NAPANGANGA sina Maricar pagkapasok lamang nila sa silid ni Ada dahil nadatnan nila itong nakabihis na,ngunit ang suot-suot nito ay ang Nieves.Ang Nieves ay isang kasuotang yari sa dahon ng saging.Isa lamang itong simpleng kasuotan na pinasusuot ng mga kasambahay sa buong imperyo.Isa itong bestida na may nakapalibot na isa pang tela.May iba't ibang kulay ang bawat kasuotan.Ang kulay dilaw ay isa sa mga pinakamataas na pangkat ng kasambahay.Ang kulay asul naman na kagaya nila Maricar ay ang pangalawa.Ang kulay berde at kayungmanggi ay ang pang-apat at panglima.
"Lady Ada? Ano po iyang sinusuot mo?"bakas sa boses ni Cris ang pagkagulat.Binigyan muna sila ng isang himig na ngiti ng dalaga bago muli inayos ang kanyang kasuotan.Maski ang tatlo ay namangha sa kagandahang taglay ni Ada.Kahit siguro anong kasuotan ang ipapasuot sa dalaga ay mananatili itong maganda.
"Pinarusahan kaba ng emperador dahil sa nangyari kahapon,binibining Ada"mahinang tanong ni Laila.Umiling ang dalaga bago ito lumapit sa kinatatayuan niya.
"Hindi.Nais kung maglibot-libot sa buong imperyo.Gusto ko makita bawat sulok ng palasyo at dalhin niyo ako sa Moon Chamber"
"Ho? Bakit naman po?"
Napabuntong hininga siya "Kailangan kung ako mismo ang mag-imbestiga tungkol sa pagnanakaw na nangyari sa buong palasyo upang mapawalang sala ang aking Itay"
"Si Elmer Marasigan po ba ang iyong ama?"tanong ni Cris.
Tumango lamang ito bago sila nilagpasan at umunang naglakad.Nakasunod lamang sila sa bawat galaw ng dalaga.Hindi nila gustong maymasamang mangyari sa babae kahit isang galos lamang sa malaporselana nitong kutis at baka pagalitan sila ng emperador.
"Siya nga ang aking ama"napabuntong hininga si Ada "Kailangan kung mapakawalan sa kulungan ang aking ama bago ko ito makita.Hindi ako papayag na may masamang mangyayari sa kanya"
Hindi na sila nagsalita pa sa huling sinabi ni Ada.Alam nila kung ano ang nararamdaman ng dalaga kaya ayaw nila ito pag-usapan.Binaybay nila ang bawat sulok ng palasyo at ang huli nilang distinasyon ay ang Moon Chamber.Ang Moon Chamber ito ang kwarto kung saang nilalagay ang mga mahahalagang alahas ng mga maharlika.
Agad sila napansin ni Heneral Tanez.Yumuko ito bilang paggalang bago muli inangat ang kanyang ulo.Alam na niya ang tungkol sa kahilingan ng dalaga,kahit ayaw niya itong payagan ngunit ang emperador naman ang kanyang magiging kaaway.
"Lady Ada.Maari po kayong pumasok subalit hindi niyo po makakasama ang iyong mga alagad.Hindi sila pinahihintulutang pumasok sa loob"
Tumango lang siya bago niya biglang nilingon ang tatlo sa likod.Yumukod ito bago umatras ng ilang distansya sa kanya.Napabuntong hininga siya bago pumasok sa loob.Bumungad sa kanya ang mga kulay gintong kurtina,mga nagkikinang na palamuti.
"Nasaan ang mga lagayan ng bawat alahas?"tanong niya nito habang ang kanyang paningin ay pinalibot sa bawat sulok ng kwarto.
Napabuntong hininga ang Heneral.Kahit masmataas ang kanyang rango ay parang utusan lamang siya sa babae dahil kung makapagsalita ito ay parang sanay ito sa ganitong kaso.Ngunit kahit buo man ang pagtitiwala ng kamahalan sa kanya ay pinag-aralan niya parin ang bawat galaw nito dahil alam niyang anak siya ni Elmer na isang magnanakaw.Wala siyang magawa kundi ituro niya ang bawat lalagyan ng nawawalang alahas.
YOU ARE READING
The Emperor's Possession (On-Hold)
Random"Even you are not living this days but I promise I will do everything to be all your side everytime.Even my life was become hell" -Methuhael Khan Asufre