Chapter 9:
"Para kang kriminal na hindi pwedeng magpakita." Marian.
Napabuntong hininga nalang ako. Ano pang magagawa ko? Diba?
Nandito kami ni Marian sa likod ng building, nakaupo sa may ilalim ng puno.
Kakatapos lang namin kumain and yes, dito lang kami kumain dahil ayoko ng attentions -__-
Sino bang may gusto na pagtinginan ka ng masama habang kumakain ka?
Ikinwento ko rin sa kanya yung mga nangyari sakin kahapon. Ang loka? Ayun tinawanan yung kwento ko, sayang daw hindi n'ya navideohan.
"Pero Razey, maganda na rin 'yong maging boyfriend mo pansamantala si Renz. At least ngayon, hindi ka na nabu-bully." dagdag n'ya pa.
"Yeah, kaso ansasama pa rin ng tingin nila sakin! Tanggalan ko sila ng mata eh." sagot ko.
Nakita ko namang napabuntong hininga s'ya at kumain nalang uli.
Sino ba naman kasing matutuwa? Pinagtitripan lang ako nung Renz na yun for sure.
"Sabi ko na nga ba nandito ka lang eh."
Bigla akong napairap sa dumating. Speaking of. Anong ginagawa nya dito?
"Ikaw si Renz diba?" tanong ni Marian.
"Hi? Ako nga. Marian right? Magkaklase tayo sa college algebra diba?" ngiti ni Renz sa kan'ya.
"Yeah. At ikaw pala yung bagong myembro ng the seven petals." sagot ni Marian.
"Ahe, ako nga." Sagot naman ni Renz at nagkamot pa ng batok.
Nahiya? ^_~
Ako? Tahimik lang, bahala sila d'yan. Itinalukbong ko 'yong panyo ko sa mukha kong dyosa at pumikit.
"Hindi mo man lang kakausapin yang boyfriend mo? Ansama nito." rinig kong sabi ni Marian sakin.
Batukan ko to e. Alam nya naman buong storya nakikisakay pa sya sa trip nitong gagong to.
"Oo nga naman my forever, kausapin mo naman ako." Renz.
Eww, nangingilabot talaga ko sa kakatawag n'ya saking 'My Forever' parang 'May forever' sa pandinig, like duh? Wala ngang forever eh.
Tapos ang galing umarte! Bakit kasi kailangan pa naming magpanggap? Pwede namang pag maraming tao lang diba? Diba?
Tinanggal ko ang pagkakatakip ng panyo sa mukha ko at tinignan siya ng masama.
"Wag mo nga ko matawag tawag ng ganyan! Nakakairita ka na ah!" sabi ko.
"My forever? Seriously? Hahahahahahahaha." napatingin naman ako kay Marian, tawang tawa ang loka.
"Bakit? Anong masama?" tanong ni Renz.
"Hahahahaha." Marian.
"Ang panget kasi ng tawag mo, napaka baduy!" sagot ko.
"Bakit ba? Sweet nga yun eh. My forever."
"Duh! Walang forever!" sagot ko.
"Meron kaya." sagot n'ya naman at naupo sa tabi ko.
"Renz, naniniwala ka sa forever?" biglang tanong ni Marian.
"Ha? Forever? Oo naman naniniwala ako. Kasi pag nagmahal ka hindi mo dapat iisiping may hangganan ang pagmamahal mo sa isang tao." sagot n'ya.
BINABASA MO ANG
The Bitter Queen ("Walang Forever")
HumorThe Bitter Queen ("Walang Forever!") Naniniwala ka ba sa forever? Kung hindi, apir tayo d'yan. Kung OO? Halika dito at gigisingin kita sa pamamagitan ng MARAMING SAMPAL. ILUSYUNADANG 'TO! Wala kayang forever! Hindi dahil sa bitter ako... sadyang hin...
