dalaga.Susundan niya sana ito nang marinig niya ang sigaw nito na ikinatigil miya.
"Find that fucking woman,if no one can saw her I will make sure to kill all of you!!"malamig na sigaw ni Methuhael sa kanyang buong kawal.
-YUMEKO
_________
I UPDATED THIS CHAPTER WHILE MY MOTHER IS SLEEPING.A/N:
SORRY FOR WRONG TYPOS AND WRONG GRAMMATICAL ERROR.
YOU ARE READING
The Emperor's Possession (On-Hold)
Random"Even you are not living this days but I promise I will do everything to be all your side everytime.Even my life was become hell" -Methuhael Khan Asufre