Chapter 10:
"Kung may wings nga yung love, bakit na fa-fall ako...... Sayo?"
1...
2...
3...
4...
"Kinilig ka nanaman." Mapang-asar nitong sabi.
Engk?"What?"
Tumawa naman sya bigla.
"Wag kang kiligin. Joke lang yun." Natatawa tawa pa nitong sabi.
Ang kapal talaga nitong lalaking to.
Dinaig pa yung encyclopedia!"So akala mo talaga kinilig ako sa corny mong banat? Hah! Wag ka ngang feeling." Depensa ko.
AKO KIKILIGIN?
"Kaya pala namumula sya." Sabat naman nitong Elaine na to.
"Shut up! Hindi ako namumula no! Natural na mapula yang pisnge ko."
Nakita ko namang patawa tawa tong Renz na to.
"Masyadong feelingero. Tsk."
"Uy wala kaya kong sinasabi." Depensa nya.
Wala daw!
Hindi ko nalang sya pinatulan pa."Nga pala Raine, may program bukas. Nood tayo ah." Elaine.
"Anong meron bukas?" Tanong ko.
"Sinabi na ngang program eh." Biglang sabat sa usapan ni Renz.
Nilingon ko nga, "Pwede ba? Pag hindi naman kasali sa usapan. Wag sasabat?"
Nagkibit balikat lang sya.
Tignan mo tong lalaking to. Ang ewan eh!Buti nalang dumating na yung prof.
College Algebra ngayon eh.
"Okay guys. May ireg student tayong makakasama hanggang sa matapos itong sem na to. Pumasok ka na, at magpakilala."
Oh hell.
"Hello my name is Roxanne. Please be nice to me. :)"
Well sorry sya. I'm not nice.
"Ok Ms. Roxanne, you may sit down."
Hindi ko na sya sinundan ng tingin. Para saan pa? Eh wala naman akong pake.
"Obligado kayong umattend ng program bukas ok? Acquaintance party din ng Delabekspert University next week, at kailangan nyong umattend dun. Yun lang class dahil time na." Pagpapaalam ng prof namin.
At syempre karaniwan sa mga college students... bago lumabas ay magreretouch muna..
Except sakin. Maganda na ko eh. Give chance to others naman ;)
**
Tinatamad pa kong umuwi sa bahay kaya mag ma-mall akong mag-isa.
Pasakay na ko ng kotse ko nang may pumigil sakin.
"Saan ka pupunta?" -Renz.
At kailan pa to naging nanay ko?
Hinarap ko sya.
"May date ako ngayon kaya pwede ba?" Sabi ko saka tumalikod na at sumakay na sa kotse.
Nakakainis na kasi yung presensya nya eh. Bahala syang mag-isip kung may kadate nga ko o sino yun.
Pero what? Bakit ko naman iniisip na iisipin nya yun? Tsk.
Nang makarating ako sa Mall, ito nanaman COUPLES.
MAGSYOTA.
LOVEBIRDS.Magbi-break din yang mga yan tapos panibagong syota nanaman.
Wala nga kasing forever eh. Pang palipas oras lang ng karamihang mag-on ang isa't isa.
Ang mga babae, nagsyo-syota para may manlibre. Alam ko kasi ganyan ako.
Ang lalaki naman? Likas na sa kanila yang pagiging babaero nila.
Parang damit lang ang tingin nila satin. Araw-araw palit.
Bakit ko alam? Duh! Madami na ko naging Ex nuh! Wala nga lang naging seryoso talaga dahil nilalaro laro ko lang ang pag-ibig.
Naramdaman ko namang gutom na ko kakaikot sa mall at dahil wala pa kong kain, nagtungo muna ko sa isang restaurant.
Oo na, ako na loner. Sino ba namang hindi maaawa sakin? Eh ako lang yung kumakain sa isang sosyal na restaurant na mag-isa.
Saan ka nakakita ng lamesang pang isahan lang? So bakante yung upuan sa harap.
"Rainezey?" Napalingon ako sa tumawag sakin.
"Kelvin?"
"Ikaw nga." Umupo sya sa bakanteng upuan sa harap ko.
"So kamusta?" Tanong nito.
Ang gwapo pa rin ng loko. Nginitian ko s'ya.
"Eto loner pero alam mo namang sanay ako dyan. Ikaw kamusta? Kamusta kayo ni KC? Kayo na ba ulit?" Tanong ko naman sa kanya.
Oh nga pala, Kelvin is my friend, naging kami pero para lang pagselosin yung KC pero sa pagkaka-alam ko hindi ata effective.
"Wala na talaga kaming pag-asa noon palang na wala na talaga kami, hindi nga umepekto yung pagpapanggap natin saka may asawa na sya." Kwento nya.
"Ang sad naman." Tanging sagot ko sabay kain ng french fries.
"Haha naka moved on nanaman ako sa kanya. Eh ikaw? Matapos nung kausapin ko si KC, bigla kang nawala."
Ah that time kasi, 2 months na kaming nagpapanggap tas one day di na sya nakatiis kinausap nya na si KC.
"Syempre moment nyo yun kaya umalis na ko." Ang awkward naman kasi kung tatayo lang ako dun at papanoorin yung drama scene nila.
"Hindi mo man lang ako nadamayan nun. Pero kamusta pala lovelife mo?"
"Nakakasawa na manloko eh kaya tinigil ko na." Pagbibiro ko.
Alam kasi nya bawat nagiging boyfriend ko. Sa kanya kasi ako nagkikwento lagi tungkol sa mga kalokohan ko.
Tuwing bakasyon lang kasi kami laging magkasama.
"Parehas pala tayong single ngayon." Sabi nito sabay kindat.
"Ano naman ngayon?" Taas kilay kong tanong.
"Malay mo diba? Baka ako pala nakatadhana sayo." Pagbibiro nito.
Binato ko naman sya ng isang fries.
"Alam mong hindi uso sakin yang tadhanang yan."
"Hahaha alam ko naman yun, pero malay mo maniwala ka din balang araw."
Umiling-iling lang ako.
"Maniniwala lang ako pag naging tanga na ko." Ulit.
Sabi ko sabay inom ng ice tea. Nagkibit balikat lang sya.
Matapos ng kwentuhan namin, nagpaalam na kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
The Bitter Queen ("Walang Forever")
HumorThe Bitter Queen ("Walang Forever!") Naniniwala ka ba sa forever? Kung hindi, apir tayo d'yan. Kung OO? Halika dito at gigisingin kita sa pamamagitan ng MARAMING SAMPAL. ILUSYUNADANG 'TO! Wala kayang forever! Hindi dahil sa bitter ako... sadyang hin...