Portrait

425 6 1
                                    

Ako si Violey, kahit kailan ayoko na talagang makakita ng mga nag lalakihang portrait lalo na kung pumanaw na ang nasa larawan nito, may isang pangyayaring masasabi ko na hindi ko malilimutang karanasan sa tungkol sa portrait sa isang portrait at dahil doon ay nag ka-trauma ako.

Isa sa hinding hindi ko malilimutang alaala sa portrait na iyan noong bata pa ako sa bahay ng Lola Paciana, ko
Sa bulacan.

Hapon na nang nakarating kami sa
bahay ng Lola at dahil ngayong araw kaming nagkita-kita ng mga pinsan ko napag isipan naming mag laro ng tagu-taguan.
Dahil may kalakihan ang bahay marami kang pagtataguan sa mga sulok sulok nito.

Habang nag hahanap ng mapagtataguan
May biglang babae na medyo may kaedaran na ang itsura at hindi pamilyar sa akin mukhaang kumaway at sumenyas sa akin.

Tinatawag niya ako papunta sa isang silid na matatagpuan sa gilid ng salas.

Kaagad akong nagtungo doon
At dahil ayoko ang mataya sa laro
Dali-dali akong pumasok at nag tago sa sa sulok ng malaking aparador.

Alam kong pinagbabawal ng Lola Paciana na manghimasok kami sa mga silid na hindi niya pinapagamit, lahat kasi kami ay sa itaas ang mga silid.

Wala akong muang na ito pala yung silid ni Lola Aurora, ang Lola ko sa tuhod.
Ayon kay Mama halos dalawamput-isang taon na itong namayapa.

Namangha ako sa aking nakikitang malaking larawan na nakadikit sa ding ding isang babaeng nakaupo at nakagayak ng pambansang kasuotan,
Sa ibaba ng larawan nakalagay ang Aurora kayat sigurado akong ito ang lola ko sa tuhod.

Nakakamangha ang itsura at pag kakagawa sa malaking picture frame na yun. Kung titigan at pagmamasdan mo ito parang may buhay ito.

Mula sa mukha ng babae sa larawan unti-unti kong ibinaba ang paningin ko sa dibdib nito at nagulat ako dahil napansin kong gumagalaw ito na para bang humihinga.

Unti- unti akong binalot ng kaba
Lalo nat nang ibalik ko ang paningin ko sa mga mata nito na laking gulat ko na ito'y kumukurap kurap kasabay nito ang unti-unting pag ngisi ng mga labi nito at pag lisik ng mga mata niya.

Kitang-kita ko ito
Ninais kong tumakbo at lumabas ng silid ngunit para bang nanigas ang buong katawan ko at paningin sa malaking larawan na nakasabit sa dingding.

Naluluha na ako sa mga nakikita ko
Dahil ang kasunod na aking nasaksihan ay ang pag tayo ng babae sa larawan at tila bay parang lalabas siya dito.

Di na ako nag patumpik tumpik pa
Nang bigla ko maigalaw ang mga paa ko
Kaagad akong humakbang papalabas dahil alam akong humakbang na din papalapit sa akin ang babae sa larawan

Pinilit kong ipihit ang seradura ng pinto ngunit diko ito mabuksan nag sisigaw na ako sa takot dahil naririnig ko na ang mga yabag nito na alam ko na malapit na ito sa kinatatayuan ko.

Mabuti nalang narinig ko si Mama sa labas ng pinto at tinatawag ang pangalan ko kasabay noon ng bigla kong pag hagulgol nang mabuksan ang pinto.

Wakas.

NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon