Bangungot

1.1K 21 2
                                    

" Oy salamat sa pag punta guys ah, ingat kayo sa pag-uwi" pag papaalam ko sa mga kaibigan ko na dumalaw sa aking kaarawan. Hating gabi na din ng matapos ang pag sasaya namin dito sa bahay, ng tignan ko ang orasan ay alas-onse na ng gabi. Nilock ko na ang pinto at dumiretsiyo na ako ng banyo upang maligo at para mag pababa pag kalasing ko.

binuksan ko na ang shower at sinimulan kong kuskusin ang aking buhok ng biglang.

Blag !!! Blag !!! Blag !!!

tatlong malalakas at nag mamadaling katok ang narinig ko na nanggagaling sa pintuan mula sa sala. ipinag sa walang bahala ko iyon na kunyari ay wala akong narinig.

Blag !!! Blag !!! Blag !!!

naulit muli ang pag katok kaya't itinigil ko na muna ang pag ligo at nag suot ako ng bathrobe para alamin kung sino ang kumatok sa pintuan.

"Sino iyan ? " nasa labas na ako ng banyo ng tanungin ko kung sino iyong kumakatok sa pinto habang papalakad ako para buksan ito.

ngunit wala akong narinig na sagot mula rito.

Samantala nakita ko naman na naiwan ni Vivian ang Cellphone niya sa Sofa kaya't naisip ko na baka binalikan niya ang Cellphone niya at siya nga siguro ang kumakatok sa labas.

pag bubuksan ko na sana ang Pinto ng may makita akong tao na nakasubsob ang mukha sa bintana. Napatras ako kaagad at nakaramdam ng takot dahil hindi babae ang naaaninag ko sa labas. Nakikita ko kasi ang anino nito sa kurtina dahil sa liwanag ng bilog na buwan.

Humakbang ako papuntang bintana kung saan ko naaaninag ang mukha na nakasubsob sa salamin at para hawiin ang Kurtina para tignan kung sino ito.?

nilakasan ko ang aking loob kahit takot na takot at kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib ko gayun din na nag sipag taasan ang mga balahibo ko sa braso dahil sa nerbiyos at sa resulta na makikita ko sa pag hawi ko ng ng kurtina sa bintana.

Nang Hawiin ko ang Kurtinang tumatakip sa bintana ay biglang nawala ang nakasubsob salamin.

" Hayy !! akala ko kung ano na ?'agad na winika ko kasabay ang pag buntong hininga.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh......"

Napasigaw ako ng magulat ako sa biglang pag sulpot ng tao na nakakatakot ang itsura sa Bintana.

Malaking tao ito na namumula ang mga mata na nakatitig sa akin at nakangiti ito ng nakakakilabot at may hawak din itong palakol na may tumutulong dugo.

Nanginig ako sa takot kaya napatakbo akong pumanhik sa kwarto at agad kong inilock ang pinto at sumuot ako sa kama habang naka talukbong ng kumot.

Takot na takot ako at tarantang-taranta ni hindi ko alam ang gagawin at para na din akong mababaliw sa sobrang kaba.

Lalo akong nakaramdam ng kilabot ng marinig ko muli ang katok. Ngunit ang pinagmumulan ng katok ngayon ay nasa pintuan na ngayon ng aking kwarto.

Sa sobrang takot ko ay wala akong nagawa kundi ang mag sisigaw. Di ko na alintana kung maubusan man ako ng boses habang patuloy pa din ang pag katok sa pinto at pabilis ito ng pabilis na sing bilis ng pagtibok ng puso ko.

Wala na akong ibang choice kundi ang tumalon na lang sa bintana ngunit nang hawiin ko ang kurtina ng bintana ay muli nanaman naroon ang lalaking sumisindak sa akin sa takot, tumatawa pa ito na parang isang diyablo at kasabay nito ay may tali siyang hawak at itinaas niya ito at ipinakita niya sa akin.

Halos hindi kinaya nang sikmura ko ang nakita kong tatlong pugot na ulo na hawak nito sa pagkaka tali.

Napa hagugol ako sa pag iyak ,dahil ulo iyon ng mga kaibigan ko na nagpunta kanina.

Sa pag kakaupo ko ay tumayo ako at agad binuksan ang pinto sa paraan upang makatakas, ngunit sa pagbukas ko ay nandoon muli ang Taong nakita ko sa bintana sa sala at bintana sa kwarto ko.

Hindi na ako nakagalaw sa aking kinatatayuan,agad niyang itinaas ang palakol na hawak niya at namataan kong ipapalo niya ito sa ulo ko.

"Waaaaaaaggggggggggggg!!!!!!!!!"

Nagising ako sa pag kakasigaw na nag wawala na parang loka-loka at namataan ko ang sarili na pawisan ang buong katawan at hingal na hingal.

Napag tanto ko na binabangungot lang pala ako.

Siguro ay dala iyon ng kalasingan kanina. Bumaba ako para uminom ng tubig sa kusina dahil uhaw na uhaw ako at nanakit ang lalamunan ko.

Habang umiinom ng tubig ay tinungo ko ang sala para ma upo sa sofa at nang may maupuan akong isang bagay na matigas ay agad na nabitawan ko ang basong iniinom ko dahil....

Blag !!! Blag!!! Blag !!!

At nakita ko ang Cellphone ni Vivian na naiwan niya sa Sofa.

Napatingin ako sa pinto at hinawi ko kaagad ang kurtina dahil may nakita akong tao na naka subsob ang mukha sa salamin at Kinalabutan ako sa sunod na nakita ko.

"Oh ! Hindiiiiiiiiii....................... ahhhhhhhhhh"

Wakas.


Thanks for reading and please don't forget to Vote it. ^_^
at pag may mga katanungan kayo and concerns etc..
about sa Story just leave a comment.
Thank you..


NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon