Chapter 6

139 2 2
                                    

A/N:  This is it xD haha sana magustuhan nyo. Saka sa cp lang ako ng update kaya di ko na na edit at naayos. Next time nalang xD

--

Chapter 6

Hulaan n'yo kung anong ginagawa ko ngayon? Nagbabasa lang naman uli ng Romance.

Isang oras kasi ang break ko ngayon at dahil diet ako, imbis na kumain nagbasa nalang ako.

"Still the girl that I met?" napalingon ako sa may likuran ko.

"J-jake..." oh my G! What is he doing here?

"Musta?" tanong n'ya at naupo sa tabi ko.

"Tsk. Super fine. Anong ginagawa mo dito?" I asked.

"Transferee ako." may ngiti n'yang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya.

"Transferee ka rin? Ano bang balak n'yo ni Roxanne ha?" inis kong tanong. Are they trying to make pahiya nanaman me here naman sa delabekspert university? So epal na a?

Tsk. napapaconyo tuloy ako e.

"Relax. Nandito kami para mag-aral hindi para manggulo. Don't tell me hindi ka parin nakakalimot sa nakaraan? Matagal na yun Raine."

Aba ang kapal naman pala?

"Sa ginawa mo? Hindi ko yun makakalimutan pero hindi ibig sabihin na tanga parin ako sayo. Wag kang feeling." sagot ko.

Kaimbyerna lang a?

"Woah nagbago ka na nga." parang nagulat n'ya namang sabi.

"So?" taas kilay kong tanong.

Tinawanan n'ya lang ako.

"Ang cute mong magtaray. Hindi ako sanay."

"Are you flirting me?" I asked. Gusto kong batukan ang sarili ko. Flirt talaga? Di ba pwedeng cute lang talaga ako?

"Hahaha. Mahal ko si Roxanne." depensa na.

Edi wow. Ikaw na lover at ako na bitter! Pero wow talaga ha? Sila pa rin pala.

"Tsk. Ngayon lang yan. Magbibreak din kayo. Kala n'yo kasi may forever eh!" sagot ko.

"Woah woah woah. Kailan ka pa naging bitter?"

"Kanina lang. Di mo alam?" Mataray kong sagot.

Tinawanan n'ya lang ulit ako. "May I ask? May feelings ka pa ba sakin Raine?" mapangasar n'yang tanong.

"Asa ka. Kung meron man? Pagkainis nalang 'yon." mataray kong sagot.

Timango tango naman s'ya.

"So do you have a boyfriend?" tanong n'ya ng may panlokong ngiti.

Sinusubukan mo ko a?

"Naman. Sa ganda kong to?" paghahamon ko.

"Where is he?" hindi pa rin nawawala 'yong mapanloko n'yang ngiti.

Where is he? Lol. Saan ako hahanap ng He? (-_-)a

Napalinga linga ako sa paligid.

Saktong nakita kong nakaupo si Renz sa may bench sa di kalayuan na naka earphone habang may kinakalikot sa cellphone n'ya. Bahala na si Superman.

Tinuro ko si Renz.

"Ayun, nakikita mo yung nakaupo dun? That's my boyfriend." sabi ko sa kaniya.

"Wee? Bakit mukhang di ka naman n'ya kilala."

"Tanga ka ba? Malamang nagbabasa ko dito. Busy lang kami. Saka kung nakita n'ya ko malamang lalapit na 'yan." paliwanag ko.

The Bitter Queen ("Walang Forever")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon