Chapter 7

128 2 0
                                        

A/N: Hello kay TwinkletwistRanking.. :D kahit alam kung kaya mo lang to binabasa dahil idol mo si Kim Ji-won. Thanks parin. ^^

Chapter 7:

"Sino ba kasi yung Renz na yun ha? Magkwento ka naman!!!"

Wengya! Kanina pa ko naiinis dahil kanina n'ya pa ko niyuyugyog at kinukulit.

Tinanggal ko 'yung pagkakatakip ko ng unan sakin at sinamaan s'ya ng tingin.

"Ano ba Marian? Tantanan mo ko pwede?" tanging sagot ko sa pangungulit nya at nagtakip muli ng unan kaso malakas talaga boses n'ya e. Kanina pa dada ng dada kala mo manok e, dinaig pa alarm clock ko sa panggigising sa'kin!

"Tsk, alas otso na tas di ka pa bumabangon! Tulog prinsesa lang?"

Hindi ko s'ya pinansin. Bahala ka magtilaok d'yan! Matutulog ako!! Saka wala namang pasok, sunday kaya ngayon.

"HOY RAZEEEY! ANO? FOREVER HILATA LANG ANG PEG?" oh shit sumigaw pa! >_<

"GAGA KA! WALANG FOREVER!" sigaw ko din saka bumangon na.

Bigla naman siyang naghalungkat sa drawer ko.

"Oh." sabay abot n'ya sakin ng dictionary?

"Aanhin ko to?" naiinis kong tanong.

"Proof yan na may forever!"

"Oo nga nu?" ngumiti ngiti naman s'ya sa pagsang-ayon ko.

Lumapit ako sa kanya, "Gusto mo bang sampalin kita gamit 'to para FOREVER ka ng walang mukha?" sigaw ko.

"Ew bad breath!"

Inamoy ko naman kaagad yung hininga ko, "Hindi nga? Baka sayo yung naamoy mo!" sagot ko at tumayo na.

"Nagbibiro lang eh! Nag toothbrush po kaya ako!"

"Sus!"

Pumunta na kong banyo at malakas na isinara yung pinto.

"GAGA TONG BABAENG TO! MUNTIK NA YUNG ILONG KO AH!" rinig ko pang sigaw n'ya.

Sino ba namang tangang balak sumunod sakin sa CR e? Loka talaga 'yun.

Nang matapos ko ang morning rituals ko at magbihis, lumabas na ko. Aba aba! Loka to? Pagtapos akong gisingin s'ya pa nakahiga?

"Bumangon ka dyan kung ayaw mong masamain sakin!"

Bumangon naman s'ya agad at nagpout.

"Tapyasin ko kaya yang nguso mo?" mataray kong tanong.

"Huwag nemen. Paano ko nalang mahahalikan sa kasal ko ang magiging asawa ko?" pagdadrama n'ya.

Asawa her face, wala ngang tumatagal na boyfriend sa kan'ya, asawa pa kaya?

**

"Hoy Nathan! Sa susunod wag mong papapasukin tong baliw na to a?" utos ko kay Nathan ng makita ko s'ya sa baba sabay turo kay Marian.

"Ang kulit eh!" tipid n'yang sagot. Naglalaro kasi ng Video game. -__-

"Good morning Ma'am Raine, nakahanda na po ang breakfast."

Pumunta na kaming kusina para kumain. Syempre kasama si Marian pwera kay Nathan na busy sa kakalaro.

"Ang cute ng kapatid mo." napatingin naman ako sa kan'ya at tinaasan ko s'ya ng kilay.

The Bitter Queen (&quot;Walang Forever&quot;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon