Garbage Bag

836 21 5
                                    

"Ahhhhhhhhhh !!!!!!!!  Saklolo tulungan ninyo ako."

Hingal na hingal ako sa pag-takbo at nanginginig sa takot dahil sa pag habol sa akin ng  nanloob sa bahay ko at may  dala itong  palakol  na mistulang ipapalo ito sa akin at  papatayin  ako. Nakatakip ang buong mukha nito kaya hindi ko siya  makilala kung sino siya at kung ano pakay niya .

Ilang kilometro palang  naman ang layo ng natakbo ko papalayo sa bahay  na tinitirhan ko ay  hingal na agad ako dahil sa  sakit  ko na Hika. Nakakapagtaka lamang  dahil di manlang ako nahimatay  o nanghina  sa daan habang tumatakbo at isa pa hindi ko na din  nakita iyong killer na humahabol sa akin kanina.

At  dahil doo'y  napanatag ang buong isipan ko at  ang puso ko na kanina pa malakas  ang pag tibok.

Naupo  muna ako  saglit sa  isang  bench na nadaanan  ko. At  matapos ang ilang minuto na pagmumuni muni dahil sa takot na di mawala sa aking isipan ng mahimasmasan ay tyaka ko  palang naisipan na   mag report sa Pulis  tungkol sa  nangyari sa pagtangkang pag patay sa akin sa mismong bahay ko.

Independent  na ako mula ng 18 anyos na ako bumukod na ako sa mga magulang  ko kaya  may sarili  akong  bahay.
Nakalimutan  ko lang naman isara ang pintuan ng bahay ko  habang nag huhugas ako ng mga plato. Nang matapos ako  nagulat na lamang ako  ng  may  malaking  tao na  nasa harapan ko  at  may dalang  itong palakol. Sa takot  ko ay  nag tatakbo na ako  papalabas  pero  laking pagtataka ko  dahil hindi  ko mabuksan  ang pinto at sa sobrang  taranta  ko ay  di ko alam ang gagawin at halos  maghabulan  kami ng  killer sa loob ng  bahay.
Hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon na makalabas at  ramdam na ramdam ko kanina ang panghihina sa sobrang kaba. Nakalabas ako ng bahay  gamit ang pintuan sa likuran at sobrang  bagal  kong tumakbo dahil sa hingal  at unti-unti na akong nakakaramdam ng panghihina. Alam kong naabutan na niya ako at wala na  akong nagawa kundi ang  ipikit ang aking mga mata sa sobrang takot. Nakita ko pa sa kanyng anino mula sa likuran ko  ang pag tangka niyang pag hampas  sa akin ng hawak niya.

Pero laking  gulat ko ng  makita ko siyang  nakatayo padin sa harapan ko kaya  tumakbo na ako papalayo at bigla naman  akong  nakaramdam ng  kaunting lakas na halos  maibsan ang  hingal ko.

Sa pag lalakad  ko  agad na may  nakasalubong akong  sasakyan  ng pulis  na  ang daan papunta sa bahay ko  kaya  naisipan ko na din bumalik.

Pagkabalik  ko sa  bahay  ay  nandoon nga ang  mga pulis  at  nakita ko din  na nakaposas na ang kiler.

Dagliang naging  panatag ang loob ko.
Pumasok na ako sa  gate ng bahay ko at  nakita ko naman ang isang garbage bag na pinagkakaguluhan nila  at  agad na kinilabutan ako dahil may natanaw akong  isang braso ng tao doon.

Kaagad akong lumapit  para alamin kung bakit may  garbage bag na may naglalaman ng braso ng tao doon samantalang  wala naman akong  ibang kasama sa bahay para patayin at isilid sa sa itim na garbage bag.

Nakalapit na ako  sa Bag  at  nakalabas doon ang  braso kaagad ko naman binuklat ang laman nito.
At halos  magulat ako at di kinaya  ng loob ko ang nakita ko.
Dahil isang  chop chop na parte ng katawan ng  tao ang nasa loob nito  na akala mo mga tindang baboy o manok sa palengke.
Pinaka masaklap pa ng  makita ko ang ulo nito halos  mapasigaw ako !!
Dahil  ulo ko ang nakita ko at napansin ko din na pareho ng aking suot na damit ang suot  ng chop chop sa Garbage Bag.

Wakas.

Thanks for reading and please don't forget to Vote it. ^_^
at pag may mga katanungan kayo and concerns etc..
about sa Story just leave a comment.
Thank you..

NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon