Krizzy's POV
CLICK !
Napalingon ako sa tunog na yun at parang may nagflash pa. Nung tinignan ko kung saan nanggaling yung flash, andun si Grace Lene. Pinuntahan siya ni Jen, nag thank you at umalis na siya. Andito na pala si Jen? Ay, hindi lang siya, andito na pala kaming lahat.
"Ohh, bumalik na ba kayo sa katotohanan? Pwede na ba tayong magpraktis? Malapit na ang valentines day, huwag na tayong magsayang pa ng oras. Yung prize nalang isipin niyo guys." sabi ni Jen sa amin.
"Anong saysay ba ng pagpili ng partner kung may girlfriend na yung taong gusto kong piliin? Ayaw kong namang ipagpilitan ang sarili ko sa kanya." sabi ni Yannie.
Ha? Sinong may girlfriend na? Pero sabagay ako rin naman. Walang pipiliin kung sakali.
"Wala naman si Harold sa school natin. Ayoko namang pumili ng iba." matamlay na sabi ko.
"Sana nga bumalik nalang ulit 'siya' dito, para meron akong mapipili kung manalo man tayo." Narinig kong bulong ni Sandra.
Ano namang pinagsasabi nito? Don't tell me...
"Tayo na nga kayo, kahit na huwag niyo nang isipin ang mga yan, basta ang pakay nalang natin ay manalo para ipamukha sa kanila Casey na mas magaling tayo sa kanila, para hindi na tayo minamaliit ng mga impaktang yun. OKAYY?" sabi naman ni Stella.
"Besides, hindi lang naman yun ang prize, hindi ba? Meron pa kaso hindi pa nila sinasabi. Ewan ko ba kasi kung bakit hindi pa nila sabihin ng mas maaga para ma-motivate tayo lalo. Pero guys, galingan nalang natin please." Sabi naman ni Jen na parang nagmamakaawa.
So ayun nga, nagpractice nalang kami so practice dito, practice doon.
"Ui, rest na muna tayo" sabi ko.
Um-agree naman sila lahat. Grabe, ang tamlay naman ata nila ngayon. Ano kaya ang dapat kong gawin para sumaya sila kahit konti?
........
CHINGG!! May bright idea ako...
"Huy! Tayo nga kayo lahat jan, tara sa jurassic park, bisitahin natin yung mga animal dun sa may music room 2!" sabi ko sa kanila.
Walang sumagot, nakatingin lang sila lahat sakin nung sinabi ko yun.
" Tara na ! Papanoorin lang natin sila. Mag-oobserve lang tayo." sabi ko nalang ulit.
Medyo napangiti nalang sila at pumayag din.
Mga two rooms pa bago kami makakapunta sa music room 2.
Nung nasa labas palang kami ng Music Room 2, naririnig na namin ung boses ni Casey. Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit gusto lagi ni Casey na siya ang kumakanta. Hindi niya ba naririnig sarili niyang boses? Try ko nga i-record minsan para malaman niya na alam niyo na.
"Huy ! Tara na nga, bago pa masira ung eardrums natin." sabi ko sa kanila.
"Ano ba Krizzy, sabi mo punta tayo dito. Ngayon naman aalis tayo agad." Sabi ni Jen.
"Sorry na, okay? Maglakad-lakad nalang tayo kasi naman ang tahimik niyo kanina." Sagot ko naman sa kanya.
Naglakad lakad na ulit kami. Malay ko ba kung saan kami pupunta, basta lakad lakad lang. Nung medyo, nakalayo na kami, may narinig akong kumakanta. Boses ng lalaki.
"Naririnig niyo ba yun?" Tanong ko. Pero walang sumagot.
Paglingon ko, wala sila doon. Hindi pala nila ako sinundan, wala man lang silang pasabi.
Sinundan ko nalang kung saan nanggaling yung boses hanggang sa nakarating ako sa Music room 5. Half open ang pinto, masilip nga, hindi kasi sila marunong magsara ng mabuti eh. Mayroong lalaki na tumutugtog ng gitara, may mga kasama siya, mukhang banda rin sila.
"Huy! Wendell, Ayusin mo nga pagkanta mo, Dapat with feelings bro !" sabi nung isang lalaki at nagtawanan naman sila lahat. Hindi ko alam kung sino pero parang nakita ko siya nung pinatawag kami ni ma'am Maggy about sa contest for valentine's day.
.
.
.
Hindi namin naisip ang mga iba pang kasama naming magpeperform para sa contest. Kung pepetiks petiks lang kami ngayon, wala kaming laban sa kanila.
Kung akong tatanungin, may chance silang manalo. paano na yan? Paano na kami?
Bumalik ako kung saan ko sa music room 1, at andun silang lahat kaso may sari-sarili silang mundo. Lahat sila may hawak na cellphone.
Ano bang mga pinaggagagawa niyo diyan? Kailangan na nating magpractice. Baka nakakalimutan niyo na, hindi lang sina Casey ang kalaban natin sa contest." sabi ko sa kanila.
"Oo na po Ma'am, pero may kilala ba kayong ibang kasali din sa contest?" tanong ni Levy.
"Actually, wala." sabi naman ni Stella.
"Kahit huwag na nating alamin basta galingan nalang natin at magpractice nalang muna tayo." Sabi ni Yna.