Chapter 1:
Unang araw ng klase.
Unang araw palang pero nandito ako at nakatambay lang sa ilalim ng puno at nagbabasa ng Romance ang genre. Oh ha? Bitter ako pero nagbabasa parin ng love story. Ano naman sa'yo 'yon diba? Wala kang paki kung ano ang gusto kong basahin ok? Hindi nga kita inaano d'yan sa paniniwala mo sa forever eh.
"Hmm.. Hi" Napaangat ako ng tingin at tinaasan ng kilay ang nagsalita.
1st day palang pero mukhang may nabighani kaagad sa kagandahan ko. Bongga lang! Maganda naman talaga ko, bulag lang ang hindi magagandahan sakin nu! Kaya kung sa paningin mo ay hindi ako kagandahan? Alam mo na? Malabo 'yang mata mo ok?
Tinignan ko 'yong nag-Hi kanina. Isang lalaki na mukhang tao naman kaso hindi ko type. Mukha rin s'yang mahiyain or not? Sabi kasi sa nabasa ko, looks can be deceiving. Malay ko bang baka nagpapanggap lang 'tong mahiyain pero playboy pala diba?
"Ano'ng kailangan mo?" Mataray kong tanong sa kanya. Mukha talaga s'yang nahihiya makipag-usap. Pwede ng best actor.
"Ano kasi.. Hmm.. ahh.. Pwedeng malaman kung anong pangalan mo?" napakamot pa s'ya sa batok n'ya.
Tsk. Old style na 'yan! Ginagamit pa? Hindi talaga marunong mag 'think before you act' ang mga karamihan. Napailing nalang ako bigla sa naisip ko.
"Tatanungin mo ang pangalan ko then hihingiin mo ang number ko at makikipag FC ka tapos manliligaw ka. Ganun 'yon diba?" Sarcastic na pagkakasabi ko sa kanya.
Tama naman diba? Kapag diyosa ang kaharap? Palalagpasin mo pa ba ang pagkakataon? Syempre hindi. Kakaunti lang ang nabibiyayaan ng maala diyosang mukha nu. Take the opportunity agad agad.
"Ha?" kunyaring naguguluhan n'yang tanong.
Kunyaring loading ang utak at hindi na gets? Kahit nagets talaga? Tanga tangahan ganun? Tsk.
"Ok. Tayo na." nginitian ko s'ya. Ang bilis ba? Choosy pa ba ko?
"Talaga?" nagningning naman ang mga mata n'yang hindi makapaniwala.Tsk. Ang DYOSA ko talaga!
"Yup. Ayaw mo?" nagpout ako. Syempre pa cute epek.
"Ha? Hindi! Hindi! Gusto ko syempre. So tayo na a?" natataranta pa s'ya habang sinasabi 'yan. Hay naku mukhang hindi naman pala talaga s'ya mahiyain. Front n'ya lang 'yon.
Ngumiti ako at tumayo na ako para naman hindi ako mangawit kakatingala. Ang sakit kaya sa leeg! Higante ba naman ang kausap mo eh.
"YES! YES! YES!" sigaw n'ya na tila akala mo ay nanalo sa loto, o mas maganda siguro na sabihin na akala mo ay successful sa pagbabawas n'ya. Sorry sa mga kumakain *peace sign*
Napasmirk ako. Final wave agad, ang bilis naman.
At dahil wala ngang forever, dapat panandalian lang ang kasiyahan ng isang tao.
Hinawakan ko ang dalawa n'yang balikat saka ko s'ya tiningnan sa mga mata.
"Break na tayo." sabi ko na ikinagulat n'ya.
"Ano? Break agad?" Kunot noo n'yang tanong.
"Oo. Choosy ka pa? At least pwede mong ipagmayabang sa mga tropa mo na naging ex mo ang dyosang katulad ko diba? Saka akala mo ba may forever? Walang forever! Magbibreak din naman tayo, bakit papatagalin pa diba?" paliwanag ko sa kan'ya saka ko s'ya binitawan sa balikat at bumalik sa pwesto ko kanina kung saan ako nagbabasa.

BINABASA MO ANG
The Bitter Queen ("Walang Forever")
UmorismoThe Bitter Queen ("Walang Forever!") Naniniwala ka ba sa forever? Kung hindi, apir tayo d'yan. Kung OO? Halika dito at gigisingin kita sa pamamagitan ng MARAMING SAMPAL. ILUSYUNADANG 'TO! Wala kayang forever! Hindi dahil sa bitter ako... sadyang hin...