KABANATA 9

564 27 7
                                    

NAKASUOT ng isang pantalong-itim na gawa sa manipis na tela na hapit-hapit sa kanya at pinarisan niya ito ng itim na dyaket ni Ada.Pinulupot niya ang isang panyo kulay itim din sa kanyang mukha na matatabunan lamang ang kanyang ilong at bibig.Sisilipin niya ang pinakahuling palapag ng palasyo at gusto niya malaman ang tungkol kay Tala.


Binuksan niya ang bintana ng kanyang kwarto.Ang kanyang kwarto ay nasa ikalawang palapag.Pagkabukas pa lamang ay agad bumungad sa kanya ang kadiliman,sa tansya niya ay siyam na ng gabi kaya ngayon niya na pag-isipang pumuslit.Dala ang isang lalagyan ay agad siya tumalon patungo sa malapit na puno ng kanyang kwarto.Dahil sa sobrang gaan ng kanyang katawan ay parang hangin lang ito kung iisipin.


Hindi siya nag-atubiling naglalambayog sa puno pa itaas na parang unggoy.Agad siya napatigil ng napansin niyang maytatlong kawal ang naglalakad papalapit sa puno,nang napagtanto niyang wala na ito ay nagpatuloy ito.Agad ito tumalon sa may matayog na sanga.Nilibot niya ang kanyang paningin.Ngayon niya lang napagtanto na andito na siya sa huling palapag ng palasyo.Dahan-dahan siyang naglakad sa sanga papalapit sa may bintana.Sinilip niya ito,nang malaman niyang walang tao ay agad niya inihakbang ang kanyang paa papasok.


"Mahal na Inang Reyna,hindi po natin alam kung paano maibabalik ang mga alahas niyo po"


"Iyon ang iniisip ko,Tala.Kailangan kung mahanap kung sino-sino pa ang nagnanakaw sa mga pag-aari ko"


Agad siya napatago sa ilalim ng mesa nang marinig niya ang papalapit na tinig ng mga yapak nito.At hindi nga siya nagkakamali,na dito patungo ang mga tinig nito.Kahit hindi niya kilala ang mga ito ay malalaman niya agad kung sino si Tala at ang Mahal na Inang Reyna dahil sa kasuotan at ang awra nito.


"Ano po ang gagawin niyo kay Elmer Marasiga,Mahal na Inang Reyna?"


Napakunot ang noo ng dalaga sa sinabi ni Tala.Napataas ang kilay niya.Ang lakas niyang idamay ang kanyang Itay na alam niya mas inosente ito.


"Bukas na bukas ay papatawan ko iyon ng kamatayan"


Napakuyom at napakagat labi siya upang pigilan lamang ang kanyang inis.Gusto niya nang sumbatan ang mga ito,kung hindi lang siya andito upang maghanap ng ebidensya para lang sa kanyang Ita'y ay matagal niya na iyong ginawa.


Hindi niya wari na mga bobo pala ang mga tao sa panahong ito.Akala niya ay may angking pa itong talino kaysa sa kasulukuyan.Ngunit mga tanga pala sila.Napalingon siya sa Mahal na Inang Reyna nang nakaupo na ito sa kanyang higaan at naghahanda na upang matulog.Tinagurian siyang Mahal na Inang Reyna pero hindi niya batid na nililinlang niya siya ng kanyang pinagkakatiwalaan.


"Ngunit hindi po tayo pinayagan ng iyong anak na si Methuhael"


"Kailangan ko makausap ng anak ko iyon.Hindi ko alam kung bakit bigla nag bago ang kanyang plano"


"Paano kung ayaw pumay___"


Hindi natapos ang sasabihin sana ni Tala nang may biglang kumatok.Sabay sila napalingon sa pinto na gawa sa mamahaling kahoy na may mga bulaklak na kurba.Hindi nag-atubiling lumapit si Tala dahil agad ito bumukas at iniluwa dito si Methujael.Agad tumayo ang Mahal na Inang Reyna.

The Emperor's Possession (On-Hold)Where stories live. Discover now