KABANATA 13

477 30 6
                                    

AGAD na agaw ng pansin ng lahat ang taong tumatakbo.Agad napatigil ang kasiyahan ng lahat.Kilala nila kung sino ang tumatakbo ang mensahero ng kanilang pinuno ng Itim na Leon.Lumapit ito sa pinuno nila na may katandaan na din,nakasuot ito ng isang parang balabal sa likod na gawa sa balhibo ng uso.

"Anong nangyari at bakit hingal-hingal ka,Ginoong Lindon?"

"Patawad sa kapanghasan,Pinuno subalit katatanggap ko lang po ng balita galing sa kanluran na....iniimbitahan tayo ng emperador sa isang malaking pagdidiriwang"

Nagsimulang umingay ang lahat,labis ang kanilang pagtataka sa sinabi ng mensahero.Ang kanilang grupo ay kinikilalang taliwalag sa mga inuutos ng emperador dahil hindi ito nagiging sang-ayon sa lahat.Kaya lumipat sila ng tirahan sa gitna ng apat na relihiyon kaya walang nakakagalaw sa kanila.

"Bakit daw?"tanong ng pinuno.

"Upang ipagdiriwang ang kanyang pagkapanalo sa pagbabagsak ng isang bansa at nais niya ding may kaugnayan tayo sa kanila"

"Ama"agad bumaling sa kaliwa ang pinuno ng marinig niya ang boses ng kanyang anak na si Alfonso "Hindi po natin wari kung ano ang nais ng emperador kailangan nating siguradohing hindi mapapahamak ang ating mga kasama.Base sa aking nakalap  ay nag-imbita din ang kanlurang emperador sa ibang pinuno at may hinahanap itong babae na ikinataka nila dahil bawat babae sa tribu nila pinaiwan.Wala itong nagawa dahil ang emperador na mismo ang nag nais"

Napakunot ang noo ng kaniyang ama "Saan mo nakalap ang impormasyong ito?"

"Kay Ada"nakangiting bigkas ng binata sa pangalan ng babae.May natatagong pagtingin siya sa dalaga....hindi dahil sa ang king kagandahan pero sa nagtatagong katalinohan nito.Si Alfonso ay isang magandang lalaki na mahahalintulad sa isang panginoon.

Binalingan ng tingin ng pinuno ang mensahero "Pakisabing sa kanila,pag-iisipan ko pa"

Yumukod si Ginoong Lindon at umalis.Rinig ni Ada ang lahat ng pag-uusap ng kanilang pinuno.Kasali siya sa pagdidiriwang ng mga Itim na Leon dahil sa pag-imbita ng anak na babae ng Pinunong Leon.Dito sila napadpad no'ong sa oras na tumakas sila sa palasyo.Mga dalawang buwan na din ang naglipas at naging maayos na din ang kanilang buhay sa maliit na tribung ito ngunit hindi parin siya nagpapakasiguro dahil ngayon hinahanap parin siya ng emperador.

"Alam mo,Ada.Parang gusto ka ng kapatid ko na si Alfonso"

Agad siya nabalik sa ulirat ng marinig niya ang boses ni Ella ang babaeng anak ni Pinunong Leon.Nakaupo ito sa harap niya na gawa sa matitibay na kahoy.

Napakunot siya "Ano iyong sinasabi,Binibini.Si Ginoong Alfonso,may gusto sa akin? Parang kabaliwan naman iyan,ata?"mahina itong natawa dahil napakaimposible

"Anong kabaliwang sinasabi mo? Mas nanaisin ko pang maging kapatid kita kaysa kay Betba"

"Ano naman ang problema mo kay,Betba maganda naman siya"

"Problema ko sa bruhang iyon!? Napadesperada at kitang-kita namang may pagkamaldita!"

Mahinang natawa si Ada sa tinuran ng kaharap "Sige ka sa oras na marinig ka ni Betba at baka lalabas ang totoong siya"at dahil sa sinabi ng dalagang Ada ay sabay sila natawa.

"Maiba nga tayo,ngayong susunod na araw ay pasukan na....pinapasama ka daw ni ama"

Agad natigilan si Ada sa sinabi ng kasama.Pasukan? Mag-aaral? Gusto niyang tanggapin ang magandang anyaya ngunit labis siyang nag-aalala dahil baka sa kadahilanang ito ay makita siya ng emperador.Dahil sa pagkaka-alam niya,isa lamang ang paaralan sa buong emperyo.

"Maganda sanang tanggapin iyan,Ella subalit hindi maaari" 'dahil baka makita niyang ang bruhong emperador'

"Bakit naman?"

"Alam mong ayaw kong iwan sina Inay at Itay dito"pagdadahilan ng dalaga.

"Andiyan naman sina Ama at Ina.Alam kung babantayan niya ang iyong mga magulang"

"Salamat,Ella ngunit ayaw ko talagang iwan sila"

"Tignan natin kung may magagawa ka,Ada dahil ang kapatid ko na mismo ay pumayag din.May nakikita ang aking ama na may kakayahan kang tinatago Ada at gusto niyang palaguin mo ito"

Hindi na umimik ang dalaga sa sinabi ni Ella,may kakayahan talaga siya dahil simula't una ay hindi siya nababagay sa lugar na ito.Dahil hindi siya tagadito.Minsan iniisip niya kung ano na kaya ang kanyang buhay sa kasulukuyamg panahon,siguro na promote na siya sa araw na mga ito.Hindi niya parin makakalimutan ang kanyang mga totoong magulang,kumusta na kaya sila? May nagpapakain ba sa kanila? May tumutulong ba sa mga magulang niya? Sana meron?

Hanggang natapos ang kasiyahan at napagdesisyonan niyang umuwi sa kubo ay hindi nawala sa isip nito ang totong sanhi,kung bakit napunta siya sa katawang ito,sa panahong ito.Pagkadating niya sa bahay ay agad siyang humilata sa kama at natulog.

"Anak,gising?"

"Ada,gumising ka?"

Agad nagising ang kanyang diwa ng marinig niya ang boses ng kanyang mga magulang.Hindi niya alam kung anong problema pero nababakas sa boses nito ang pagkabahala at pag-aalala kaya agad siyang napamulat.Nilingon niya ang kanyang mga magulang at tama nga siya nababakas sa mukha nila ang pagkabahala.

"Bakit po?"

"Anak,anong gagawin natin? Andito ang emperador!"

Napakunot ang noo ng dalaga "Ho? Bakit po?"

"Hindi ko wari,anak.Kailangan  na nating umalis___"

Hindi natapos ang sasabihin sana ng kanyang ina nang biglang narinig nila ang malakas na pagkatok na halos ikasira ng pinto.

"Ada! Lumabas ka diyan!"

-YUMEKO

_________
MALIGAYANG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT.PATAWAD AT MEDYO HINDI MAGANDA ANG UPDATE KO NGAYON DAHIL KAILANGANG-KAILANGAN KO ITONG MAPUBLISHED DAHIL SA SUSUNOD NA ARAW AY HINDI AKO MAKAKAHAWAK NG CELLPHONE DAHIL MAY MODULE PA AKO GUYZ.PINAGBABAWALA AKO NG AKING INA.SANA MAIINTINDIHAN NIYO GUYZ NA HINDI MUNA AKO MAKAPAG-UD.Happy New Year To All <3

A/N:

SORRY FOR WRONG TYPOS AND WRONG GRAMMATICAL ERROR

The Emperor's Possession (On-Hold)Where stories live. Discover now