Auring

120 1 0
                                    

Ilan ito sa mga kwento sa palabas na nagpatunay sa akin na hindi ito gawa-gawa ng isang kathang isip o guni-guni.
Ninais kong ibahagi itong kwento na ito dahil ilan sa mga nasaksihan ko ay mga ilang eksenang napanood ka sa telebisyon.
Year 2005 namatay si Lola Auring. Namayapa siya sa edad na 101 years old. Bago mamatay ito may mga usap-usapan ang mga tagapag alaga ni Lola Auring. Kung nakanino ang anting-anting nito na siya daw nag papahababa ng buhay ng matanda. Wala kasing sakit ang lola, ngunit mahinang mahina ito at palagi nakaupo sa wheelchair sa tuwing may mga gatherings palagi ko siyang nakikita na nakatulala lang sa malayo. Pero pag sa tuwing mag tatama ang aming mga paningin matalim ito mantitig na parang may gustong ipahatid o ihabilin.
Unang gabi ng kanyang lamay ay walang ibang mga bisita kundi kami lamang na malalapit niyang kamag-anak. Natira kami ng pinsan ko sa loob ng chapel dahil may inasikaso ang iba naming mag-anak at ang iba ay nasa loob ng family room. Pag pasok ko sa loob kaagad kong nakita na may matandang nakaupo sa pinaunahan ng mga upuan  malapit sa kabaong ng patay. Nakatalikod man ito pero maalintana mo na isa itong matanda dahil sa buhok nito at ang suot na parang isang pambansang kasuotan.
Nagtaka lamang ako kasi wala namang ibang bisita bukod sa amin ang dumalaw, nang aking tangkain lapitan ito upang tanungin kung anong gusto niyang makakain.
Kinilabutan ako bigla dahil daglin din siyang tumayo ng tuwid at akmang haharap sa akin.
Mabuti nalang ay tinawag ako ng aking Pinsan na nag papatulong na mag pasok ng mga ibang bagong delivery na pagkain.
Nang maiayos na ang mga pagkain sa loob binalikan ko ang kinauupuan ng matandang bisita kanina at nagkaroon na ako ng pagkakataon na makita si Lola Auring sa loob ng kabaong. At laking gulat ko na kadamit at kakulay at kaayos ng kanyang buhok ang matanda ring nakita ko kanina. Tinitigan ko mabuti at di ako nagkakamali. Sa sobrang takot ko ay lumayo ako sa harapan ng kabaong at naisipan kong lumabas muna pero sa pagkakataong iyon muli ko nakita ang matanda sa pintuan na nakatayo at nakatalikod at akmang muling haharap ito sa akin.
End...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon