CHAPTER 15

65 3 0
                                    

[[ Sillyme_xD here. ]]

JEN'S POV

Umalis na lang si Levy kanina. Malay ko ba kung bakit, parang may nabasang text tapos nagmadali nang umalis. At ngayon naman si Yna, may nagbigay sa kanya ng envelope, ang alam ko pictures laman nun. Alam niyo? Tumakbo nalang siya bigla, papalayo sa akin.

Hindi man lang niya shi-nare yung laman nung envelope. Ang tawag dun makasarili. Pero mukhang seryoso, kailangang magseryoso na din ako.

Pero hayaan ko na nga lang sila, siguro may mga pinagdaraanan lang sila sa buhay. Kailangan na muna nilang mapag-isa at mag-isip isip muna pero ako naman hindi ko kailangang mapag-isa pero bakit ganoon, iniwan nila ako.

"Aiiissh ! Ano na kayang gagawin ko ngayon ??"

Tawagan ko nalang muna sina Stella, Sandra, Yannie, o Krizzy.

.

.

.

.

OMHEGUUURRDD. Wala man lang sumasagot ni isa sa kanila.

Gusto ko pa man din kumain. Pero ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang kumain ng mag-isa in public. Kapag nakakakita kasi ako ng taong kumakain mag-isa in public, naaawa ako. Ayaw ko namang kaawaan ang sarili ko.

"Kruuuu~~"

Ang lakas ng tunog ng tiyan ko, sana walang nakarinig.

Tutal nasa harapan ko na yung pagkain, kakainin ko na. Mas kakaawaan ko ang sarili ko kung hindi ako kakain ngayon. Nang kakain na sana ako.

"Oh, gutom na gutom ka ata."

"Hindi naman gutom na gutom, gutom lang, OA na kapag gutom na gutom eh." *lingon* *blink* *blink*

"HELLO Jen. Pwede maki-upo?"

"A-ah, sure." sabi ko.

Wow, kasama ko siya ngayon, si one and only CRUSH, i mean basta si CRUSH.

"Okay lang ba sa mga kasama mo?" Tanong ni Ivon.

"Haa? Wala naman akong kasama." Sabi ko.

"Ano? Eh bakit may tatlong shake at tatlong cake dito sa table mo? Para sayo lahat yan?" Tanong niya

"Oo, i mean hindi, ano kasi. Ganito kasi yun. Dapat may kasama ako ngayon kaso iniwan nila ako kaya akin na tong inorder nila."

"Aah. Parehas lang pala tayo." Iniwan din siya?

"Iniwan ka rin?"

"Hindi naman sa iniwan, hindi lang daw siya makakarating, may emergency ata ulit." Sabi niya. Sino kaya yung siya? Girlfriend niya? Hindi! baka naman kapatid? Or friend or mother or father? Sino kaya? Nahihiya ako magtanong.

"Uuhhmm. S-s-sayo nalang yung isang cake at shake dito oh." Hindi ko nalang itatanong.

"Aahh, thank you. Order pa ako gusto mo? Nakakahiya kasi. Kayo gumastos nito, tapos akong kakain."

"Aah. Kahit wag na. Ubusin nalang natin to tapos alis na." Sabi ko.

"Hindi bale, babawi ako. Libre naman kita next time, gusto mo? Kailan ka ba pwede?" Sabi niya.

Oh my! Is he asking me out? Magde-date kami ganoon?

In my dreams, baka nahiya lang kaya sinabi niya yun?

"Sure. Sabi mo yan" Walang bawian. Period. No erase.

"Soo. Paano mo pala nakilala si Keanu?" Tanong niya bigla.

"Pareho kasi kaming member sa Debate club nung second year."

"Oh. Naging member ka pala ng debate club?"-Ivon

"Oo. Nung second year nga lang."

"Bakit hindi mo tinuloy?" Tanong ulit niya.

"Kasi late natatapos yung debate sessions and yung meetings. At naging conflict siya sa ibang organizations na kasali ako noon kaya gi-nive up ko yung debate."

"Aah. Sayang naman. Marami ka palang clubs na sinalihan. Anong clubs ka pa kasali?"

"Sa Music club, Teatro Pino, at Filipino club."

"Sumali ka rin sa Filipino club? Kasali rin ako sa club na yun nung second year."

Kaya nga rin ako sumali kasi nandun ka eh. Pero hindi mo ako napapansin.

"Ha? Talaga? Hindi kita napansin dun ah."
Ano bang sinasabi ko? Eh sa kanya nga lang ako nakatingin non eh.

"Haha. Ako rin, hindi kita napansin dun." Sabi niya.
Alam ko.

Kung ano ano pa pinag-usapan namin, ubos na nga pagkain namin pero tuloy pa rin kami sa kuwentuhan. Hanggang sa may tumawag sa kanya.

"......... Ha? Andiyan na kayo?......... Sorry hindi ko namalayan yung oras........ Sige, pupunta na ako." Binaba niya yung phone niya at tumingin sa akin.

"Jen. Sorry. Late na ako sa practice namin. Okay lang ba na mauna ako na ako?" Tanong niya sa akin.

"Oo. Sige, alis ka na. Hahanapin ko na rin yung mga kasama ko." Sabi ko kunwari para umalis na lang siya.

"Sige, alis na ako. Sorry, at thank you sa pagkain." At umalis na nga siya.

Buti nalang dumating siya kung hindi, kinaawaan ko na sarili ko.

Hahanapin ko pa ba sila o uuwi nalang ako??


True Meaning Of BitternessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang