Sulat

309 6 1
                                    

Kwento sa akin ito ng pinsan ko na may usap-usapan daw sa probinsiya ng kanyang asawa.
Bagamat itong ganitong klasing mga kwento ay super common na sa ating mga Pilipino, pero nais ko lang naman i share sana magustuhan niyo.

Si Sarya at si Emilio, sila  iyong mag asawang kinabibiliban sa kanilang lugar dahil sa tamis nilang pagsasama at sa turingan nila sa isat-isa.
Sa haba nang panahon na sila ay mag asawa ay hindi sila nabibiyayaan na mag ka anak dahil daw ay baog si Emilio.
Hindi na nila binalak mag ampon dahil ayaw nila ng hindi nila kadugo.

Simula nang mawala si Emilio naging mag-isa at malungkot na ang buhay ni Sarya. Palagi nila itong nadatnan na nasa labas ito ng kanilang bakuran nakaupo at nag hihintay sa malayo at ang napapansin nila rito ay palagi itong may hawak na lapis at papel

Minsan nga daw ay habang binabasa niya ang sinusulat niya ay napapangiti itong mag-isa at napagkamalan pa nila itong baliw.

Tuwing alas tres ng hapon nila itong nadatnan at araw-araw nila ito nadadatnan sa ganoong sitwasyon.
Ang pinagtatakhan lang nila ay sa tuwing matatapos siya sa kanyang sinusulat sa papel ay itinatapon niya ito sa lupa na di nila wari maintindihan kung bakit.

Nag tagal ng 3 buwan na ganoon si Sarya at hanggang siya ay nakapag asawa ulit at nag ka anak na ay patuloy padin niyang ginagawa ang nakasanayan niya tuwing hapon. Sabi nila hinayaan lamang daw siya ng kanyang asawa at di naman daw ito nagtataka sa ginagawa ni Sarya.

Emilio saan ka pupunta? at ikaw ay bihis na bihis
Ah! Niyaya lang ako nina kumpareng ramon sa bayan kaarawam kasi niya at matagal tagal na dkn kamk hindi nagkita kaya nais ko lang dalawin.
Oh! Sige mag iingat ka ha?
Nagtungo na si Emilio paalis ng kanilang bahat at naiwa si Sarya.

Nang makabalik ay dagliang pumasok sa kwarto si Emilio at pag datnan ng kanyang asawa ay tulog na tulog ito.

Tuwing alas tres din ginagawa ito ni Emilio kaya't nasanay na din si Sarya.

Isang araw, umalis ulit si Emilio at hindi ito nakauwi ng 4 na araw nadatnan nila ito sa tabi ng iloh na nakahiga at parang natutulog lamang. Ni walang galos o bahid ng saksak sa kanyang katawan at sakto itong nakita sa ilamlim ng malaking puno.

Sa probinsya noon hindi daw uso ang burol kaagad ibinabaon sa lupa ang patay dahil babaho daw ito dahil di pa uso ang embalsamo.

Nang mailibing ang asawa makalipas ang 2 buwan
Napadako si Sarya sa kaibigan ni Emilio na si Ramon. Dahil nag imbita ito dahil kababalik lamang niya galing Maynila at kaagad niyang inimbita si Sarya at Emilio dahil itoy kanyang matalik na kaibigan.

Oh! Kumare nasaan si Pare miss na miss ko na siya hindi mo ba siya kasama?
Hindi nakasagot si Sarya dahil nagtataka siya sa tanong ni Ramon.

Hindi mo ba alam? Wala na si Emilio patay na siya.
At nagulat si Ramon sa kanyang nalaman.

Nagkwentuhan silang dalawa at sa huli humagulgol ng iyak si Sarya.

Ayon kasi kay Ramon 5 taon siya nasa Maynila at bago namatay si Emilio ay  hindi pa sila nagkikita nito.

Inisip ni Sarya na may ibang babae ang asawa kaya't madalas itong umaalis.

Lumipas muli ang 2 buwan habang nag wawalis bakuran si Sarya ay nakakita ito ng maliit na kapraso ng papel sa lupa at kaagad niya itong dinampot. Nakita niya na may nakasulat rito at pamilyat sa kanya ang sulat kamay, sulat ito ni Emilio.
Naupo siya saglit at kanya itong binasa ng paulit-ulit
Halod maluha siya sa kanyang mabasa at di makapaniwala.

Sarya, Mahal ko
Bakit di mo ko hinintay, bakit mo inakalang patay na ako bakit mo ipanabaon kaagad ang bangkay ko.
Babalik pa sana ako, babalikan pa sana kita.
Mahal na mahal kita.


NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon