Chapter 8

101 3 0
                                        

Chapter 8:

"Ok, see you tomorrow. Good bye." at umalis na ang prof namin.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at umalis na sa classroom.

Last subject na mamaya, kunting tiis nalang ay makakauwi na rin sa wakas.

Nakakainis kasi, lahat ng mga mata na makikita mo ang sasama ng tingin sakin!

Papunta kong comfort room.

"Shit!" napasigaw ako sa gulat pagkapasok ko ng CR. Wengya! Napatingin ako sa harapan ko.

"What the hell?" tinapunan lang naman nila ko ng tubig. My gosh!!!

Tinawanan lang ako ng tatlong babaeng may gawa nito sakin.

"Bagay sayo yan! Para malaman mo kung saan ka nararapat! Ang kapal ng mukha mong landiin yung bagong member ng the seven petals! Hindi ka naman pala nya girlfriend." sigaw nung nasa gitna.

Hindi ako nakapagpigil. Nilapitan ko s'ya at sinampal ng malakas.

Susugod dapat sakin yung dalawa n'yang kasama pero tinaasan ko sila ng kilay, "Subukan nyong lumapit ng masampal ko din kayo kaliwa't kanan pa!" sagot ko sa dalawa at tumingin muli sa babaeng kakasampal ko lang.

Gulat pa rin s'ya hanggang ngayon.

"Bakit mo ko sinampal?" tanong n'ya sakin habang hawak 'yong pisnge n'yang namamaga. Malakas talaga e.

Inpeyrnes! Medyo tanga, biruin mo hindi n'ya alam kung bakit ko s'ya nasampal?

"Ang daldal mo eh! Nakakairita." sagot ko.

Akmang susugurin n'ya ko pero agad kong itinapat sa kanya 'yong mop na hawak ko. Nasa gilid ko lang kasi to kanina.

Napaatras naman sila.

"Gusto mo gawin kong sahig yang mukha mo? Lalo na yang bibig mo kailangan atang linisin eh! Ang dumi ng mga lumalabas na salita." sagot ko sa kanila.

"W-wag." sagot nila. Gusto ko matawa sa mga itsura nila, kala mo papatayin eh.

"Why? Takot kayo?" I smirked.

"Na-na-napagutusan l-lang k-kami." sagot nila.

Napakunot naman ang noo ko.
"Sinung nag-utos sa inyo?" tanong ko.

"Hindi namin alam!" sagot nung nasampal ko.

Itinapat ko sa mukha n'ya 'yong basahan ng mop pero hindi ko idinikit a?

"Sasabihin mo o isasampal ko sayo to?" pananakot ko.

"Hindi talaga namin alam, studyante sya pero naka mask!" sagot niya.

Tinaasan ko sila ng kilay, mukhang nagsasabi naman sila ng totoo pero syempre ganti ganti rin. Matapos nila ko paliguan? Di man lang ako pinaghubad muna LOL.

"Okay then." sagot ko at kinuha yung baldeng may tubig pa.

Inilublob ko dun yung maruming mop. Lalapitan sana nila ko pero itinapat ko muli sa kanila 'yong mop.

"Oh ano? Lalapit pa?" umatras naman sila agad.

"A-anong gagawin mo?" hindi ko pinansin 'yong tanong ng isa sa kanila.

Kinuha ko 'yong tabo at inihagis yung maruming tubig sa kanila.

"Oh My Gosh!!!! Ewww." maaarte nilang sigaw.

"Opps sarreh!" sabi ko at ginaya ko pa 'yong boses ni steffi cheon.

"How dare you!!!!" nanggagalaiting sigaw nung nasampal ko kanina.

The Bitter Queen ("Walang Forever")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon