CHAPTER 18

79 2 3
                                    

JEN'S POV
Hahanapin ko ba sila o uuwi na ako??

Uwi nalang ata ako. Paalis na ako nung...

"Pssst. Pssst"

Baka hindi ako yung tinatawag. Hindi na ako lilingon baka isipin nun assuming pa ako.

"Psst. Babaeng naka-blue na jacket" Naka blue jacket ako ah.

Huwag kang lumingon, baka manyak.

"Jen!" At dun na nga ako lumingon.

"Psst, pst. Chk chk pooh chk ahh".
Langya, yung anim na hayop pala. Dejoke.

Biglang silang ngumiti ng nakakalokong ngiti.

"Bakit ganyan mga tingin niyo ha?" Sabi ko.

"Hindi kasi namin malaman kung bakit at paano mo nilandi si Ivon?" Sabi ni Levy.

"Bakit kausap mo siya kanina?" Tanong ni Krizzy.

"Nawala lang kami saglit, nanlandi ka na." Sabi ni Stella.

"Naaalala niyo ba nung kinalimutan niyo ko at iniwan after practice sa valentines day? Ayun, may pinainom ako sa kanyang love potion kaya ayun, kasama ko siya kanina." Lokong sagot ko.

"Pwede bang bigyan mo rin ako ng potion na yan. Para maibigay ko kay JC. Para makuntento na siya sakin at huwag na siyang maghanap pa ng iba." Sabay tawa ni Yna.

"Eh meron bang hate potion para layuan na ako ni Jason?" Sabi ni Stella at nakitawa din.

"Ayy, ako kailangan ko yung dalawang potion, yung love potion, bibigay ko kay Drew, yung hate potion bibigay ko kay Angelo." Sabi ni Levy.

"Kung meron din sana yung potion na pampa-move on, lalaklakin ko yan lahat." Sabi ni Sandra.

"Gusto ko yung potion na pampalimot para makalimutan ko lahat ng feelings ko para kay Justin." sabi ni Yannie. 

Tawa sila ng tawa kaya nakitawa nalang ako.

"Ano bang mga problema niyo?" tanong ni Krizzy.

Nung tinanong niya yun, yung mga halakhak nila napalitan ng paghikbi, teka bakit umiiyak na silang lima?

KRIZZY'S POV

"Naaasar kasi ako kay Lea, sinampal niya ako kanina." Sabi ni Sandra.

"Ha? Bakit ka naman sinampal, masakit ba? Okay ka lang, kung makita ko yun, sasabunutan ko siya hanggang sa mawala lahat ng buhok niya sa anit niya." galit na sabi ko.

"Sinampal niya ako gamit ng kamay niya pero hindi naman yung sampal niya yung masakit eh, yung mga sinabi niya sa akin yung masakit." Sabi ni Sandra.

Kinomfort nalang namin si Sandra. Kailangan niya nga talagang laklakin yung pampamove-on na potion.

"Eh kayo ha? Ano problema niyo?" Tanong ko dun sa iba pa.

Biglang nalang naglabas ng envelope si Yna. Nilagay niya sa may gitna ng table.
Kinuha ni Jen yun sabay sabi "Buti naman naisipan mo ng i-share ang laman nito."
Nung nakita niya yung laman, napa nganga siya at pinakita sa amin yung picture.

"Nasaan yang lecheng JC na yan?! Papabugbog ko kay kuya!" Sabi ni Sandra.

Parang nawalan ng energy si Yna. Kinomfort na din namin siya.

"Nabi-bitter ako!" Sigaw ni Sandra.

"Ako din, hindi ko alam kung magagalit ba ako o malulungkot."Sabi ni Yna.

Mga bitter sila lahat, buti pa ako, mayroong Harold. Kawawa naman sila.

YANNIE'S POV

*Vibrate *vibrate

FROM: 09456******
Please send the name of your group together with the name of the members of the group in this number. Thank you.

"Nareceive niyo ba yung message?" Nagsitinginan sila sa cellphone nila.

"Ano balak niyong name?" Tanong ni Jen.

"S7" sabi ni Krizzy.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi sexy tayo lahat at pito tayo lahat. It stands for SEXY SEVEN. HAHAHA" Sagot ni Krizzy.

"Corny mo." Sabi ni Levy.

"Sorry ah" sabi ni Krizzy.

"Bitters." Sabi ni Sandra.

"Agree ako jan be." Sabi ni Yna.

"Tutal, halos lahat tayo bitter ngayon, edi yan na." Sabi ko.

"Kayo lang kaya bitter!" Sabi ni Krizzy.

"Sige, ikaw na masaya." Sabi ni Stella.

Habang nagtatalo sila, nagta type na ako.
. Bla. Bla. Bla.
"Mas pangit ka kaya!" Sabi ni Jen.

"Uhhhhm. Guys, sinend ko na po." Sabi ko

"Haaaaa??" Sabi nila lahat.

"Langya. Wala man lang pasabi." Sabi ni Levy.

"Sorry tagal niyo magdecide kaya ako na nagdecide para sa inyo." Sabi ko.

"Valentines po ang theme ng contest. Bakit po bitters ang namw ng grupo natin?" Sabi ni Krizzy.

"Oo nga. Pero okay lang naman ata girls. Para sa mga bitter ngayong valentines, yan ang point natin kung bakit ayun ang name." Sabi ni Jen.

"Ayy, correct. Pwede. Pwede, magaling magaling." Sabi ni Stella.

"Okay. Okay, settled na tayo sa name. Pero sa practice hindi pa. Ano plano niyo mga be?" Sabi ko. Hahahahaha.

True Meaning Of BitternessWhere stories live. Discover now