Suitor

1.3K 28 9
                                    

   Isang linggo, pa lamang ang nakakaraan ng  makilala rito sa Probinsiya nina Lola Rose ang naging kaibigan at crush kong si Edie, na  lagi kong  nakikita roon sa Park na malapit din sa bahay  nina Lola.

Inilihim ko sa aking mga Tito at Tita ang palaging pakikipag kita ko sa Park kay Edie, baka kasi isipin nila na nakikipag relasyon ako, malamang  pag nalaman nila iyon ay tiyak na papagalitan nila ako at baka isumbong pa ako kay mama sa dahilan na hindi na ako makabalik dito.

Buong summer vacation kami lagi nagkikita ni Edie sa park pero  nahinto  ito noong isang hapon, sa aming pagkikita ay nagulat na lamang ako  sa kanya ng mag tapat ito nang nararamdaman nito para sa akin.

"Mahal na mahal kita noon pa man Rosalina,  kaya't alam ko na sasabihin mo din na mahal na mahal mo  ako?" iyon ang mga nabanngit niyang mga salita sa akin na akala mo ay matagal at lubos na kaming magkakilala.

"Ha???  Anu bang sinasabi mo Edie, bakit naman agad-agad" Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya kaya't ganito ung naging pag tugon sa kanya.

"Rosalina, seryoso ako diba't nangako tayo sa isat-isa na magmamahalan tayo?" sunod niyang iwinika kasabay  noon ang pag walk out ko sa kinauupuan ko dahil na shock talaga ako at dahil din hindi pa naman talaga ako sanay sa mga ganoong bagay at hindi ako sanay na makarinig ng mga ganoong linya at ang isa pa ay napakalalim ng tono ng kanyang pagsasalita na akala mo ay sina Crisostomo Ibarra sa Noli me tangere at nang  lingunin ko muli siya sa ikinauupuan naming dal'wa ay natanaw ko na wala na siya roon kaya't umuwi na ako sa bahay dahil baka hinahanap na din ako.

Hindi pa naman talaga nahulog ang loob ko kay Edie, crush ko lang naman siya dahil sa gwapo siya at maginoo kaya't sinong babae ba ang hindi mahuhulog ang loob sa kanya, yun nga lang kung ako ang tatanungin ay hindi pa talaga ako handang mag ka nobyo sa mura kong edad.

Sa pag lalakad ko sa Daan pauwi ng bahay ay naalala  ko padin si Edie, naguguluhan pa din ako sa kanya at labis talaga akong nagtataka sa mga salitang binitawan niya na kung babalik- balikan mo ito sa iyong isipan at kung iispin mo ito aakalain mo na matagal na kayong magkakilala na sa habang panahon ay nahulog na kayo sa isat-isa, ganitong-ganito ang mga linyang naririnig ko sa mga palabas lalo na da mga teleserye.

Naalala ko pa noong kauna-unahang pagkikita namin sa park din na to mismo ang pambungad niyang  tanong sa akin nang magkita kami  sa unang pagkakataon  sa Park ng Alas-singko ng hapon.

Bigla na lamang niyang hinawakan ang kaliwang braso ko at tinawag sa pangalang Hindi ko naman talaga pangalan.

"Rosalina,masaya akong  nag balik ka "sabik niyang  pag bati sa akin habang nakatingin ako sa kanya na may halong pag tataka.

Sinagot ko siya'"hindi ako si Rosalina, ako si Rosalia." Ngumiti lang siya sa akin at ipinag pipilitan ang Gusto niya.

"Hindi mo na ba ako natatandaan ako si Edie, ikaw talaga nag-aral ka lang sa maynila kinalimutan mo na ako kaagad at iniiba mo pa ang pangalan mo " iyon ang sumunod niyang pangungulit sa akin na halos  araw-araw iyon sa tuwing tatambay ako sa Park at di nag tagal  naging  magkasundo  kami at naging magka ibigan, kaso nagtataka lamang akosa kanya kung bakit ipinipilit niya na ako si Rosalina.

Napaisip lamang ako na baka kamuka ko lang siguro ang tinutukoy niyang Rosalina kaya ako ang napag kamalan niyang ito. Sinasakyansakyan ko nalang siya sa mga sumunod na araw na pag kikita namin kasi  nasasabik din akong makita siya. May itsura naman kasi siya at magaan pa ang loob ko kapag kasama siya.

Sa pag lalakad ko ay di ko napansin  na nasa tapat na pala ako ng  bahay nina Lola Nahibang kasi ako sa kakaisip kay Edie.

"tinamaan na ata  ako sa kanya at hindi ko na siya mabura sa isipan ko." Kilig kong kausap sa sarili habang papasok na ako ng bahay.

SAMANTALA:

  Malapit ng Mag tapos  ang Pagbakasyon ko rito sa Probinsiya at  medyo nakakaramdam ako ng lungkot ng  hindi ko na nakikita si Edie simula ng nag walk out ako sa park.

Busy ako noon sa pag iimpaki ng mga gamit ko kaya hindi din ako makalabas ng bahay para makapamasiyal sa park at para makapag paalam na din kay Edie. Bukas na din kasi ang alis ko dahil pasukan na kaagad sa Eskwela.

Lumabas  muna ako saglit ng kwarto  para  uminom sana ng tubig sa kusina, pero napa daan ako sa kwarto kung nasaan nakita kong nag lilinis si Tita Roselle sa loob. pumasok din ako dito  at  napag alaman ko na kwarto pala ito ni Lola Rose.

Napatitig ako sa Malaking Portrait sa ding ding ng Silid  dahil kamukang kamuka ko kasi ang babaeng naroon.

"Alam mo Roselia kamukang kamuka mo ang mama noong  kasing edad mo din siya sa larawan na iyan." Ngumiti lang ako kasabay nun ang  natabig kong  pulang  libro sa  lamesa ng kwarto at nahulog ito sa sahig  at  nakita ko na may naka ipit  na Litrato rito.

Nakatalikod ito at may nakasuat na "Eduardo Macapili" at may Petsa pa ito na September 17, 1956.

Nang ihiharap ko ito  ay nagulat ako sa familiar na muka ng isang lalaki na nakita ko sa litrato. Agad  ay itinanong  ko ito kay Tita Roselle kung sino ito.

"Siya si Edie, Masugid na Manliligaw ng Lola Rose mo noong kaedaran mo pa sila. nag  kahiwalay sila  dahil kinailangan mag-aral ni Mama sa maynila.

At  si Edie naman ay  namatay dahil sa isang sakit na hindi naagapan. sabi nila madalas daw itong makikita sa park  na nag hihintay at umaasa pa sa pag babalik ni Mama, hanggang sa namatay  na ai Edie nang hindi  nalaman ni mama dahil hindi pa naman noon ang mga txt o internet at ayaw din naman daw sumulat ni Edie dahil baka mag alala lang daw si Mama sa lagay niya.

nag sumpaan pa nga daw sila ih ! na ipag papatuloy nila ang pag iibigan kapag  nakabalik na si Mama kaso di naman niya naabutan ito ng Buhay isang taon na ang makalipas na namg malaman niya Patay na ito. Kaya bumalik na si Mama ng maynila at doon na nakapag asawa. At iyon na si Papa at ang Lolo mo"

Hindi ako makapaniwala sa naikwento ni Tita sa akin.

Nag taasan ang mga balahibo ko  nang maalala ko si Edie na nakikita ko sa park at ang Edie na manliligaw ni Lola.

Lalo akong kinilabutan ng malaman ko  na ang 

Tawag pala   ni Edie kay Lola ay Rosalina.

na ang tawag din sa akin ng lalaking lagi ko nakikita sa park.

Pasensiya na pahaba ang  story ...
Well, obvious na  alam niyo na ang  natuklasan at ang nakilala ni Rosalia sa park.....


NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon