(February 14, 2012)
One
two
three
four
five
six
seven
Hindi lang ako nag-iisa kasi alam kong may anim akong kaibigan na laging nariyan para sa akin. Sa mga oras na malungkot ako, nariyan sila palagi, pati sa mga oras na sobrang saya ko. Hindi ko ma-imagine ang buhay ko na wala sila. Sila lang ang nakakaintindi sa akin, maliban na sa pamilya ko. Lagi nila akong inuunawa kahit na alam nilang mali ako at dahil doon, nagpapasalamat ako na nagkakilala kaming pito.
........
Jen's POV"Hoy! HOY! Gising na ! 7:30 na, male-late na tayo!" sabi ni Krizzy.
Ano ba yan! Inaantok pa ako! Kaya naman tinalikuran ko nalang siya at tinakpan ko yung tenga ko gamit ng unan ko.
"Sandra! Yannie! Levy! Stella! Yna! Tulungan nyo naman ako dito oh!" sigaw niya sa may sala.
"Wait nga lang. Tabi." Narinig ko namang sabi ni Sandra. Inagaw niya ung unan na nakatakip sa tenga ko at sumigay, "GISING NA. READY NA KAMI LAHAT. IKAW NALANG HINDI. PAALIS NA KAMI."
At may humila naman ng kumot ko. "Bilis-bilisan mo kung ayaw mong maiwan" sabi ni Yannie. Kaya naman bumangon na ako at dumiretso na sa CR. Wisik wisik lang ng tubig sa mukha, "Ayan ready na ako."
Nakatira kami sa isang condominium dahil pinilit namin yung parents namin. Gusto kasi namin ng kalayaan. Kalayaan sa kanila. At dahil naman magkakakilala ang mga magulang namin, pinayagan na nila kami. Si Sandra lang ang hindi pinayagan sa amin kaya ang ginawa niya, hindi niya sila kinausap ng ilang araw hanggang sa pinayagan na din siya.
Pangarap naming maging sikat na banda balang araw, alam naming masyado kaming madami para maging isang banda pero gusto talaga naming sama sama kami sa lahat eh. "Walang iwanan, walang kalimutan" sabi nga namin sa isa't-isa. Heto nga pala kami:
CHUA, Yannie ~ Drummer
RAZO, Yna ~ Vocalist
CRUZ, Levy ~ Rapper
CRUZ, Stella ~ Pianist
DE VERA, Jen ~ Vocalist
FLORENDO, Krizzy ~ Bass Guitarist
MARASIGAN, Sandra ~ Lead Guitarist
Kung ako ang tatanungin, okay lang kami tumugtog, ewan ko lang kung anong sasabihin ng iba, hindi kasi ako mind reader, hindi ko alam mga iniisip nila.
Saktong 8:00 kami nakapasok sa room. Sa Dream High Academy kami nag-aaral bilang 3rd year students. Kabilang kami sa special class, fixed na itong klaseng ito kaya simula nung 1st year kami kami na ang magkakasama. May mga grupo-grupo ng nabuo, kilala na namin ang isa't-isa, ang kaibigan mo noon, pwedeng naging kaaway mo na ngayon.
Pagpasok ni Ma'am Maggy, wala ng greetings pang hinintay, nagsalita na siya agad.
"Guys, alam ko namang aware na kayo na 4 days nalang at valentines day na. So, you should know that everyone in this school would be very busy preparing for it. Because this year, we are planning to have a concert. Luckily, 3rd year students are the one who are chosen to perform in this concert so who would like to join?" Nabuhayan ako sa sinabi ni ma'am at pati na rin silang anim kaya naman sabay-sabay kami nagtaas ng kamay at sigaw na "Ma'am!"
Sabay ulit kaming tumayo at sunod sunod na sinabi ang
"We would like to join Ma'am" sabi ko
"As a group" sabi ni Levy
"Would it be just singing?" Tanong ni Yna
"Are we allowed to dance too?" Tanong din naman ni Sandra
"Can we do it as a band?" Tanong ni Yannie
"..... When will we start practicing, ma'am?" sabi naman ni Krizzy.
Ang aggressive naman ata namin masyado, pero sana mapili kami please.
"Ma'am, teka lang ! Gusto din naming magperform!" sabi ni Casey. Oh, shoot.
"Andaya naman ma'am kung sila lang!" sabi ni Chloe.
"Ma'am, mas magaling naman kami eh" sabi naman ni CATHY.. Wait! Ano daw? Hindi naman tinanong kung sino mas magaling magperform ah? Parang minamaliit na ata kami eh, eh hindi naman kagandahan boses niya. Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Stella
"AS IF!"
"We're better kaya kaysa sa..." Pinutol na ni ma'am ung sinasabi ni Cathy.
"Wala naman akong sinabi na isang representative lang per class. Bakit nag aaway na kayo?" at bigla namang nagtawanan ung mga classmates namin. "So wala na bang ibang sasali?" tanong ni ma'am sa iba pero wala naman nang nagtaas ng kamay.
"Okay. After class, you may proceed to the Music room to practice, Cathy sa music room 2 kayo, at kayo naman sa music room 1 okay? And kung anong gusto niyong gawin, it's up to you, kung gusto niyong sumayaw o kumanta o kaya naman magpakita ng band performance, sige. As long as you can promise me that you will make it a performance that is worth watching."
***
AFTER CLASS...
Pagkatapos ng klase, pumunta kami agad sa Music room 1. Dumiretso ako at si Krizzy sa may mga guitars, si Levy naman pumunta sa may violins, sina Sandra, at Stella, sa may piano, sa may drums si Yannie at si Yna. Na-absorb na kami sa pagtutugtog ng biglang may pumasok at sabi na pinapatawag daw lahat ng mga magpeperform sa may Main Building ng 4:00.
So, sa music room, wala kaming natapos hanggang nag 4:00 na nga. Dumiretso na kami doon, at nakita naming marami ng tao. Kumaway kami sa may stage kasi andun si ma'am Maggy at nung nakita niya kami, nagsimula na siyang magsalita. "I think we're all in here already."
"The teachers called all the performers here to tell you that you should all do good in your performances because, for it to be more interesting, we planned to make it a contest. And whoever wins will have a chance to choose one person to be their date during the said event. So, if there is five members in your group, five will be chosen. The person chosen by the winners are not allowed to complain or not comply with this activity. But that's not all, there are more rewards to the group who will win. And in order for you to know, do your best and WIN."
Naghiyawan naman yung mga students dun. Pagkatapos ay sinunod na sinabi ni ma'am ang rules to follow, kung what time ang event, costumes at things to remember ng contestants.
"Okay, so I think that's all I have to say. I will leave all of you here for you to meet who you're competing with. There's a total of 10 groups joining this activity. Have fun getting to know your competitors. And after that, you may leave. So, God Bless everyone" At umalis na si ma'am.
Okkaaayyyy. So what just happened? What did she just say? Whoever wins, will have a chance to choose a person who will be their partners??
Waaah ! We have to win this! We have to win this contest!