KABANATA 15

482 34 13
                                    

MAY NAMUONG saya sa dibdib nila Ada dahil sa wakas ay nakalabas siya sa tribu na walang sagabal.Pupunta sila sa silangang bahagi ng Europa,pinagplanohan niya na ang lahat ng ito dahil alam niyang gaano kalakas ang kapit ni Methuhael.

Napalingon siya sa paligid ng unti-unti niyang naririnig ang mga yabag ng paa kaya maslalo nila binilisan ang kanilang pagtakbo ngunit parang maslalong rumarami at lumalakas ang mga yabag nito.Naririnig niya din ang mga nagsisigawang kabayo na ikinabahala niya.Nilibot niya ang buong paligid Shit!! mura ng kanyang isip.Wala siyang nakikitang lagusan o kaya taguan man lamang,ang nakikita niya lamang ay ang mga nagtataasang puno.Tinignan niya ang kanyang mga magulang na nakatingin na sa kanya.Mababakas ang takot at pagkabahala sa kanilang mga mukha.

Lumakas ang kabog ng kanyang puso ng maslalong lumakas ang mga yabag na nagpapahigwatig na malapit na ito sa kanila.Hindi siya kailangang mahuli ng emperador dahil natatakot siya sa gagawin nitong parusa at lalo't lalo na hindi niya gustong bumalik sa lugar na iyon.Kailangan niyang mag-isip ng paraan.Paraan upang makatakas at makalaya.

Ngunit hindi niya napansin na pinalilibutan na siya ng mga kawal.Nanlaki ang kanyang mga mata,masyado na silang mabilis upang maabutan ng mga asungot na ito.Napakapit ang kanyang mga magulang sa kanya habang humaharap siya sa mga kawal.Napansin niya ang pagliwanag ng mga ng sundalo......kitang-kita niya ang saya sa mga ito.Napakunot siya,Ganito na ba ka salbahis ang mga ito? Kayang gumawa ng mali para lang sa emperador?

"Binibining Ada,sumama nalang kayo po ng matiwasay"narinig niya ang isang ani ng sundalo.

"Sumama? Saan? Sa palasyo kung saan kayo naninilbihan? Wag na!!"

"Ano bang ayaw mo sa palasyo.Mahal na mahal ka nga ng emperador"ani pa ng isa na sinabayan pa ng tawa at sinundan pa ng tawa ng iba.

"Paano kung ayaw naming sumama?"

"Patawad binibini.Kunin ang babaeng iyan!"sigaw ng isa na ikinaalerto niya.

Tumakbo ang isa patungo sa pwesto niya at sinundan ito ng dalawa.Inihanda niya ang kanyang sarili sa bakbakan.Agad niyang binalibag ang isang kawal patungo sa lupa ngunit agad niya ding binuhat ito nang walang kahirap-hirap habang hawak-hawak ang braso at itinulak ito sa sa papalapit na dalawang kawal.Napalingon siya sa likod ng marinig niya ang impit na sigaw ng kanyang ina at doon niya napagtantong hawak na hawak na sila ng dalawang kawal.Agad siyang lumapit sa isa sa mga ito,pinalibot niya ang ang kanyang braso sa leeg at sinakal na ikinabitaw sa pagkakahawak sa kanyang ina.Hindi niya ito binitawan hanggang mawalam ito ng malay.Lumapit siya sa isa at siniko niya ang batok na ikinawalang malay din.

Nilibot niya ang kanyang paningin,alam niya sa sarili niyang hindi niya makakaya ang lahat na ito.Kung mayroon lang sana siyang baril at isaisahin niyang paputukan ang mga bungo nito upang makatakas man lamang dito.Kailangan niyang mailayo ang kanyang magulang sa kamay ng emperador dahil nakakasiguro siyang sila ang pagbubuntongan ng kanyang galit.Agad silang pinalibutan na ikinabahala niya,kaya niyang patumbahin ang iba dito ngunit hindi ang lahat.

Agad niyang sinipa ang pagmumukha ng isa.Binalibag niya ang isa sa pagtatangkang humawak sa kanya.Wala siyang dalang kagamitang pangsangga kundi ang kanyang sarili lamang.Sinubukan niyang umikot ngunit halos hindi na siya makagalaw ng hawakan siya ng ibang kawal upang pigilan.Maslalong lumakas ang kabog ng kanyang puso.Fuck!!

"Bitawan niyo ako!"

"Patawad,binibini ngunit kailangan naming gawin ito dahil kung hindi....buhay namin ang kapalit.Hindi mo kilala ang totoong emperador.Masyado siyang marahas at walang awa"

Napakunot siya."Ano ang iyong ibig sabihin?"

Magsasalita na sana ang kawal ngunit agad sila napatingala ng maybiglang bumababa galing sa isang puno.Lalaki.Alam niya iyon dahil sa kurba palamang ng katawan nito.Nakasuot ito na itim na pantalon at dyaket.May isang telang nakakatakip sa mukha nito at kitang-kita niya ang magandang mata nito.Natakot siya sa bagong dating dahil ang awra nito ay kapareho sa awra ni Methuhael kung hindi niya lang makita ang ginto nitong mata ay mapagkakamalan niya talagang si Methuhael.

"Sino ka!?"sigaw ng isa habang mahigpit na nakawak sa braso ng dalaga.Saglit siyang binalingan ng tingin ng misyeryosong lalaki bago muli tumitig sa babae.Nagtagpo ang kanilang mga mata na ikinasinghap niya.Para sa kanya ay parang lapastangang tumitig sa malaginto nitong mga mata dahil mababang pangkat lamang siya at hindi kagaya ng lalaking nasa dalawang dangkal ang layo na makapangyarihan.

Hindi na nagdalawang isip ang bagong dating sa pagsugod.Pulido ang bawat galaw nito.Sa mga suntok,sipa at talon ay pulidong-pulido.May pagmamangha siyang tinitigan ni Ada,hindi niya lubos maisip na masasaksihan niya ang isang kamamanghang tanawin.Dahil sa pagkakaaliw ay hindi niya namalayan naubos na pala ang lahat sa mga sundalo.

"Sino ka?"ngayon naman si Ada na mismo ang nagtanong.Naglalakad ito patungo sa babae,nais umatras ni Ada ngunit parang napako ang kanyang mga paa sa lupa.

"I am here to help"

Narinig niya ang malamig at baritong boses ng lalaki na nasa harap na niya.Tama nga siya,malaginto ang kulay ng mga mata nito.Kahit nakatakip ang ilong at labi nito ay kitang-kita niya naman ang makakapal na kilay at mahahabang pilikmata.At alam niyang may itsura rin ito.

Napakunot siya "Help? Helping for?"tanong ng dalaga.Nakita niya ang sandaling pagkagulat ng lalaki ngunit agad niya din iyong ibinalik sa malamig na ekspresyon.

"I'm helping for the Emperor"sabay pagpitik ng kanyang daliri ay ang pagkawalang malay ni Ada "I'm just following order"

Mga katagang huli niyang narinig.Mga katagang ayaw niya marinig.Mga katagang huling araw niya na sa labas.Dahil ang mga katagang ito ay ang pagsisimula ng kanyang pagdurusa.

-YUMEKO

_________
I WAS PLANNING TO PUBLISHED THE CHAPTER 16 BUT I CHANGED MY MIND.

A/N:

SORRY FOR WRONG TYPOS AND WRONG GRAMMATICAL ERROR

The Emperor's Possession (On-Hold)Where stories live. Discover now