Chapter 11:
May program daw ngayon. Gusto ko ng umuwi kaso sarado ang gate. Siguro para nga no choice kami kundi ang manood nalang muna.
Ang boooring. Kantahan lang naman ang nagaganap eh.
Ako? NagP-facebook lang. Wala naman ako pake sa mga kumakanta.
Kailan ba matatapos to.
"Hoy babaita! Mamaya ka na kaya mag FB? Respeto naman sa kumakanta haler." Sabi ng katabi kong si Marian.
"Ikaw nalang ang rumespeto sa kanila. Wala sa dictionary ko yun." Mataray kong sagot.
"Tsk.... OH MY!" sabay tulak sakin na parang kinikilig.
Problema nito at napapasigaw ng wala sa oras? -_-
"Wow ha. Alam kong close tayo pero ba't ka nanunulak!" Sigaw ko.
"Si Renz!"
"KYAAAAAAAAAAAH." Sigawan ng mga manonood.
Napaharap naman ako sa Stage at ayun nga sya. Kakanta sya?
Ay malamang -__- kantahan nga to eh! Ano bayan!
"Ahm." Nagpalingon lingon sya sa audience hanggang sa magtagpo ang mata naming dalawa.
Tinaasan ko sya ng kilay at ngumiti lang sya.
Ok? What now?
"Akala ko hindi ka manonood eh... Para sa'yo to Raine."
Bigla namang naglingunan yung mga nanonood sakin.
Oh shit!
"Oh megesh! Kenekeleg ako!" Marian habang tinutulak tulak ako.
"Kyah. Ang swerte nya."
"Ang cute ni Renz."
"Sayang taken na."Mga maririnig mo sa audience.
Actingan lang to oy! Inyo na yan at single pa yan! Tsk.
Nagsimula na syang kumanta.
"If I was your boyfriend, I'd never let you go
I can take you places you ain't never been before
Baby, take a chance or you'll never ever know
I got money in my hands that I'd really like to blow
Swag, swag, swag, on you
Chillin' by the fire while we eatin' fondue
I don't know about me but I know about you
So say hello to falsetto in three, two, swag"Shems bakit parang ang hot nyang tignan!
JOKE LANG! WAG KAYONG MANIWALA SA SINASABI KO!"KYAAAAAAAAAAH"
"ANG HOT MO REEEEENZ.""Yieeeeee.. alam mo matutuwa ako kung mahulog kayo sa isa't isa. " Marian.
"Asa. Siguro sya, pwede pa mahulog sakin." Confident kong sagot.
"Ay ang taaaraaay." Sagot nya.
"I'd like to be everything you want
Hey girl, let me talk to you"Nakatingin sya sakin.
Inaakit nya ba ko? My Gosh!"If I was your boyfriend, never let you go
Keep you on my arm girl, you'd never be alone
I can be a gentleman, anything you want
If I was your boyfriend, I'd never let you go, I'd never let you go"Ayan nanaman yung pamatay nyang kindat.
Hanggang sa matapos syang kumanta, tilian lang ng tilian ang mga audience.
Nangaakit kasi sya!!!
"Alam mo Racey, sayang yan kung papakawalan mo pa." Payo naman ni Marian.
"Eh bakit kaya hindi nalang ikaw ang pumatol sa kanya?"
"Ito naman, inaalala ko lang lovelife mo, baka kasi tumanda ka sa pagkabitter mo... alam mo na... sayang gandang lahi." Pagpapaliwanag nya.
Hindi ko nalang sya pinansin at binaling ko nalang yung tingin ko sa susunod na kakanta..
"Hi. Ako nga pala si Jake Herrerro, malamang di nyo pa ko kilala kasi Transferee ako dito."
Tumili naman yung mga audience. Ano ba naman tong mga to. Wala na ginawa kundi ang tumili.
Sabagay gwapo rin naman sya...
"Sana magustuhan nyo..." nagsimula na syang mag gitara.
"Loving can hurt.
Loving can hurt sometimes.
But it's the only thing that I know."Parang dati lang... ako lang yung lagi nyang kinakantahan...
Isa sa pinakaminahal ko sa kanya noon ay yung boses nya.
Malambing kasi syang kumanta, parang kala mo anghel yung kumakanta sayo..
Akala mo lang kasi demonyo sya! Tangke talaga, naalala ko nanaman yung panloloko nilang dalawa nung bruhildang traydor na yun. Arghhhh.
Kaya gusto ko batukan sarili ko sa pagiging sobrang tanga dati eh.
Kaya ikaw na nagbabasa nito, mag-isip muna at i-analyze ang mga pangyare saka kilalanin!! Wag tanga! Kasi sa huli ikaw at ikaw lang ang masasaktan.
"When it gets hard.
You know it can get hard sometimes.
It is the only thing that make us feel alive."Pero alam nyo? Mahal na mahal ko talaga sya noon, hanggang ngayon tinatanong ko parin sa sarili ko kung bakit... bakit nya nagawa yun.
Ganon naman eh. Minahal mo ng tapat, niloko ka lang.
Oh mo. Wait. Tama ba to? Tumingin sya sakin??
"We keep this love in a photograph.
We made this memories for ourselves.
Where our eyes are never closing.
Hearts are never broken.
Times forever frozen still."Nakatingin sya sakin...
Pero bigla nya ring inalis ang tingin nya.Baka naman nag a- assume lang ako.. bakit naman sya titingin sakin diba?
"So you can keep me.
Inside the pocket of your ripped jeans.
Holdin' me closer 'til our eyes meet.
You won't ever be alone.
Wait for me to come home."Hanggang sa matapos sya kumanta, nakatingin lang ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit pero tulad nga ng sinabi ko. I love his voice...
Siguro yun lang ang dahilan.
"Ok ka lang ba?" Biglang tanong ni Marian.
"At bakit naman ako hindi magiging ok?" Tanong ko pabalik. Nagkibit balikat lang sya.
Biglang napakunot yung noo ko.
Paano ba naman? Anong ginagawa nya sa stage?"Hi. I'm Roxanne at sana magustuhan nyo rin tong hinanda kong kanta." At ngumiti pa sya.
Yung ngiting di mo aakalaing traydor pala.Nagsimula na syang kumanta.. at wala kong pake.
Kinuha ko yung cellphone ko, at sinalpak ko yung earphone sa tainga ko.
Nagulat naman ako dahil yun din ang ginawa ni Marian.
Napangiti nalang ako.
Lumapit ako sa kanya."Inom tayo later." Bulong ko.
Kumunot naman ang noo nya.
"Tsk. Wag ka mag-alala di naman ako magpapakalasing."
BINABASA MO ANG
The Bitter Queen ("Walang Forever")
ComédieThe Bitter Queen ("Walang Forever!") Naniniwala ka ba sa forever? Kung hindi, apir tayo d'yan. Kung OO? Halika dito at gigisingin kita sa pamamagitan ng MARAMING SAMPAL. ILUSYUNADANG 'TO! Wala kayang forever! Hindi dahil sa bitter ako... sadyang hin...