Fiesta

334 3 0
                                    

Masaya, masayang masaya !
Masaya nanaman ang mga tao sa labas ng bahay ewan ko ba di ko sila maintindihan ang iingay nila nag kakagulo may pinag hahandaan na kung ano man, may nag tatawag ng anak sa malayo.
Nakakabulahaw man minsan pero kailangan kong makisama siyempre mga kapit bahay eh.
Sa araw araw na tuwing maririnig ko sila  iisang tunog at eksena ang nadidig ko parang inulit lang ang kahapon, paulit ulit na kahapon sa araw araw.

Pero mag tataka ka sa ingay nila sa labas ng kalye ay maririnig mo lang sa hating gabi
At umaabot ng madaling araw.

Isang beses ay nabulahaw ako sa aking pagtulog dahil sa para bang may fiesta sa barangay
Noong una ay nilasap ko lang ang ingay ng mga tao dahil para bang ang saya ng tono ng kanilang mga boses ngunit nagulantang ako dahil napatingin ako sa orasan sa ding ding at nakita ko na alas onse na ng hating gabi.
Sa aking pag tataka ay di ko napigilang silipin sa labas kung ano ang nagaganap.

Nang aking silipin laking pagtataka ko nang makita ko ay walang katao tao at malinis ang labas  ng bahay.

Medyo hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan dahil ang pag aakala ko ay maraming tao sa labas at para bang katanghaliang tapat ang ingay sa labas.

Binuksan ko lang ang pinto dahil medyo malamig at presko ang hangin.
Mayamaya'y ang ingay na nadidinig ko sa labas ay para bang nadidinig ko sa loob ng  bahay at pakiramdam ko ay madaming taong di magkanda ugaga sa aking likuran.

NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon