Kalabit

1K 28 0
                                    

   Normal na sa akin na may laging nangangalabit kapag tinatawag ako  ng parents ko,mga kaibigan ko at kung sinu-sino pa na may kailangan sa akin.

Madalas kasi akong naka suot ng earphone sa  tenga para makinig ng rock music  sa Ipod ko.

Sa tuwing makikinig ako ay nilalakasan ko ang volume para  feel ko ang music kaya  pag may tumatawag sa akin  ay  "Deadma"

Hehehe sorry !!! Di ko marining ih !!!

Maya-Maya pa ay may Kumalabit sa akin  habang naka upo ako sa Kama ng kwarto ko.

""Angeline...  Angeline???"

nang lingunin ko ito ay

Si  ate  Iza pala kanina pa ako tinatawag at nangangalabit.

"Bakit  ate?" Sagot ko sabay tanggal ng Earphone di ko naman namalayan  na nandyan pala  siya sa likuran ko dahil naka talikod ako sa pintuan ng  kwarto ko.

"Ange, aalis na ako ikaw nalang maiiwan dito  i lock mo ang pinto ah"

"Sige Ate " bye ingat.

Pang  night  shift kasi si Ate  sa  Call Center at ako ay pang umaga naman ang shift.

Dalawa lang  kami ni Ate  dito sa bahay niya  kaya  maiiwan ako dito ng buong gabi madalas kasi na ako ang pang night shift  kaya di ako naiiwang  mag isa tuwing gabi sa bahay  ng Ate ko.

Agad kong inilock ang pinto  sa sala's

Kumain na ako at  dumiretsyo na sa pag tulog,

Bago matulog  ay  nag lagay na ako ng earphone sa tenga ko.

Tinodo ko ang   music sa Ipod player ko.

Ang sarap sa feeling  ng walang  iistorbo sayo sa pakikiNig kaya  ipinikit ko na ang mata ko.

Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng gabi dahil namatay ang Electric Fan. Nag brownout kasi. Pag katapos nuon ay  bumalik na ako sa pag kakatulog.

Muli ay nalimpungatan ako  sa pag kakatulog dahil  sa isang malakas at madiin na kalabit  mula sa aking likuran.

Ipinag sa walang  bahala ko iyon !! Sa halip

Naisip ko na umaga  na at ginigising nanaman  ako ni Ate.

Pero  naulit muli ang pangangalabit  sa likod ko sa mas madidiin. Di ko n napigilan ang sarili, kaya  sa  inis ko ay

minulat ko ang mga mata  ko at laking pag tataka ko  dahil  madilim pa sa buong kwarto. hindi pa umaga  at nang tignan ko ang orasan  ay ala-una palang ng madaling araw.

Ibig sabihin wala pa si ATE!!!.

Teka !!  at  paano naman mabubuksan ni ate ang pinto eh naka doble lock un sa loob  kahit may susi pa sya hinding hindi niya un mabubuksan.

Eh sino  ung ??

Patayo na sana ako nang may kumalabit  ulit sa akin.

Agad kong  tinanggal ang earphone ko at 

Dali dali akong lumabas ng kwarto  sa takot.

At  laking gulat ko  nang tumambad sa akin malaking sunog na malapit na sa aking Silid dali-dali akong bumaba at  nakita kong  nagliyab na ang  buong kusina ng bahay.

Sa sobrang  init  ay  para na din akong masusunog kahit hindi pa dumidikit sa akin amg apoy.

Binuksan  ko na ang pinto  at  nagulat ako nag kaka gulo na  ang mga kapit bahay namin nakita ko  na may malaking sunog  sa katabing bahay  ni Ate.

At malapit na din ito masunog.

Halos kalahating oras na daw ang sunog

At kasunod na nito ung tinutulugan kong  kwarto sa itaas na hindi ko namalayan dahil naka earphone ako.

Mabuti na lamang ay nakalabas ako Kaagad salamat sa nangalabit at kung hindi ay malamang nasunog na ako sa loob ng hindi ko namalayan.


Thanks for reading and please don't forget to Vote  it. ^_^
at pag may mga katanungan kayo and concerns etc.. 
about sa Story  just   leave  a comment.
Thank you..

NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon