Rocking Chair

2.1K 38 7
                                    

Nakasanayan na naming mag babarkada na sina Darwin at Gian, na tumambay sa labas ng bahay ng Matandang si Mang Gusting .

Pag-ka galing sa Eskwela ay Dito na agad kami tumatambay.

Pumapayag naman ang matanda na dito kami mag tumbay basta't Wag lang kaming mag iingay.

Kapag narinig niya kasi nag iingay kami ay siyempre magagalit ito at papaalisin kami sa labas ng bahay niya.

Ang apartment ni Mang Gusting ay nasa Pinaka dulo ng Compound nasa liblib na ito. may hagdan ito Sa pinto at ang Flooring nito ay mataas. kaya Sa tuwing tatambay kami sa hagdan ay matatanaw namin na nag rorocking chair si mang Gusting, sa loob.

Kaya pag nag ingay kami ng Hindi sinasadya ay

Makikita namin natatayo siya sa rocking chair at mag sisigaw ng pagalit at bubuksan ang pinto sabay susuwayin kami, ngunit Bago pa man makalapit sa pinto ang matanda, Ay agad na nagtakbuhan na kami papalayo sa bahay nito.

Isang Hapon, nag kita-kita ulit kami sa dating tambayan. napansin namin na nakakandado na ang pinto rito.

sinilip namin ang ilalim ng pinto at wala nang nag rorocking chair sa loob pero nanduon pa ang upuan sa loob ng bahay.

Tinanong namin ang landlady ng Apartment at nagulat kami sa kanyang binalita.

"Naku mga bata !!! Patay na si Mang gusting, binawian na ito ng buhay sa ospital kanina.

kaya nilock ko na yung apartment sa Dulo, dahil wala ng nakatira dun kaya Kahit magsigawan kayo ay ayos lang dahil wala nang magagambala sa inyo doon."

Medyo nalungkot ! kami sa balita ng landlady dahil wala na nga ang matanda pero naisip namin mag babarkada na hindi naman namin nakakausap o nakakabonding si mang Gusting, kaya di naman kami masyadong nag isip ng nakakalungkot patungkol sa kanya.

Kung tutuusin ay tama ang landlady ay dapat maging masaya kami dahil wala nang pipigil sa amin mag-ingay doon, dahil wala ng nakatira.

Kinabukasan!! Same place same time..

Tambay ulit, but this time malaya na kaming hindi mag titipid sa pag sasalita at pag tatawanan. Nagagawa na namin ang gusto naming gawin.

Kahit mag sigawan at tawanan kami nang malakas ay wala nang maninita sa amin. ngunit Natigilan lang kami sa trip ni Darwin.

Dahil napansin namin na panay ang silip niya sa ilalim ng pinto kanina pa.

"Dar, ano ba Meron diyan kanina kapa silip ng silip diyan?." Pag tatanong ko sa kanya.

"Guys !! May tao sa loob.' Pinag tawanan lang namin siya dahil akala namin na tinatakot niya lang kami pero nang aming silipin din ito.

Ay umuuga ang rocking chair sa loob at may naka uwang na mga paa dito habang idinuduyan ang upuan.

"Guys nandyan pa pala si Mang Gusting, niloloko lang pala tayo ng landlady, sabi patay na.

pero may tao pa naman pala rito, nakakahiya tayo ang iingay natin" Sambit ni Gian," na nahihiya dahil sa ingay namin na tumagal ng mahigit isang oras.

"Sabi sa inyo ih !! Kaya kanina pa ako napapatingin sa loob ih may nag lalakad-lakad diyan sabay uupo sa rocking chair." Wika ni Darwin na naka silip pa din sa nag rorocking chair sa loob.

Nang tumayo na kami para mag sipag uwi ay napa tingin kami sa facial reaction ni Gian,

Takot na takot ito at naka turo sa lock ng pintuan ng apartment.

"Oh !!! Bakit?" Tanong ko.

"Guys !!! Naka lock ang pinto. Pero may tao sa loob,Hindi nag sisinungaling ang landlady kanina patay na si mang Gusting at nilock na ito" naduduwag na pananalita ni Gian.

"Kung gayon si...sii.sino iyong nag Rorocking Chair sa loob? Natatakot na pag tanong ni Darwin sa amin. Bakas sa mukha niya ang pamumutla.

"Baka may daanan sa likod at doon dumaan para pumasok, mabuti pa ay silipin ulit natin"pag yaya ko sa kanila

Nilakasan namin ang loob na muling silipin ang ang ilalim ng pinto.

Umupo kami at nang aming tignan ito ay

Agad kaming nag sipag takbuhan sa aming nakita sa loob.

Ang mga paang nakita namin na naka uwang sa pag rorocking chair kanina ay nakalutang na ito malapit sa pintuan

Mabuti na lang naka lock ang pinto kung hindi ay........

Thanks for reading and please don't forget to Vote  it. ^_^
at pag may mga katanungan kayo and concerns etc.. 
about sa Story  just   leave  a comment.
Thank you..

NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon