Prologue

685 20 0
                                    

Prologue:

Nagpunta ko sa Mall para magliwaliw magisa pero maiimbyerna lang pala ko lalo dahil kaliwa't kanan ay puro lovers ang nakikita ko.

My gosh!! Napairap ako bigla. Sana pala nag-stay nalang ako sa bahay! Puro naglalandian nakikita ko eh.

Akala siguro nila may forever!

Tumuloy ako sa isang restaurant at naghanap ng mauupuan. Pinili ko sa kaunti lang ang taong nasa paligid. Ayoko kasi ng maingay.

Nakakaboring narin kasi sa bahay lalo na't wala namang pasok dahil bakasyon.

Kasalukuyan akong kumakain nang magpantig ang tainga ko sa dalawang kararating lang at wagas kung maglandian.

"Ang sweet mo talaga boyfie ko! Dito mo pa talaga ko inaya magdate" malanding panget na sabi ng babaeng wagas makapulupot sa bisugo nyang boyfriend. Humagikhik pa ang loka.

Sa may harapan ko lang yung table nila kaya tanaw na tanaw ko pa kung paano sila maglandian.

"Syempre basta para sayo babe" at kumindat pa si koya. Akala mo naman gwapo, puro kalyo naman ang mukha. Wagas makalandi eh.

Napataas ako ng kilay. Hindi magandang view ito.

Tumayo ako at nagpalit ng pwesto, doon parin ang table ko pero nakatalikod na ako ngayon sa kanila.

"Ahihihihi anubeee babe! May kiliti ako d'yan. Wag d'yan!" rinig kong ipit na tili ng babae.
"Hmmm.. ang bango bango mo talaga, pakurot nga!"

Wow naman.

Nanadya ba sila? Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na ko papunta sa table nila, umupo ko sa harapan nila mismo.

Tinaasan ako ng kilay nung babae.

"Huwag mo kong pagtaasan ng kilay. Hindi mo ikakaganda 'yan" sabi ko.

"Sino ka?" Tanong ni girl.

"I'm Rainezey Fortes. Eh ikaw sino ka?" Tanong ko din at tinaasan ko pa ng kilay.

Hindi n'ya ko pinansin at binalingan nya ng tingin ang boyfriend n'ya.
"Do you know her babe?" Tanong ni girl kay boy. Nagkibit balikat lang ang lalaki.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Inis na tanong ni girl.

"Oh I forgot. Nandito nga pala ko para ipaalam sa inyo kung anong pinagkakaiba ng restaurant sa hotel"

"What?" Sabay silang biglang kumunot ang mga noo.

"Sa restaurant kainan ng totoong pagkain, sa hotel pwede n'yong kainin ang isa't isa kaya kung maglalandian kayo, maghanap kayo ng lugar na hindi matao! Dito pa kayo naglandian! Duh, mahiya naman kayo!"

"Eh ano bang paki mo? Wala ka lang kasing kalandian nu? Inggit ka?"

Napatawa ko.
"Ako? Maiinggit? Saan? Sa boyfriend mo? No thanks! Iyo na s'ya."

Tumayo na ko. Pero bago ako umalis. Itinungkod ko ang mga palad ko sa table nila at yumuko saka ngumiti.

"Ngayon lang yan! Bukas o sa susunod na araw, magbi-break din kayo. Akala n'yo kasi may forever eh"

At tuluyan na kong lumabas ng restaurant.

Oh akala nyo hindi ako nagbayad? Iniwan ko na sa table ko kanina yung money. Keep the change pa nga e.

I'm Rainezey Fortez, bitter daw ako pagdating sa love at kilala din ako sa pagiging Bitter Queen.

Bakit totoo naman diba? Walang forever! Walang forever! Walang forever Walang forever at Walang FOREVER!

Puro kayo forever! Forever! Forever! Akala nyo naman may FOREVER?

WALA KAYA! Mga ilusyunada kayo!

Kaya nandito ako para gisingin ang mga utak nyong punong puno ng fantasy!

Duh? Sa fairytale lang may happy ending! Kita mo? Kahit sa fairytale may ending! Wala nga kasing forever!

Akala mo prinsesa kayo na hinihintay ng mga prince charming nyo?

Gumising ka nga!

Katangahan lang yan! Ipukpok ko kaya sa bunbunan mo itong 5 inches na heels ko ng magising ka?

Kaya kung may jowa ka? At sa tingin nyo nagmamahalan kayo? Nagkakamali ka! Ngayon lang yan...

Akala nyo kasi may Forever eh!

The Bitter Queen ("Walang Forever")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon