Mensahe ng isang bitter (Valentine Special)
Hi! I'm Rainezey Fortes at ito ang mensahe ng isang bitter na katulad ko..
Sa mga taken at may ka-date? Edi Happy Valentines day *roll eyes* akala nyo naman porket may date kayo ngayong araw, forever na yan? Tsk. Gumastos pa kayo ngayong araw ah? Eh magbibreak din naman kayo!
Duh! Hindi naman PORKET MAY KADATE ka ngayong valentines ay may forever na.
Yung bulaklak na ibibigay nya sayo?
MALALANTA din yan.
Yung Chocolate?
MAUUBOS din naman yan.
Yung Couple shirt nyo?
MALULUMA din yan!
At kung sinabi nya na WALA Kayong IWANAN?
MAKAKALIMUTAN nya din yan.
Forever? Asus kahit nga sa story at palabas ay may The End o Wakas eh!
At akala nyo ba kayo lang ang may karapatang mag celebrate? Syempre kami ding mga Bitter nu! Araw din kaya namin ngayon!
HAPPY BITTERS DAY sa mga kapwa ko bitter! Syempre maiinis tayo ngayong araw dahil kahit saang park, mall o kung saan saan pa tayo magpunta may maglalaplapan nyan dahil nguso day at may mga maglalandian talaga nyan kaya naman maraming mala-AMPALAYA ngayon satin kaya Happy Bitters day *wink*
Malungkot ba kayo dahil lang wala kayong kadate? Dahil broken hearted kayo? Dahil niloko at iniwan kayo ng mga jowa nyo?
Why don't you join me? Wag kang parang tanga na magmumukmok lang sa bahay at kakain na lang para tumaba lang dahil broken ka.
Wala ka na ngang kaDATE, nagpapakapangit ka pa! Pangit ka na nga eh, wag kang abuso sa sarili ok?
Ang mga BITTER ay dapat nagce-celebrate din.
Kung ang mga nagcecelebrate ng Valentines ay naka-pula? PWES MAGBABLACK TAYO!
Oh bakit? Oo na ako na bitter! At kayo na ang mga ilusyunada! Porket may date kayo ngayon? Ha! Pag nagbreak kayo ng jowa mo, magiging bitter ka din at WHO YOU KA SAKIN!
Oo ako narin ang walang kadate! Ano naman kung wala kong date? At least wala paring forever!
Kung tutuusin nga pwede akong manghila ng kahit sinong lalaki na makakadate ko ngayong araw e, sa ganda kong to?
Magiinarte pa ba sila?
May mga nagaaya nga sakin kahapon pa e, kaso tinanggihan ko lang. Why? Nakakaawa naman ang mga kapwa ko bitter na wala talagang makakadate ngayong araw kung hindi ko dadamayan right?
Naiinggit ka ba dahil walang nagbibigay ng flower sayo? Wag kang mainggit, pag-namatay ka na may magbibigay rin sayo nyan. Oh wag ka munang magmadaling tapusin ang buhay mo para lang makatanggap ng bulaklak a? Baka naman sa sobrang inggit mo nag-suicide ka na at kasalanan ko pa.
Naiinggit ka din ba dahil walang nagbibigay ng chocolates sayo? Oh please! Sasakitan kalang ng ngipin dyan, tataba ka pa!
Walang bumati sayo ng "Happy Valentines Day."? at "I love you."?
Why don't you greet yourself? Pfffffft~
Sa mga bitter?
Well, ok lang 'yan *tap your shoulder* bukas February 15 nanaman eh! Lilipas din yang 'Araw ng mga nguso--- I mean puso'
Hindi ka nag-iisa, baka nga mas marami pang bitter ngayon kesa sa may mga kadate *tawa*
Am I right?
Sa mga may kadate naman?
Next Valentines Day, ikaw naman ang bitter. Sure ako dyan..
AKALA NYO KASI MAY FOREVER EH!---
A/N: Hi sa mga bitter ngayon, lalo na sa mga co-RPWU xD

BINABASA MO ANG
The Bitter Queen ("Walang Forever")
HumorThe Bitter Queen ("Walang Forever!") Naniniwala ka ba sa forever? Kung hindi, apir tayo d'yan. Kung OO? Halika dito at gigisingin kita sa pamamagitan ng MARAMING SAMPAL. ILUSYUNADANG 'TO! Wala kayang forever! Hindi dahil sa bitter ako... sadyang hin...