Chapter 5

134 3 1
                                    

Chapter 5

"Oh bakit parang nakabusangot ka na naman?"

Napaangat ako ng tingin. Hindi ko inaasahan na makikita ko s'ya ngayon ng sobrang lapit.

"Gwapo ko ba?" nakangiti n'yang tanong at doon lang ako natauhan kaya napatayo ako sa pagkakaupo ko sa duyan.

"Aw." sabay naming hawak sa mga ulo naming nagkauntugan sa bigla kong pagtayo.

"Ansakit ah? Bakit ka biglang tumayo?"-Renz

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at pambabaliwala sa reklamo n'ya.

"Hindi kasi kita nakita sa school kanina. Tsk, college ka na nagagawa mo pang mag-cutting." inirapan ko s'ya.

Hindi kasi ako pumasok ngayon at nagtungo ako sa playground kung saan n'ya ko dinala nung isang araw.

Gusto kong magisip MAG-ISA! Tapos susunod s'ya? Tsk.

"Wala kang paki." tanging sagot ko saka ko s'ya nilagpasan.

"May paki ako." rinig kong sigaw n'ya.

"Wala kong paki." medyo pasigaw ko ring sagot sa kan'ya at nagpatuloy na ko sa aking paglalakad papuntang Delabekspert University kung saan kami nagaaral.

"Tsk. Oh!" Napatigil naman ako sa paglalakad ng humarang sya sa dinaraanan ko ng nakatapat sa mukha ko 'yong ice cream na hawak n'ya.

"Ano 'yan?" iritang tanong ko.

"Malamang. Baka ice cream?" sarcastic n'yang sagot sabay irap sakin. Pilosopo lang? Umirap pa ha? Sarap sampalin.

Eh kung hinahampas ko kaya sa kanya 'yang hawak n'ya?

"Para kang bakla." sabi ko nalang sabay kuha sa ice cream na hawak n'ya. Baka kasi matunaw, sayang naman.

"Kayong mga babae lang ba ang pwedeng umirap? Nakakainlove kaya sa mga gwapong katulad ko kapag gumaganon. Ang cute kaya naming tignan." paliwanag n'ya at kumindat pa. Psh! Ang daldal din. Sarap tanggalan ng dila eh.

Naglalakad s'ya patalikod at ako naman ay naglalakad paharap, gets? Naglalakad kami pero magkaharap kami. Ah basta! Imaginine mong mabuti.

Nakarating na kami sa Delabekspert University at sakto namang patapos na ang huling subject ko nun. Ang sipag ko lang.

"Upo ka." utos n'ya sakin. Sinunod ko naman. Uto-uto lang eh. Di, nakakapagod kasi makipagsagutan.

Umupo ako sa tabi n'ya. Nandito kami sa parang park dito sa Delabekspert University.

May mga bench at kaunting mga puno sa paligid. Maganda rin dito lalo na kung gabi dahil sa mga lights na ikinabit sa mga puno.

"Magkwento ka na."

"Ano namang ikikwento ko?" tanong ko sabay lick sa ice cream na hawak ko.

"Dahilan ng pagkabitter mo." sagot n'ya sabay tawa. Nilingunan ko s'ya na katabi ko lang.

Tumaas yung isa kong kilay. Tumigil naman agad s'ya sa pagtawa.

"Seryoso ko. Magkwento ka ng problema mo. Makikinig ako."

"Ha! Seryoso ka talaga nyan a? Tumatawa ka pala kapag seryoso ka." sarcastic kong sagot.

"Dali na kasi." pilit n'ya.

"Tsk. Oo na para matahimik ka." sagot ko.

"Ok game!"

"May isang taong nakakainis." Paguumpisa ko.

The Bitter Queen ("Walang Forever")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon