Secret Recipe

787 18 4
                                    

Katanghalian na akong napabangon sa pag kakatulog dahil sa magdamag na kainan sa bahay nina Lolita at ng kanyang ina na si Ate Pasing.

Saan ka makakakita ano ?
Lamay tapos puno ng handaan na akala mo fiesta o may pinag diriwang na kaaraawan. Pero syempre lamay iyon hindi mawawala ang iyakan at mga nakikipag dalamhati sa pag kamatay ni Lolita.

"Nakikiramay po ako Ate Pasing."pag bati ko sa kanya nang datnan ko siya sa kanyang bahay habang humahagugol sa pag iyak.

Hindi ko ka close si Ate pasing maging ang ilan naming mga kapit-bahay, ngunit dahil sa biglaang pag kamatay ng Anak niya ay nag sipag ramay na din ng buong puso ang mga ilang kalapit na residente rito sa amin.

"Salamat !! Roma, mahal na mahal ko si Lolita, kahit na hindi ko siya tunay na Anak. Iyon na ang naging pag turing ko sa kanya.
5 buwan palang siya naninirahan dito sa akin dahil namatay na ang Nanay niya na kapatid ko. Hindi na ako nag dalawang isip na kupkopin siya dahil ako nalang ang natitira niyang kamag anak."

Matapos ang pag sasalaysay ni Ate Pasing ng kanyang kwento ay niyaya niya akong kumain muna. Dito ko naunawaan kumbakit ganito pala karami ang pagkain sa lamay ni Lolita, dahil ngayon pala ang 18th birthday niya.

Matapos kong kumuha ng pagkain agad din ako naupo kung nasan nakaupo si Jaja na bestfriend ko.

"Ui Roma, naandito ka pala !"
"Ou, nakiramay ako kay Ate Pasing naaawa ako sa kanya pati sa nangyari kay Lolita."

"Onga Roma, naawa din ako sa kanya. Pero alam ah! bihira ko lang yan makita si Lolita na yan na lumalabas ng bahay One time nga naririnig ko pa na nag sisisigaw si Ate Pasing, sa loob ng bahay niya pag napapadaan ako at nakita ko din si Lolita na may mga pasa sa katawan nung nagtapon siya ng basura.
Ang pinagtatakhan ko lang ay ! Ang sabi ni Ate pasing na ikinamatay daw ni Lolita, ay car accident sa kanto.
E wala naman napapabalita dito na may naaksidente diba ! Ang weird ?.."

"Hay nako Jaja, ikain mo nalang yan daig mo pa ang detective kung makapag imbestiga ka."

"May point naman ako bhest ! Diba ? At isa pa baka pinatay ni Ate Pasing si Lolita kasi pansin mo wala ung bangkay niya walang Ataul dito."

"Shhhh!!! Ui Jaja sobra kana ah baka marinig ka ni Ate Pasing, natural na wala kang makikita na kabaong dito kasi abo na ang bangkay niya. Pina Crimate siya ni ate Pasing, kaw talaga kung ano-ano ang naiisip.

"Crimate ? Ang sosyal naman ni Ate Pasing mahirap pa nga sila sa daga Crimation pa ng bangkay?"

"Ang sama mo talaga !! Jaja,"

"Ang sama ka diyan tumatawa ka nga i, well nag sasabi lang naman ako ng totoo nakapagtaka at nakapag hihinala lang kasi ang mga kaganapan na ito. Pero infairness ang daming handa at kakaiba ang sarap ng mga pagkain malasang malasa ang karne."

Nang gabing iyon ay naparami ang kain namin ni Jaja, at nang mag paalam na kami kay Ate Pasing, inanyayahan niya kami na bumalik kami ni Jaja sa sunod na linggo para sa kaarawan naman niya.

Alas Dos na kami nakauwe ni Jaja habang nag lalakad at patuloy pa din siya sa pag sasabi ng kung anu-ano kay ate Pasing.

"Alam bhest ambongga na ni Ate Pass, no? Imagine namatay lang si Lolita, aba'y sunod-sunod na ang paparty siguro may mana si Lolita ano? Tapos pinatay niya kaya nakuha niya kasi nag iisang kamag anak nalang siya nung bata.

"Shh!! Tama na nga Jaja, anlakas ng trip mo ngaun no? Epekto lang yan ng mga kinain mong masasarap kanina kaya itulog mo nalang yan."

Matapos noon ay nag kahiwalay na kami ni Jaja sa Daan at pumasok na ako sa tinitirhan kong apartment.

Makalipas ang isang linggo.......

Nasa palengke ako ng makita ko si Ate Pasing na namimili din tulad ko.
Agad ko siyang binati at pinansin niya ako.

"Ui Roma, narito ka pala bukas ah ! huwag kalilimutan na bumisita sa bahay ko Kaarawan ko na bukas aasahan kita.

"Opo maraming salamat po"

"Sasabay kaba sa akin sa pag-uwi? Papauwi na kasi ako."pag anyaya niya na hindi ko naman tinanggihan. Sabay kaming sumakay ng traysikel at nauna siyang bumaba sa kanyang bahay at ako naman ay nag pahatid na din sa kabilang kanto kung saan ako nakatira.
Pagka baba ko ng traysikel ay napansin ko na may kulay pink na wallet na naiwan sa loob kaagad ko itong kinuha at binuksan at napag alaman kong kay Ate Pasing ito dahil sa litrato ni Lolita na nakalagay rito at may naglalaman pa na pera.
Kaya't napag pasyahan kong ibalik ito kay Ate Pasing.
Dumiretsyo ako sa bahay niya. At sa pag katok ko ng paulit-ulit ay hindi ko nagawang pag bukasan ni Ate Pasing, pero aksidente ko namang nabukasan ang gate kaya nakapasok ako sa loob.
Tinungo ko ang kusina dahil doon ko naririnig ang ingay at naamoy kung ano ang niluluto niya na napakasarap sa pang amoy.

Nang marating ko ang kusina niya ay di ko inasahan ang mga nasaksihan ko dahil may nakita akong dalawang hita ng tao na nakalapag sa mesa habang si Ate Pasing ay may hinihiwa at ang hinihiwa niya ay ..............

Halos masuka suka ako sa nakita ko at di ko nasikmurahan kung ano iyon dali-dali akong nag tatakbo palabas at mabuti nalamang ay hindi niya ako nakita at nahabol.

Nang mai report ko ito sa mga pulis lumabas sa imbestigasyon na May sakit sa pag iisip si Ate Pasing. At nang maitanong ko kung sino ang bangkay na niluluto niya sa kusina niya ay lalong hindi ko kinaya ang mga narinig ko. Dahil ang pinag piyestahan namin na pagkain noong lamay ni Lolita at ang nakita kong natitirang karne ng tao na hinihiwa niya ay si Lolita pala na kinatay niya at ipinanghanda at ipinakain sa mga bisita na nakain namin ni Jaja.

Thanks for reading and please don't forget to Vote it. ^_^
at pag may mga katanungan kayo and concerns etc..
about sa Story just leave a comment.
Thank you..

NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon