CHAPTER 3

160 3 0
                                    

Dream High Academy (5:20 PM)

Yannie's POV

Yeahh! Imi-meet ko si Justin....... Sa canteeeeenn..... Yeah!

Nang makarating na ako sa canteen. Biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Yannie! Dito!" Ahhh, si Justin na pala. Pero, sino ung kasama niya?? Ayy Si Jiru----Really?! Si Jirus ! I can't believe it! Am I dreaming?! My two crushes are over there !

"Ouch!" May tumulak nalang sakin bigla. Nung tinignan ko kung sino, hindi ko kilala, bago ata sya sa school, parang ngayon ko lang nakita eh, tapos ang ganda niya.

"Oh, sorry, hindi ko sinasadya." 

"Ok lang yun" sabi ko naman. Nginitian niya nalang ako at umalis na.

Dumiretso nalang ako dun sa kinaroroonan nila Justin at umupo doon.

"Wow, ang tagal mo ah! Mga 10 years ka nakarating." sabi ni Justin.

"Hoy, anong 10 years, kararating mo nga lang din eh." sabi naman ni Jirus .

Wow ah, parang siya ata ung nag-imbita sakin dito, parang kami pa nga ata yung close eh.....

Si Justin naman kasi.....

"Justin, bakit mo nga pala ako pinatawag dito, ano yung gusto mong sabihin??" tanong ko kay Justin. Yun naman kasi ung sabi niya sa text, na may importante daw siyang sasabihin sa akin. Ano kaya yun??! Iiiihhhhhhhh! Yannie, UMAYOS KA!.

"Ah, yun ba ? Naaalala mo pa ba ung sinabi ko sa'yo na ikaw ang unang makakaalam kung sino ang magiging girlfriend ko??" Ah, oo nga pala. Sinabi niya sakin yun nung 2nd year pa kami at ever since, hinihintay ko nalang siyang manligaw sakin. Baka natotorpe lang kasi siya kaya hindi niya sinabi ng diretso sakin.

Wag kang umasa Yannie! Masakit umasa. Pero kahit paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko yan. Alam ko sa sarili ko na umaasa pa rin ako, ng sobra sobra, hanggang sa inaakala kong totoo na nga itong mga iniisip ko.

"Ah, oo naman. Bakit ko naman makakalimutan iyon?" sabi ko sa kanya. Sinulat ko pa nga yun sa diary ko eh, parang naka-record na din sa utak ko.

"Ah, pre! Una na ako, may practice daw tayo sa basketball ngayon. Sunod ka nalang." Sabi ni Jirus sa kanya sabay tapik sa balikat niya. Tumingin pa si Jirus sakin at ngumiti sabay sabing "Alis na ako" Ano to? Binibigyan niya ba kami ng privacy ngayon?  I need air. I can't breathe. Ito na yung pinakahihintay ko.

"Sige pre!" sabi naman ni Justin at tumingin na sakin at sabi "Sama ka sakin." sabay hawak nya sa may kamay ko at hinila na ako paalis ng canteen.

"Ahhh, Justin, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa garden, huwag ka munang magsasalita, okay? May surprise kasi ako doon para sayo eh" sabi nya Surprise? Ano kaya yun! Kinikilig na ako...  T_T

So, nung nasa garden na kami, humarap siya sa akin at sinabi na "Ipapakilala ko sayo ang girlfriend ko dito." Tumingin naman ako sa garden kung may tao at wala, so that means, ako ang sinasabi niyang girlfriend? Hindi pa nga siya nanliligaw, girlfriend agad? Wow ha

"Hindi ka pa nga nan-" at biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Hey, babe, siya ba yung girl na sinasabi mo sa akin? Siya yung dapat kong makilala?" pagkalingon ko, nakita ko ung nakabangga sa aking babae kanina. Ha? Anong ginagawa niya dito? Babe daw?

"Uhmm, oo, babe, si Yannie." Tumingin siya sa akin. "Yannie, siya nga pla si Jewell, girlfriend ko. Sabi ko sayo na sayo ko unang papakilala ang girlfriend ko, so siya na nga." sabay akbay niya kay Jewell. Oh, wait, sooo totoong may girlfriend na talaga siya? Akala ko ba. Akala ko.........

True Meaning Of BitternessWhere stories live. Discover now