CHAPTER 16

20 0 0
                                    

KRIZZY'S POV

Nasaan na ba sila Stella at Yannie? Iniwan ba naman ako. Bahala sila. Ako nalang mamimili ng design para sa masks namin.

Paglabas ko sa cosplay center, may narinig akong sigaw.

S-s-si Stella ba yun?!!

Tatakbo na ako papunta kay Stella nung **BUGSH.

May nagkabungguan sa may harap ng elevator. T-teka si Yannie ba yun?

Saan pupuntahan ko?

STELLA'S POV

Tinakpan nila mata ko at tinakbo..

Wala akong makita. Tinali pa kamay ko? Wait! Bakit nawala bigla yung paghawak sakin? Hindi ko naman matanggal yung blindfold para makita ko sana, kaso, nakatali nga kamay ko dba... Anong nangyayare....

May...

.

.

.

Nagbubugbugan?

"STELLA!" Teka, boses yun ni Crissa.

Naramdaman ko nalang may tumanggal nung bagay na nakatakip sa mata at bibig ko, pati na yung nakatali sa kamay ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Crissa na mukhang alalang alala sa akin.

"Oo. Okay lang ako."

Tumakbo na yung dalawang lalaki nung nakita nilang nagkukumpulan na yung mga tao sa amin.

"MGA DUWAG! KUNG NAGPAKITA PA KAYO SA AKIN. HINDI LANG YAN AABUTIN NIYO SA AKIN!!" 

"Okay ka lang ba?" Tanong sa akin nung sumigaw na lalaki kanina.

"J-jason? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Anong ginagawa niya dito?

"Sila dapat mong tanungin ngayon hindi ako." Sabi niya sa akin sabay turo dun sa mga tumakbo kanina.

" Yung ilong mo dumudugo." turo ni Krizzy sa ilong ni Jason. "Stella, puntahan ko naman si Yannie ngayon noh? Mag-usap na muna kayo diyan, okay? Tutal, wala na yung mga bad guys."

YANNIE'S POV

I felt the urge para tumulong kasi.. kaya lumabas ako ng elevator.. Patakbo na ko sa girl eh, nang biglang may tumatakbo din patungo sa Direction ko... Na-unconscious nalang ako bigla... Nagkabanggaan kami..

*moment of silence*

*creek* *creek* *creek*

So, heto ako ngayon, nakahandusay sa floor. Nakakahiya, pumikit nalang ako agad, tinatakpan naman nung buhok ko yung mukha ko eh.

"Miss, are you ok?" may husky voice ng guy ang nagtanong sa akin.

Hindi nalang ako sumagot, kunwari unconscious ako, ganun. Kahit gusto kong tignan ang face nitong lalaking ito ay pinipigilan ko nalang sarili ko.

After 4563728 years, or seconds ata.

"Yannie, okay ka lang?" narinig kong boses ni Krizzy.

"Do you know her? I think we need to bring her to the hospital." sabi nung husky voice.

Ano, hospital daw? Hindi!!! Bahala na. Bigla nalang akong tumayo sabay hinila ko si Krizzy papalayo. 

SANDRA'S POV

Nagkatitigan kami.....

Matagal yun eh kaso umiwas na siya agad ng tigin

"Sorry." sabi niya

Aray! Saan ba siya nagsosorry ?? Yung nabangga niya ako o yung dahil sa pinagpalit niya ako dun sa iba?? Ano ba talaga?

Magsasalita na ako ng...

"Francis !!!!" napapikit nalang ako nung narinig ko yun!! Sandra, umayos ka ! Wag mong sabihing siya nga yun??

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata......

"Ha-ha-ha-hahahaha" nagtataka na yung mga mukha nila nung narinig nilang tumawa ako....

"Uhm... Ah, so, kayo pa din pala?? haha. I thought so. Una na ak-"

"Sorry...... Sandra, sorry talaga. Sorry sa lahat lahat. Sana mapatawad mo ako."

"Sorry?? So, sa Sorry mong yan ??! Maayos na lahat?!!! Ano bang magagawa ng sorry mong yan ha??!!!! Dapat di ka nalang nagsalita eh... Dapat di nalang kita nakilala ! At dapat masaya na ako ngayon .... pero hindi!! Alam mo ba kung bakit?? sabihin mo sa akin kung bakit??!!! Kaso ako mismo hindi ko alam !!!" Bakit parang gusto ko nang umiyak kaso walang lumalabas na luha sa mga mata ko.

Tumalikod nalang ako sa kanila ... mamaya kasi magwala na ako dun at masabanutan ko pa yung babaeng yun...

Nakakadalawang hakbang palang ako nang may humila sa kin kaya napaharap ako at PAK!!!!

"Lea, what the heck was that for??!!!" bakit niya ako sinampal, hindi ko na nga siya pinansin ... pero sinampal niya pa rin ako.... Kelangan kong bumawi .... Sasampalin ko na sana siya ng nagsalita siya

"Sandra, nagso-sorry na nga yung tao, sisigawan mo pa..... at ano pang sinabi mo... dapat di mo nalang siya nakilala? You're making me laugh. At hindi ka masaya ngayon? Sino bang may kasalanan ha?" napataas nalang kilay ko dun

"hindi mo siya binigyan ng chance para mag-explain! Hindi mo siya pinakinggan. At kung may nasabi man siya sayo.. Di mo siya pinaniwalaan! Kaya ... uulitin ko ulit yung tanong ko sayo...... Sino bang may kasalanan?" At pagkatapos niyang sabihin yun, hinila niya na paalis si Francis.

Nung nakita ko na siyang papaalis kasama yung babaeng yun at nung pumasok na sa utak ko lahat ng pinagsasabi nung BABAENG YUN....... Dun na tumulo yung mga luha kong kanina eh ayaw pang lumabas.

LEVY'S POV

*vibrate* *vibrate*

WHAT??!

FROM: SANDRA

Levy, nakita ko si Francis... :((((((((((

HA? Umalis na ako agad sa Fusion para hanapin si Sandra. Hindi ko na muna sinabi sa kanila Jen at Yna. Tatawagan ko na sana si Sandra ng biglang may tumawag ulit.

Langya naman itong tawag ng tawag na to eh. Kung hindi man ako nagkakamali, boses ni Angelo yung narinig ko pero hindi, hindi dapat. Ano bang pumasok sa utak niya at nagkakaganito siya.

May pinagdaraanan ba siya? Baka naman lasing. Pero ng ganitong oras? At isa pa, hindi naman yun umiinom eh. Oh. Heto na naman tumatawag na naman siya.

"Hello....."

"Hi, Levy. Levy, huwag mo ibababa yung cellphone. May mahalaga akong dapat sabihin sayo....."

"S-sorry, tawag ka nalang ulit mamaya." at ibinaba ko na yung phone.

Nakita ko kasi si Sandra, umiiyak. Tapos nakakalat lahat nung binili namin kanina sa floor, nakapaligid sa kanya. Pinagtitinginan na siya nung mga tao.

"Sandra!" Tumakbo na ako papalapit sa kanya at niyakap ko nalang siya. Sa kakakwento niya kasi sa amin tungkol kay Francis, alam kong kailangan niya talaga ma-comfort ngayon, lalo na nakita niya siya ulit. Hindi ko na muna siya tinanong o kinausap.

Mga 5 minutes na ata kaming nakatayo doon na parang mag-ina kasi parang umiiyak siya kasi natapon niya yung mga binili niya at ako ung nanay, nakita ko siya at kino-comfort ko siya ngayon.

Medyo tumahan na siya kaya naman, pinulot nalang namin yung mga nagkalat na damit at kung ano pang binili namin sa floor.

Sinabi ko nalang sa kanya na punta na muna kami ngayon sa Fusion.

True Meaning Of BitternessWhere stories live. Discover now