Biglang nawala !

1.1K 24 2
                                    

"Aalis na ako Mahal!" Paalam ko sa aking asawa ng tignan ko ay Mahimbing na mahimbing ang pag kaka tulog.

Hindi ko na siya ginambala sa kanyang pag kakatulog dahil alam kong puyat din ito dahil gabi na din itong umuwi galing trabaho.

Lumabas na akong ng pintuan ng bahay namin at hindi na sa akin alintana ang takot sa paligid dahil sa dami ng taong mga nakikita ko sa labas.

Nag lakad na ako papuntang sakayan ng jeep. Medyo malayo din ang lakaran magmula dito hanggang papuntang sakayan.

Sa pag lalakad ko ay marami akong taong nasasalubong lahat sila nag kalat sa daan at may kanya-kanyang direction na pinupuntahan, subalit ang ipingtatakhan ko lamang ay bakit gising na lahat ng tao dito sa ganitong oras. Dahil kung titignan mo sila ay parang hindi sila papasok sa kanilang mga trabaho dahil hindi naman sila naka uniporme o naka pang pormal na kasuotan.

Ang akala ko tuloy ay galing sila sa kalapit na basket ball court dito na katatapos lamang ang Liga dahil dagsa ang mga tao at hindi pamilyar ang mga mukha nila sa mga nakikita kong residente rito.

Dire-diretsyo lamang ako sa pag lalakad at nang malapit na ako sa sakayan ay nakapa ko ang bulsa ko at napag alaman kong naiwan ko pala ito sa may ibabaw ng ref sa aming bahay, kaya nagpasiya akong bumalik.

Sa pagbalik ko ay mas dumami ang mga taong nasasalubong ko sa kalye na akala mo tanghaling tapat na at hindi mababakas sa kanilang mukha na sila aybagong gising. may mga bata pang nag lalaro rito sa daan at may mga chismosa na din nag kukumpulan.

Halos lahat ng daanan ko ay maraming tao at hanggang sa tapat at pag lampas pa ng bahay namin ay nagkalat sila.

Matapos kong kunin ang naiwan kong wallet sa ibabaw ng ref ay dumiretsiyo na ulit ako sa pinto upang lumabas.

Sa pag bukas ko nang pinto ay inaasahan kong nandoon padin ang maraming tao sa labas, ngunit nang mada'tnan ko ito ay wala na akong nakikita miski isa na naglalakad sa kalye di tulad kanina na nagkalat ang mga tao dito na akala mo ay shopping mall na may kanya-kanyang pinatutunguhan.

Nag lakad na muli ako papuntang sakayan at nagulat ako sa mga dinaanan kong maraming nag lalakad na ngayoy maluwag na maluwag at ako lamang ang nag lalakad.

Madilim ang buong paligid at kung titignan mo ay parang deadzone ang itsura dahil tulog pa ang mga tao.

Nakaramdam ako ng kaunting Kilabot at nagtaasan ang mga balahibo ko sa hindi inaasahang karanasan.

Sino ba naman kasi ang taong gigising ng Alas kwatro ng umaga para lumabas ng bahay at mag gala??

Thanks for reading and please don't forget to Vote it. ^_^
at pag may mga katanungan kayo and concerns etc..
about sa Story just leave a comment.
Thank you..

NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon