Kuya

3.3K 61 17
                                    

Nakasanayan ko nang iwan si Kuya sa bahay na palaging tulog, gawa ng puyat siya galing work umuuwi siya ng Alas cinco ng umaga at ako naman babangon ng Ala siete para mag handa naman papasok ng school.

Nang makapag almusal daglidagli akong nag toothbrush at nag bihis ng uniform, naalala ko Monday pala ngayon at may flag ceremony kami at pagtingin ko sa orasan ay Quarter to 8 na bago ako umalis ng bahay dumaan muna ako sa Silid ni Kuya para mag padagdag ng baon dahil may school project kaming gagawin pero nadatnan ko siyang tulog, hindi lang tulog kundi malalim ang tulog, Kaya't nahiya na akong gisingin siya.

Tuwing linggo lang kasi umuuwi si Tatay at si Nanay naman nasa abroad kaya wala akong mahingian ng extra kundi si Kuya lang madalas. Habang nag lalakad palabas ng street namin ay naisipan ko i message nalang si Kuya para iwanan ako ng pera mamaya di na din kasi kami nag kikita nun pagka uwi ko nang hapon. pag ka silip ko sa cp ko nakita ko andami palang missed call galing kay kuya at may isang text message, bubuksan ko na sana ang laman ng message nang bigla akong tinawag ni Aling Marie na bumibili ng almusal.

"Uy ! papasok kana? kamusta ang kuya mo?" Kaibigan siya ni Kuya at nang pamilya namin kaya't kilala niya ako. Opo papasok na po ako, si Kuya pala ay nasa bahay po tulog na. sagot ko sa kanya kasabay noon ang pag papaalam ko na ako'y mauna na dahil late na late na ako.

Paglampas ko nang ilang hakbang kay Aling Marie, kaagad kong kinuha ang cp ko para tignan muli ang text message na galing kay Kuya, nang buksan ko na ang mensahe nagulat ako sa sinabi ni kuya " Yana, mga Alas otso na ako makakarating may pinuntahan kasi ako iwan mo nalang ang susi sa ilalim ng pinto." Nagtaka ako at parang kinabahan kasabay nun ang pag tawag ni Aling Marie, sa pangalan ni Kuya, at pagtingin ko pasalubong na sa akin si Kuya.

Hindi ako naka imik na bigla ako sa nakita ko si Kuya nga ang nasarapan ko, tinapik niya ang balikat ko sabay sabi ng nareceived mo iyong text ko ? ingat sa pag pasok. Nilampasan niya ako at sabay nilapitan siya ni Aling Marie.

Ssssino iyong nasa bahay? nanginginig kong tanong sa sarili at kasabay nun ang mabilis na takot at pangambang bumalot sa buong katawan ko.

KUYA !

NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon