CHAPTER 7

94 5 2
                                    

Yannie's POV

 Lakad. Lakad. Lakad.

Andito pa rin ako sa may corridor, naglalakad. Ang bagal kong maglakad. Kasi naman iniisip ko lahat nung mga nangyari kahapon... sniff* sniff*

>>>FLASHBACK<<<

Patak na ng patak ung mga luha ko. Ayaw tumigil.

Mukhang nagulat si Jewell, at nagtaka naman si Justin. 

"B-bakit ka u-umiiyak?" tanong ni Jewell. Magsasalita sana si Justin pero inunahan ko na.

Ngumiti muna ako bago nagsalita. "I'm so happy for the both of you!"

Nilapitan ko si Justin "Certified lalaki ka na!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya.  "Umiiyak lang naman ako kasi natouch ako sayo Justin... Tinupad mo pa ung usapan natin..."

Tinanggal ko na ung pagkakayakap ko sa kanya.

Sino kaya yung tangang maniniwala sa sinabi ko?

Tinitigan ko silang dalawa, bagay talaga sila, ito naman kasi akong assuming. Huminga ako ng malalim at sabi sa kanila " Be strong guys. Una na ako" 

Lalayo na ako kay Justin, mas maganda nalang lumayo kaysa mas masaktan pa ako.

>>>END OF FLASHBACK<<<

Haaaayy. Lakad. Lakad. Lakad. Lakad. 

Nasa harap na ako ng music room 1, pumasok na ako, diretso sa may drums, at pinatong ko lang ulo ko dun.

Haaayy, buhay.

Stella's POV

Dito ako sa clinic ngayon kasama si Levy, pagod talaga siya, nahimatay siya papunta ng music room 1. Ano bang nangyayari sa babaing ito? Buti nalang nakita kami ni Angelo kaya naman binuhat niya papunta dito sa clinic si Levy. Grabe si Levy, mukhang alalang alala si Angelo nung mga oras na yun, kasama ko pa rin siya hanggang ngayon, pinilit niya na siya nalang ang magbantay kay Levy.

"Stella, okay lang na mauna ka na, ako na ang magbabantay kay Levy" seryosong sabi niya.

Tinignan ko siya, mukhang alalang alala talaga siya, sige na nga. "Osige, una na ako, bantayan mo ng maigi si Levy, ikaw sisisihin ko kung may nangyaring masama sa kanya." at lumabas na ako ng clinic.

Vibrate* Vibrate*

Ayy! Nagtext si Jason.

From: Jasooooon!

LABAS KA! BILIS! dito ako ngayon sa may harap ng school ninyo

Vibrate* Vibrate*

From: Jasooooon!

Kung di ka lalabas, ako ang papasok jan!!!!!!!!

Puntahan ko na nga lang itong lalaking ito.

Takbo. Lakad. Takbo.

Andun na siya, nakatalikod.

Cough* Cough*

"Hoy! Bakit naninigarilyo ka na ulit?!" galit kong tanong.

"Kasi naman wala ka na para suwayin ako." sabi niya sabay hulog sa sigarilyo, pagkatapos ay tinapakan niya.
"TARA" at hinila na niya yung kamay ko.

Tinanggal ko ung kamay niya sa braso ko. "HOY! Bakit?! pumayag ba akong sumama sa'yo?!" sabi ko.

"HINDI!" sabi niya.

"Hindi naman pala eh. Pinuntahan lang kita dito para paalisin. Kaya alis ka na, papasok na ako!"

"OKAY! ENJOY!" sabi niya.

UUGGHHH! Ano ba yan! Dumating lang siya dito para mang-inis. Wala rin lang palang sasabihin! Ang sarap suntukin eh. Kung hindi lang siya mas matangkad sa akin. Siguro binatukan ko na siya.

True Meaning Of BitternessWhere stories live. Discover now