Krizzy's POV
And I hate how much I love you boy
I can't stand how much I need you
And I hate how much I love you boy
But I just can't let you go
And I hate that I love you so
Naggigitara at kumakanta ako ngayon dito sa may Music room 1. Mag-isa lang ako ngayon, wala pa ung iba. Hindi naman kasi ako nakauwi sa bahay kahapon kasi dun ako sa kanila Harold natulog. Na-meet ko lahat ng friends niya kahapon at hindi nila ako pinaalis. Katuwa nga sila. Dapat nga magalit ako kay Harold kahapon pero bakit hindi ko mapigilang ngumiti ngayon. I REALLY HATE HOW MUCH I LOVE HIM.
>>>FLASHBACK<<<
HELP ME!!! SOMEONE HELP ME!!!
Nagtatawanan lahat nung mga lalaking nasa van at may biglang nagtanggal nang takip sa mata ko.
May mga black na parang bonet sa mga mukha nila at naka-black suits sila lahat pero teka, bakit parang formal mga suot nila, ung tipong pang prom, mukhang pangmayaman, pati na rin sapatos nila.
Eh, bakit kailangan pa nila ako, anong gagawin nila sa akin. Kung hindi nila kailangan ng pera, anong kailangan nila?? OH NO! Don't tell me.
"WAAAAAAAAH!" sumigaw nalang ako doon kasi natatakot na talaga ako.
Napansin ko lang ulit, yung driver, tingin ng tingin sa akin, parang nag-aalala ung itsura niya, at familiar din siya. Eeehh! Parang nakita ko na siya sa movie eh ! Movie ba? Teka nga lang, siguro kamukha niya lang o kayaaa..
Napa-stop ako sa kakaisip kasi bigla ng nag-stop ung car. Binalik ulit ung takip sa mata ko at may bumulong sakin "Wag kang magulo kung ayaw mong mapaaga ang pagpapahirap namin sa'yo"
Dahil sa sinabi nung kung sino man yun, napaluha na ako pero syempre di ko pinahalata mamaya masigawan pa ako o kung ano pang gawin sa akin.
May humila na sa akin kaya nagpahila nalang ako. May narinig akong bumukas na pinto at patuloy lang ung paghila sakin sa braso. May pinto ulit yatang bumukas at pinaupo ako sa isang matigas na parang upuan. Nung medyo tumagal na eh, may nagtanggal ng tela sa may mata at bibig ko. Madilim ung lugar, madilim na madilim
Nagulat nalang ako ng may biglang nagbukas na ilaw at sabay ng pagsigaw nila ng
"Surprise!!!"
Nandun si Harold, yung mga naka-formal naman kanina, nagsitanggalan ng bonet na nasa mukha nila at doon ko lang namukhaan ung iba, ang kadalasang kasama ni Harold.
Napahagulgol nalang ako dun. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Yung kaba at takot na naramdaman ko kanina, inilabas ko na ngayon. Sumigaw nalang ako dun na parang baliw
"Kayo!! Anong klaseng surprise to ha!! Ang ganda naman ! Na-appreciate ko ng sobra!!" sarcastic kong sinabi sa kanila.
At dun naman lumapit si Harold sakin, niyakap niya ako, at sinabi sa mga kaibigan niyang.. "Mga *lol, anong ginawa niyo sa kanya ha!!? Pinayagan ko na ngang gawin niyo ung plano niyong yun! Ano pang ginawa niyo sa kanya!!" halatang galit na rin ung boses niya.
Nagsalita nalang ulit ako,
"At may nalalaman pa kayong wag akong magulo kundi mapapaaga ung pagpapahirap niyo sakin!" sinabi ko yan habang umiiyak.
At nagsalita naman ung isa sa mga lalaki dun
"Ayy, sorry, natakot ka ba dun? I just got carried away. Sorry"
"Eh, kahit kailan talaga Renz, ang baliw mo!" may nagsalitang babae, nung tinignan ko ulit sila, may kasama pala silang mga babae, mga girlfriend siguro, pero infairness, ang gaganda ng mga suot nila, naka-dress ung mga girls eh.
" Sorry talaga Krizzy, akala ko kasi simpleng pagdala lang sa'yo dito ung gagawin nila, susurpresahin ka kasi namin, walang certain occassion pero gusto lang talaga kita surpresahin eh, tahan na" sabi ni Harold.
Thug.Thug.Thug.Thug (heartbeat yan mga 'te)
--END OF FLASHBACK—
At nung gabing yun nalaman ko din na kaya sila naka-formal, nagkaroon daw sila ng practice para sa performance nila dun sa school nila for Valentines, ung sa kanila daw kasi play, ung name pala ng school nila is Hanford Academy...
At that same night , napatawad ko din siya.
(I'm sorry kung short lang po siya.. Babawi nalang next time ..
pls. VOTE po, and leave comments. Thank you)
