A/N: Gusto ko pong i-dedicate 'tong chapter na 'to kay ate chums. Hi po *kawai*, gusto ko pong mag thank you lalo na kay Avah. Tinuruan n'ya ko kung paano maging matapang at maging matatag. Nang dahil sa story n'yo mayroong bagay na pinakainiingat-ingatan ko ngayon at si Avah ang tumutulong sakin para lalo pa 'yong tumagal at para lalo pa kong tumatag kahit na madaming mapanghusga minsan..
Wala po halong biro pero malaki talaga ang naituro sakin ni Avah.
Hindi po ko magsasawang ulit ulitin basahin iyon lalo na kapag napapanghinaan nanaman ako ng loob..
-DeLabEkspert04
Chapter 2:
Bakit ba walang oras na hindi ako maiimbyerna? Kainis lang! Pagkatapos n'ya magpakilala at sabihin sa harap ng klase na naniniwala s'ya sa forever ay inasar na nila kami, kesyo bagay daw kami dahil bitter ako sa forever samantalang s'ya ay naniniwalang forever do exist.
Argh! What ever! Attention seeker s'ya! KSP! Mukhang forever! Pwe!
Buti nalang at tapos na ang klase ko sa araw na 'to. Kaya dali dali na kong lumabas ng university at tinext na si Manong driver at inihatid na ko pauwi.
"Ang aga mo ata?" bungad ng brother ko sakin pagkauwi ko. Prenteng prenteng nakaupo sa sofa habang ang mga paa n'ya ay nakapatong sa lamesa at ang mga mata n'ya nama'y tutok na tutok sa cellphone? Kailan pa 'to nahilig sa text?
I'm 18 year old samantalang s'ya naman ay 17. 1 year lang ang agwat namin, obvious naman diba? Nathan Fortes is his name. Gwapo 'yan! Habulin ng mga babae't bakla. What do you expect? Maganda lahi namin e. *Wink*
"Sino ba namang hindi uuwi ng maaga kung tapos na ang klase ko for today?" then I rolled my eyes. Pumunta kong kusina at uminom ng ice tea.
"Badtrip ka nanaman. Ang point ko dun, hindi ikaw yung tipong uuwi nalang agad pagkatapos ng klase, usually nagliliwaliw ka pa nga." sagot n'ya ng hindi man lang tumitingin sakin. Puro cellphone inaatupag.
Tama s'ya, after ng klase ko kasi kadalasan aayain ko si Marian mag shopping o kaya magshopping ako alone. Pero wala ko sa mood ngayon to do that at baka madagdagan pa ang pagkainis ko sa mga nagkalat na love birds sa daan.
And oh? Huwag kayong magtaka kung bakit minsan ang haba n'ya magsalita, ganyan talaga 'yan. Parang s'ya pa nga ang mas matanda samin minsan eh, pero super kulit at malambing 'yan kaya I wonder kung ilang puso na ang napaibig n'ya.
Lapitin s'ya ng babae dahil sa itsura at personality n'ya. Gwapo, cute, malambing, masayahin, at hindi s'ya 'yong tipong playboy kaya naman dream guy ang bansag sa kanya sa campus nila.
"Puro ka cellphone, pumasok ka ba kanina o hindi?" tanong ko naman sa kan'ya at umupo na rin ako sa tabi nya.
"Syempre naman." hindi n'ya parin inaalis ang mga mata n'ya sa cellphone n'ya, mukhang may katext siguro kaya naman sinilip ko kung anong ginagawa n'ya o kung sinong katext n'ya pero inilayo n'ya lang 'yong cellphone n'ya sa'kin. Napakunot naman 'yong noo ko sa ginawa n'ya.
BINABASA MO ANG
The Bitter Queen ("Walang Forever")
HumorThe Bitter Queen ("Walang Forever!") Naniniwala ka ba sa forever? Kung hindi, apir tayo d'yan. Kung OO? Halika dito at gigisingin kita sa pamamagitan ng MARAMING SAMPAL. ILUSYUNADANG 'TO! Wala kayang forever! Hindi dahil sa bitter ako... sadyang hin...
