Majikang Itim

182 2 0
                                    




Ano ba ang elemento ng majika, ito ba ay totoo? Ito ang paulit-ulit kong tanong sa aking sarili pati narin dito sa aming barangay. May usap-usapan kasi dito sa amin na may makapangyarihang mangbabarang daw kaming ka lugar.

Mahigit isang linggo na ang nakakaraan ng mailibing si Kuya Dasho. Bata pa ito nang binawian ng buhay may 5 anak sila ni Windy na kanyang asawa. Ang pagkamatay ni ito ay di pa din labas na matukoy sobrang weirdo at nakakapangha ang laging nasasambit ng kanyang mga anak bago bawian ng buhay ang kanilang ama.

Sa mismong libing palang ay tila ba may misyterong nababalot sa buong paligid. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin, pero basi sa aking obserbasyon tila ba may kumokontral na pwersa o isang majika sa mismong libing ni Kuya Dasho. Kakaiba sa pakiramdam. Mabigat at sobrang dilim ng kapaligiran. Wala namang bagyong napabalit ngunit ang lakas ng hangin halos prang liliparin ang mga tent na nakatayo sa gilid ng hukay. Maraming dumalo pero ang pagtataka ko ay walang masyadong kaibigan sina Kuya Dasho dito sa barangay at ayon sa kanyang may bahay wala naman daw silang inimbita at kitang-kita naman daw na kaunti lang ang mga nakikipaglibing. Sinabi ni Windy 19 lang ang mga dumalo. Pero sa pag kakatingin ko sa paligid parang isang buong barangay ang mga nakatayo at naka ngisi habang nakatingin sa puntod ni Kuya Dasho. Hindi ko maaninag ang kanilang mga mukha dahil sa nakatakip ito ng belong itim at kasabay nito ang sobrang pagdilim ng paligid.

Nang maupo ako saglit sa may likuran ng mga bisita may natanaw akong isang babae sa may kabilang kalsada ng sementeryo may hawak ito na libro at parang nag dadarasal ito ng mabilis. Hindi siya pangkaraniwang tao kung titignan marami itong sabit sa katawan at ang mga tindig nito ay parang isang jablo kung titignan. Pangalawang beses ko palang siya nakikita sa aming lugar. Una ko siyang nasilayan noong araw na nag kasakit si Kuya Dasho.

Bago maganap ang lahat nag kwento pa sa akin si Elie, patungkol sa isang babaeng sumugod sa kanilang bahay, umiiyak ito at nagmamakaawa sa kanyang Ama. Sa pag kakaalam niya nobya o kabit ata ito ng kanyang Ama. Alam naman niya na babaero ang kanyang Ama at alam din to ng kanyang Ina. Pagkatapos ng tensyon narinig niyang sumigaw ang babae sa labas at sinabing "pagdudusahan mo ito. pag dudusan mo ito. Manunuyot ka, manunuyot ka"

Tumatak sa isip ni Elie ang mga katagang iyon. Simula noon palagi nang tulala ang kanyang ama at umiiyak. Nag simula na din itong makakita ng mga ibat-ibang bagay na siya lamang nakakakita. Hanggang sa isang araw ay sumakit ang tiyan nito at isinugod siya sa Ospital. Hindi matukoy ng Doktor ang karamdaman niya. Palagi itong nararamdaman ni Kuya Dasho sa tuwing sasapit ang alas-sais ng gabi.

Isang araw naabutan ni Elie at kanyang Ina na para bang may pinag-uusapang seryoso. At sabay tingin sa kanya at sinabing sakto ang dating mo anak.

Nagtaka lamang si Elie sa ganoong pagkakasabi ng kanyang Ina. At mayat-maya ipinagtapat niya rito ang nagaganap kapag sasapit ang alasais.

Anak, may nangyayaring kababalaghan dito sa loob ng kwartong ito kapag alas-sais bukod sa sumasakit ang tiyan ko may mga lumalabas na kung ano-anong mga bagay na hindi ko maipaliwanag. Nakita ito ng nanay kagabi kaya nais ko din sana masaksihan niyo.

Saktong alas-sais,

Itutuloy....

NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon