Chapter 3

201 6 0
                                        

Chapter 3:

Pagkapasok ko sa school, si Marian kaagad ang gusto kong makita para naman maiuntog ko s'ya ng malakas sa pader at nang makalbo ko s'ya. Nanggigigil na ko!

Kaso hindi pa ko nakakasampong hakbang mula sa gate ng university nang biglang humarang si Mr. Pretender sa dinaraanan ko.

Ano nanamang problema nito?

Tiningnan ko lang s'ya ng masama at pumunta sa kabilang side para sana lagpasan s'ya pero humarang pa rin s'ya.


"Pwede ba? Umalis ka nga sa daraanan ko!" ang aga aga badtrip ako dahil kulang 'yong tulog ko tapos ganito pang tao ang makakasalubong ko?


"Ayoko nga." nginitian n'ya pa ko. Akala n'ya naman ikina-gwapo n'ya 'yan?


Hindi ko nalang s'ya muli pinansin dahil wala ko sa mood para makipaglaro sa kanya. Pumunta ko muli sa kabilang side pero ganun parin ang ginawa n'ya. I rolled my eyes.

"Ano nanaman bang kailangan mo ha?" mataray kong tanong.

"Kiss muna." sagot n'ya. Pinamulsa n'ya ang dalawa n'yang kamay sa bulsa ng pants n'ya at inilapit n'ya ang mukha n'ya sakin nang nakapikit at nakanguso pa pero syempre inilayo ko 'yong mukha ko at tinulak ang pagmumukha n'ya gamit ang isang palad ko.


"Asa ka. Tumabi ka nga d'yan." singhal ko pero humaharang parin s'ya kahit anong takas ko.

"Ano ba?" naiinis na ko dito sa taong 'to a?


"Bakit ba ang sungit mo?" tanong n'ya.


"Eh bakit ba ang kulit mo?" tanong ko rin.


"Masama na bang magpapansin sa crush?"


Magsasalita pa sana ko pero walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko kaya naman nanatili akong nakanganga pero isinara ko kaagad 'yong bibig ko.


"Speechless? Kilig ka naman." mapanloko n'yang asar.


WHAT? Aba! Ang yabang nito.


"Ha! Kapal mo! Hindi na nakakapagtakang crush mo ang isang dyosang katulad ko nu!" singhal ko saka ko naman s'ya pinalo ng bag ko pero tumawa lang s'ya.


"Anong nakakatawa ha?" inis kong tanong sa kanya pero tawa parin s'ya ng tawa. Baliw lang?


Ahuh! Panahon na para tumakas, napangiti naman ako ng lihim at tatakbo na sana ngunit nahawakan n'ya agad 'yong braso ko.


"Ano ba? Bitiwan mo ko at may pasok pa ko!"


"Ako rin naman may pasok pa. Kaya quits lang." sabi n'ya at ngumiti.


Bakit ba ang hilig nitong ngumiti?


"Yun naman pala eh! Ano pang ginagawa natin dito?" Nanatili parin s'yang nakahawak sa braso ko.


"Aabsent tayo." hindi ako nakapag react agad dahil bigla n'ya nalang akong hinila palabas ng campus.


"WHAT? Hey! Wait!"


Patuloy parin s'ya sa paghila sakin kaya hindi na ko pumalag. Nakakapagod kaya!


Siguro naman safe ako sa kanya kahit hindi ko pa s'ya ganun kakilala diba? Aba subukan n'ya lang na may gawin s'yang masama at ipapakulong ko talaga s'ya!


"Saan ba kasi tayo pupunta?" hindi n'ya pinansin 'yong tanong ko at nanatili lang kaming tumatakbo habang hawak n'ya ang kamay ko.

The Bitter Queen ("Walang Forever")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon