Reflection

208 2 0
                                    

Mabigat nanaman ang pakiramdam ko, hindi ko alam para bang may nakapatong na isang mabigat na bagay sa  buong katawan ko. Dala siguro ito ng masyadong babad sa trabaho.
Palagi din kasi akong puyat gawa nang pang-gabi ako dahil nakipag palit ang bestfriend ko sa akin ng shift.
Mahigit isang buwan na ang itinagal ng nararamadaman kong ito. Hindi ko maipaliwanag kumbakit  sinubukan ko nang mag pamasahe pero wala pa ding epekto. Kung minsan ay naninikip ang dibdibbko sa gabi halos di ako makahinga kaya nauuwi ang mahimbing kong pagtulog sa isang bangungot.
Isang araw, sa aking paglalakad  nakasalubong ko ang manghuhula naming kapit bahay, nginitian niya ako at sabay biglang sumama ang tingin.
Pag kauwi ko sa trabaho sinubukan ko siyang puntahan sa kanilang bahay para alamin kumbakit siya biglang sumimangot kanina. Nakatingin lang siya sa akin at may iniabot na isang kwintas at sinabing isuot mo iyan at humarap ka sa salamin.
Tumawa lang ako sa sinabi niyang iyon. Tinanong ko siya kumbakit  pero wala siyang reaction. Pagkatapos noon ay umuwi na ako sa bahay at nagluto ng makakain ilang sandali panay sumalit bigla ang balikat ko at nang naisipan kong humiga saglit biglang bumigat ang buong katawan ko.
Habang ako'y nakahiga  nakatapat ang kama ko sa malaking salamin ko sa kwarto at saktong ako'y humarap at napatitig sa aking repleksyon kaagad kong naalala ang bigay sa aking kwintas kanina, isuot ko daw at humarap sa salamin. Kaagad kong kinuha ang kwintas sa aking bulsa at isinuot ko ito, hindi pa ako nakakaharap sa salamin ng todo nangilabot ako sa nakita ko sa salamin.

End.

NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon