School Library

1K 22 4
                                    

Ayaw pirmahan ng Teacher ko ang clearance ko dahil nawawala ang A.P Book ko.

Isang Hapon, kasi ng maiwan ko ito sa classroom dahil nag mamadali akong umuwi sa kadahilanan na baka maiwanan ako ng School service ko.

Dito kasi sa school namin ay usong-uso talaga kapag Clearance Day ang nag wawalaan ng libro at nag kakanakawan.

Pero ang sabi ng mga classmates ko ay hanapin ko lang daw ito sa school library at baka doon daw itinago ng mga nangungumpiska ang libro ko.

Agad kong pinuntahan sa faculty room ang namahala ng Library na si Ma'am Shamaris para hiramin ang susi ng Library.

"Ano ang gagawin mo doon?" Tanong niya sa akin bago ibigay ang susi.

"Ahh Ma'am kukunin ko lang po ung lecture Notebook ko doon naiwan ko po kasi nung nag punta po ako roon kanina" pag dadahilan ko sa kanya para ipahiram niya sa akin ang susi.

"Oh !! Sige basta't bilisan mo lang ah ! Huwag kang magtatagal at i lock mo ang pinto bago ka umalis" bilin niya sa akin sabay abot ng susi.

Pagkatapos kong mag pasalamat sa pag bigay niya ng susi ay kaagad na akong pumunta ng Library para umpisahan ang pag hahanap.

Nang makapasok na ako sa loob ay tinungo ko kaagad kung nasaan ang mga pinag lalagyan ng A.p books at Sa sobrang dami ng nakumpiska ay malabong mahanap ko ang libro ko dito.

Ngunit pinag tiyagaan ko pa din hanapin ito alang ala lang sa clearance ko at para makapag exam na ako .

Bigla naman akong natigilan sa pag hahanap dahil may narinig ako sa likod ng book shelf na may nag lilipat ng pahina ng Aklat rito.

Pagalit siyang mag buklat ng mga pahina. Na akala mo ay pupunitin na niya ang librong binubuklat niya.

"Grabi naman iyon makapaglipat ng pahina, sino kaya iyon" tanong ko sa sarili.

Umikot ako sa kabila ng bookshelf para tignan kung sino ang taong iyon, nag dahan-dahan akong silipin iyon at nang datnan ko ito ay halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko

Dahil walang ulo ang taong naririnig kong nagbubuklat kanina ng aklat at nang matitigan ko ito ay usok lamang ang kabuuhan ng kanyang katawan.

Mas lalo pa akong natakot sa sumunod nangyari sa akin sa library nang tumayo ang taong walang ulo at nakita kong papunta ito sa akin.

Agad na kumaripas din ako ng takbo

Pero kumuha muna ako ng A.p book sa pinaka baba ng Book Shelf kahit di ko naman alam kung sa akin ba iyon o hindi.

Dirediretsiyo akong lumabas ng Library at nag mamadali sa pag lock ng pinto sabay na tumakbo papalayo.

Nakaramdam ako ng hingal at takot na takot pa din ako kapag naaalala ko iyong nangyari sa Library naalala ko na wala pala talagang tao roon dahil kung meron man ay hindi iyon ilolock.

Sa pag lalakad ko sa Hallway ay napansin ko na familiar ang librong hawak ko na dali -dali ko lang dinampot sa bookshelf at nang buklatin ko ito ay laking gulat ko na saktong sa akin pala iyon, laking tuwa ko dahil makapag papa clearance na ako at makapag eexam na din.

Agad ko naman iniabot ang susi Kay Ma'am Shamaris.

"Sigurado kabang na i lock mo ang pinto" tanong niya sa akin.

"Opo, Ma'am maraming salamat po"sagot ko naman

Tumalikod na siya nang muli ko siyang tawagin.

"Ahh Ma'am sandali lang po !!"

"Bakit ano iyon"pag sagot niya kasabay ang pag lingon.

"Ma'am itatanong ko lang sana kung may multo po ba doon sa Library"pag tatanong ko sa kanya ng diretsyo ngunit hindi siya sumagot kaagad at parang namutla ito.

"Bakit Vic, wag mong sabihin nakita mo din yung pugot na ulo sa library??" Tumango lang ako sa patakot na tanong ni Ma'am.

Sakabila ng kanyang panandaliang katahimikan ay agad naman siya nag kwento sa akin tungkol sa school library.

"Kaya walang tumatambay doon at nag lalakas loob na pumasok kapag alas-kwatro ng hapon, dahil sa ganoong oras talaga nag papakita ang multo roon, maging ako ay napakitaan na din nakita ko itong walang ulo habang nag bubuklat ng aklat at sabay hahabulin ka nito. Kaya ipinapasara iyon at kaya hindi din ako tumatambay doon."

Thanks for reading and please don't forget to Vote it. ^_^
at pag may mga katanungan kayo and concerns etc..
about sa Story just leave a comment.
Thank you..

NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon