[[A CHAPTER OF ilovemysunset12 ^______^]]
Levy's POV
Haaayys!! wait. Bat ako nag-sigh? Ewan ! Parang masaya dapat ako ngayon eh. Naka-move-on na ako kay Drew. tapos ngayon malling pa kami. Diba dapat sobrang happy na ako?
"Ano sayo?" biglang tanong ni Jen.
"H-ha?" Hindi ko napansin nasa Fusion na pala kami. "Uhmmmm, kayo nalang bahala. Maghahanap at magrereserve lang muna ako ng table sa gazebo line dito."
"ah. Sige. Samahan ka ni Jen you want? Mukhang hindi ka okay eh . Magpatulong nalang ako sa waiter." Pag-insist ni Yna. Pero, ayoko talaga. Gusto ko muna i-clear yung nararamdaman ko.
" Ay, hindi na, okay lang. kaya ko to. Salamat." hindi ko na hinintay yung response nila. Umakyat nalang ako agad.
Ano nga ba itong nararamdaman ko ? Naguguluhan ako... :(
Parang ang bigat nga ng feeling eh...
,
~~*Shine bright like a diamond
Shine bright like a diamond
Find light in the beautif-- * ~~
"Aaanooobaaa? Sabi ko gusto ko muna mapag-isa eh. Sino ba tong tumat--"
Osige. Ako na ang baliw. kinakausap ang cellphone. Pero bigla ako napatigil ng nakita kong unknown number. s-in-ilent ko nalang.
Medyo nawala yung pagkabad-ibes ko nung nakahanap ako ng table. Mga 15 minutes na akong naghihintay doon. Chineck ko ung phone. Waa?! 47 missed calls?!! Galing dun sa tumatawag kanina. Titignan ko palang dapat, biglang tumawag ulit. Feeling ko may importanteng sasabihin ang taong to, kaya sinagot ko na...
"H-hello?" syempre hindi ko kilala, kelangan skeptical yung tone ng voice ko. Siya naman. "Levy, Levy, Levy! Buti nalang sinagot mo na. May importante akong sas--"
"SINO KA?!" Napasigaw ako. Ewan ko bakit, basta sumigaw ako. haha. pero...
.
.
.
"Mahal kita.."
"ah..." Hindi ko alam sasabihin ko..... First of all, HINDI KO SIYA KILALA! Pero biglang dumating na sina Jen at Yna. Pinatay ko na tuloy yung phone, "Ay, tokneneng!"
"Hahaha! Baliw! Okay ka na?!" Tanong nila.
"Ah, Eh.... Oo...?" Ewan. Baliw ko talaga. "kaen nalang tayo!"
"Adik!" sabat ni Jen. "Antayin natin sina Krizzy!!" "OSIGE"
~~~Shine bright like a diamond~~~
Aynako . Tawag na naman.
"HELLO!" Pagalit na tone. Walang sumasagot.
Tinignan ko.
Nakapatay =.=
"Badterp!" Tinago ko nalang.
*vibrate* *vibrate*
WHAT??!