Chapter 12:
"Mahal mo pa ba si Jake?" Biglang tanong ni Marian kaya napatingin ako sa kanya.
"Come to think of it Raine... Matapos nung nangyari, wala ka ng naging seryosong relasyon. Nagbago ka ng bongga."
"Nagbago ako para sa sarili ko okay? Hindi sa kung ano mang dahilang naiisip mo." Sagot ko sabay inom ng alak sa basong hawak ko ngayon.
"Sige nga, paano mo ie-explain yang pagka bitter mo?" Tanong nito.
Hindi ako sumagot.
"Raine, I want to help you. Gusto ko rin tulungan mo yung sarili mong maging normal uli."
Napakunot yung ulo ko, "So sa tingin mo abnormal ako?" Asar kong tanong.
"Oo! Jusko naman. Try mo namang magmahal uli. O kaya naman try mo lang humanap ng matinong relasyon."
"Bakit ikaw normal ba sayo ang papalit palit ng boyfriend?" Tanong ko.
"I tried to love them... yun nga lang di pa ko mainlove inlove. Pero ikaw? Simula palang sinasabi mo na dyan sa puso mo na 'Laro laro lang' eh."
"Natatakot ako." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"What if kapag nagmahal ako uli, maloko nanaman ako? Hindi mo maaalis sakin yun Marian." Dugtong ko pa.
"Pero Raine, seryosong tanong at sagot. Do you still love Jake?"
Do I?
"Masakit parin. I- I don't know. Siguro hindi ko pa nga tanggap yung mga nangyari."
Ayoko namang magsinungaling na okay lang ako kasi alam kong apektado parin naman ako.
Saka hanggat malaki ang galit ko kay Roxanne? Naku... iinit lang ang dugo ko.
Hindi dahil sa nagseselos ako. Nakakainis lang talagang isipin na naging matalik ko siyang kaibigan.
Betrayal..
Do you know the saddest thing about betrayal?The saddest thing about betrayal is that it never comes from your own enemies. It comes from friends and loved ones.
Yun ang pinakamasakit sa lahat.
"Wait... si Renz yun ah. RENZ!"
Napalingon naman ako sa direksyon kung saan nakatingin si Marian.
Papalapit si Renz dito kasama si... sino nga ba to?
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong nya nang makalapit sila sa pwesto namin ni Marian.
"As you can see... may hawak kaming alak kasi bar to. Siguro naman hindi ka tanga para tanungin pa yan?" Sagot ko.
Ewan ko ba pag nakikita ko 'tong lalaking to. Kumukulo ang dugo ko.
"Malay kong ako pala pinunta mo dito." Sabay kindat nito sakin.
Napanganga ko sa sagot nya.
"Ang ka-pal ha."
"Haha, so pwede bang maki-join nalang kami sa inyo?"
"Syempre naman." Sagot ni Marian.
Tignan mo tong babaeng to!
"Pakilala mo naman kung sino yang kasama mo." Marian.
"I'm Drew." Saka pa ngumiti ito.
"Single?" Marian sabay ngiti nito kay Drew.
Hala ang landi talaga nitong babaeng to.
"But not available." Sagot naman nung Drew sabay ngiti kay Marian.
BINABASA MO ANG
The Bitter Queen ("Walang Forever")
HumorThe Bitter Queen ("Walang Forever!") Naniniwala ka ba sa forever? Kung hindi, apir tayo d'yan. Kung OO? Halika dito at gigisingin kita sa pamamagitan ng MARAMING SAMPAL. ILUSYUNADANG 'TO! Wala kayang forever! Hindi dahil sa bitter ako... sadyang hin...