Chapter 4

162 4 0
                                    

Chapter 4

"Don't do this to me! Wag mo naman akong iwan Eric! Ayusin natin to... please!"

Napatigil ako sa pagbabasa ng may marinig akong parang err? Mag bi-break up?

As usual! Dito ako sa favorite tambayan kapag break time, sa ilalim ng puno sa may likod ng building. Wala kasi gaanong tumatambay dito kaya mas masarap magbasa dahil tahimik kadalasan.

Lumingon lingon ako sa paligid ngunit ako lang naman ang nandito.

Am I hallucinating? Weird.

"Sawa na ko sa mga pagseselos mo!"

This time alam kong hindi na guni guni yun kaya naman tumayo na ko mula sa pagkakaupo ko at sinundan ko yung pinagmumulan ng mga boses nila.

Tsismosa ko eh! Saka sinira nila yung mood ko sa pagbabasa!

"No... please! I promise hindi na ko magseselos. Samahan mo siya! Wag mo lang akong iwan."

And here I am, watching a very ROMANTIC scene. Oh note the sarcasm.

Nakasandal ako sa may puno ng nakatayo at naka krus ang mga braso habang nakatingin sa may right side ko kung nasaan silang dalawa na sa tingin ko ay maghihiwalay na later. Hindi pa ba obvious? For sure hindi na magkakabalikan 'yan dahil walang forever! *tawa*

Hindi nila ko gaanong mapapansin dahil medyo malayo ako.

"Please Eric!" pagmamakaawa nung babaeng nerd.

Pag nakasalamin, nerd na! Ganyan sa wattpad kaya sumunod tayo.

"You deserve someone else! Wag mong sayangin ang oras mo para sakin." sagot naman ng lalaki.

Tsk, after s'yang mahalin nung babae, ngayon n'ya lang narealize na that girl deserve someone better than him? Kaloka! I rolled my eyes because of that thought.

"But I love you.."

"But I don't love you anymore. I'm sorry." and then the guy left the girl crying.

How pathetic. Pagkatapos mong mahalin, iiwan ka lang.

Sabi ko naman kasi sa inyo, walang forever! Feelings do change.

Nanatili lang s'yang umiiyak.

Huminga ko ng malalim, "Iiyak ka nalang maghapon?" tanong ko. Napalinga linga naman s'ya hanggang sa makita  nya kong nakasandal parin sa isang puno.

"Y-you saw us?"

"Tanga ka ba? Of course I saw it." then I rolled my eyes.

"Sino ka ba?" hanggang ngayon maluha luha parin s'ya pero halatang naiinis s'ya dahil siguro may nakakita ng katangahan n'ya.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan pang magmakaawa ng isang tao para lang sa pagmamahal. Katulad mo. Do you think  Babalikan ka n'ya after mong magmakaawa? Nasaan pa ang pagmamahal dun?"

I don't know what's happening to me at nangingialam ako pero feeling ko she need someone to wake her katangahan sa buhay.

"Handa kong magmakaawa para lang mahalin nya ulit ako! I.. I can't live without him. I love him so much." she said between her sobs.

"What? You can't live without him? Are you crazy?"

"Maybe.. yes I'm crazy. Mahal ko lang naman s'ya kaya ko nagkakaganito."

The Bitter Queen ("Walang Forever")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon